Memoir 8

3 0 0
                                    


"Helena anak, how was your sleep?"

Nako. Hindi na ako nakatulog kung alam niyo lang.

"A-yos naman po. Nakatulog na ako ng maayos." Pilit na ngiti kong sagot.

Pinagmasdan ko ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Agahan palang nila ito? Ang dami!
Si Tiya Minyang kaya kumain na?

"Ate kanina mo pa tinititigan yang bacon as if di ka kumakain niyan araw-araw." Napatingin ako sa nagsalita. Ang daddy ni Helena.

"Aa-ah haha ano po kasi parang mas masarap sa mata yung bacon ngayon." Kamot ulo kong sabi. Dahan-dahan nalang akong kumuha ng pagkain. Hindi kaya mahalata nila sa kilos ko na hindi ako si Helena? Hindi naman siguro. Paano ba siya kumilos? Yung karaniwang taga Manila na nag-iingles at maarte? Nako hindi ko kaya yun. Ganoon napapanuod ko sa mga palabas eh.

"Eh sa school Helena? Nakakapag-adjust ka na ba?" Tanong sakin ni Mrs. Aragon.

"O-opo mabait naman sila tsaka, tsaka .. medyo nasasanay na ako." Nakuu tama ba pinagsasabi ko?

Nagulat ako ng hawakan ni Mrs. Aragon ang kamay ko- ang kamay ni Helena.

"I know hindi madali ang lahat. Soon you will understand why we are doing this. We don't want you to remember what happen 3 months ago." Sinserong sabi niya.

Anong nangyari 3 months ago?

"That's enough. Helena doesn't need to know besides its on the past kaya wag niyo ng alalahanin. Okay Helena? What happened 3 months ago is nothing important." Nkakatakot ang tingin ni Mr. Aragon dahil mahahalatang strikto ito kay Helena.

Tumango nalang ako kahit gustong-gusto kong itanong kung anong nangyari 3 months ago. Ayaw nilang malaman ni Helena so  ibig sabihin, wala ring alam sa nangyari si Helena noon.

Pero bakit kaya di niya alam? Kung ano man yon ay isinekreto ito ng pamilya niya sa kanya.

Sumakit tuloy ulo ko. Gusto ko ng umuwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon