Memoir 6

8 0 0
                                    


Mula ng magising ako kanina ay hindi ko na magawang matulog pa.

Paano nangyari ito? Ang huling alaala ko ay..

Sa hospital pa.

Alam kong nasa hospital ako nun bago ako mawalan ng ulirat dahil sa isang aksidenteng naganap. Pero bakit ako andito? Nasan si Tiya Minyang? Bakit nasa ibang katawan ako? Anong nangyari?

Magang-maga na ang mata ko kakaiyak kaya naghanap nalang ako ng mga bagay sa kwarto kung sino ang may-ari ng katawang ito.

Helena Angelique Aragon. Nakasulat ito sa isang notebook. Eto pala buong pangalan niya.

Marami akong nakita gaya ng pictures, albums, notebooks. Nalaman ko din na nag-aaral pa siya sa kolehiyo at kaedad ko siya. Marami siyang kaibigan.

Helena..





Bakit ako nasa katawan mo?

Gusto ko ng umuwi samin sa La Union. Nasa maynila pala ako. Taga manila si Helena at mayaman siya. Hindi ako sanay sa ganitong lugar..

Kailangan kong makaalis.

Pero paano?

UnownedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora