Memoir 7

5 0 0
                                    

Sa chapter na ito, ang tunay na Helena ang nagsasalita na nasa katawan ni Arassia. Okay? Okay. ;)

--

Paano nangyari to?

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakikipag-usap sa kahit kanino sa kwarto na to. I'm not supposed to be here! Pero hindi ko maexplain kung anong nangyayari. Paano ko sasabihin na hindi ako ang kung sino mang may-ari ng katawan na 'to?

"Arassia hija, may masakit pa ba sayo? Bakit di ka na nagsasalita?" Alalang tanong sakin ng isang matandang babae na tita ata ng totoong Arassia.

Tita, hindi naman po kasi ako ang pamangkin niyo. Paano ko sasabihin?

Napapikit nalang ako at marahang umiling.

"Ate Minyang, siguro kailangan munang magpahinga ni Asya." Sabi nung babaeng kaedad ko lang na may hanggang balikat na buhok. Kaibigan niya ata to.

"Asya, tawagin mo nalang kami pag may kailangan ka ah? Miss ka na namin." Sabi naman nung guy na moreno at matangkad. Halata sa mata niya yung longing at lungkot dahil ganito si Arassia. I felt sincerity with their eyes ..

Tumango ako. I want to be alone.

Paglabas nila ng kwarto napasabunot ako sa ulo ko. What the hell?! Totoo to eh. Hindi ako nananaginip.

Tumingin ulit ako sa salamin na nandito sa kwarto.
I touched her face. Why am I in your body Arassia?
This body has a small face, hanggang bewang na itim na buhok, maputi, maliit ang ilong at labi, singkit na mga mata at katamtamang katawan. I can say that this Arassia girl is pretty cute.

Napaisip ako.

"If nandito ako sa katawan ni Arassia, nasaan yung kaluluwa at memory niya?"

Hindi kaya?

"Nasa totoong katawan ko ba siya ngayon?"

Andami kong tanong at sumasakit na ang ulo ko. I need answers. Magagawa ko lang yun if mahanap ko ang katawan ko, ang totoong katawan ko. Tama! I need to get out of here. Kailangan ko ng umuwi samin.

"Tita?" Tawag ko. Maging ang boses ko ay iba.

Pumasok naman ang Tita ni Arassia na may dalang supot ng pagkain.

"Ano iyon hija? Ayos ka na ba?"

"Opo. Gusto ko na pong umuwi."

Hinaplos niya ang buhok ko. "Oo hija uuwi na tyo." Hala. Bat sya umiiyak?

"Nako bakit po?" Tumabi sya ng upo sa kama at tiningnang mabuti ang mga mata ko. Ang mga mata ni Arassia.

"Patawarin mo ko at hindi kita naprotektahan ng gabing iyon. Akala ko mawawala ka na sa amin. Sa akin." Ano bang nangyari?
"Nasasaktan ka nila pero wala akong ginagawa. Nung gabing maaksidente ka, hindi ko sinasadyang pagsalitaan ka ng ganon. Hindi ko naman alam na tatakbo ka at mababanga."

Nasagasaan si Arassia? Kaya andito siya?

Hinawakan niya ang kamay ko.
"Patawad hija, hindi madali ang buhay para sayo pero pangako na gagawin ko lahat wag ka lang masaktan. Iniwan na tayo ng mga magulang mo, hindi ko na hahayaang mawala ka pa sakin." Iniyakap niya ang sarili niya sakin at ganon din ako.

Hindi ko lubos maintindihan pero mukhang malungkot ang buhay nitong si Arassia.

Nabangga siya at may nananakit sa kanya.

Kung kailangan kong aralin ang buhay ni Arassia para makabalik ako sa katawan ko, gagawin ko.

Pero sana .. sana hindi na tumagal pa ito.

--
A/N:
Alternate ang update sa buhay nung dalawa haha! Hindi ko na lalagyan ng POV kasi tingin ko mas nakakalito yon dahil hindi naman talaga sila yung totoong nagsasalita dahil nga nagkapalit sila. Hahaha basta. Malalaman niyo naman kung sino ang totoong Arassia at Helena sa pagsasalita nila at sa takbo ng buhay nila.

Si Arassia ay probinsyana at sa La Union nakatira. Madalas na Lola at mga kaibigan niya lang ang kasama niya sa kwentong ito samantalang;

Si Helena ay taga-Manila at marangya ang buhay. Siya din ang umi-english sa pov minsan hahaha RK eh.

Tsaka magkaiba sila ng personality. Kung nagbabasa kayo neto, mahahalata niyo rin. :)




Next chap: Ang tunay na Arassia na nasa katawan ni Helena.

UnownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon