Memoir 3

11 0 0
                                    

I opened my eyes after ng mahaba ko na atang pagtulog. Ang sakit sakit din ng ulo ko eh.

Wait.


Nasan ako? Kaninong kwarto to?

Tiningnan ko ang buong paligid. Jusmiyo que horror! Hindi ko ito kwarto! Hindi ganito kaganda ang kwarto ko. Paano ako napunta dito?!

I am so clueless and shock pero mas may ikakagulat pa pala ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin.

"Aaaaaaaaaahhhhh!!!" Omaygad. Hindi. Hindi ako ito! This is not my body!

Juskopo please tell me Lord nananaginip lang ako diba?

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at sinubukan kong matulog at dumilat ulit hoping na panaginip lang ang lahat.

"Waaaaaaahhhhh!!!" Anong nangyayari? Bakit iba pa rin tong katawan ko? Bakit andito pa rin ako sa kwartong hindi naman sakin?

"Hoy Helena! Ang aga-aga ba't nasigaw ka? Anong nangyari sayo anak?"

Omg.

A beautiful woman in her 40's enter the room and approach me. Anddd! Kung di ako nagkakamali, siya yung sikat na sikat na chef sa Pilipinas!

Ano ba talagang nangyayari? Bakit nasa harap ko si Mrs. Elliana Aragon, the country's famous chef na tinawag akong anak?

"Hey, anong nangyari? You had nightmare?" Nag-aalalang tanong niya habang hinihimas ang mahaba at magandang buhok ko--I mean, nitong katawan na ito.

"Uhh hehe o-opo nightmare nga po ito hehe." Awkward kong sagot.

"Ganun ba .. Gusto mo dito na rin ako matulo--"

"Naku naku wag na po okay na ko. Ano. Babalik na po ako sa pagtulog." Humiga naman ako sa higaan para convincing. Ano ba tong ginagawa ko?

"Err, okay Helena honey, sleep well and pray, okay? Babalik nko sa kwarto." I just nod then umalis na siya.

Panaginip lang ba ito? Bakit parang totoo at antagal ko naman ata gumising. Pero hindi eh!

Helena. Tinawag akong anak at Helena ni Mrs. Aragon.

Kung hindi ito panaginip, nasa katawan ako ni Helena Aragon ngayon, ganun ba?

Pero pano mangyayari yun eh ako si Arassia Dei Morez?

Nakakaloka.

UnownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon