Chapter 22: The Accident

620 29 5
                                    

Thorn's POV

Wala ako sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana. The night sky that used to captivate me was slowly losing it's magic in my eyes. Nanghihina ako sa totoo lang. Pakiramdam ko pagod na pagod na ako. I couldn't feel anything aside from the excruciating pain. 

Takteng buhay yan oh. Kahit ilang beses kong isipin di ko pa rin talaga masikmuraan yung kagaguhan na nangyari. I feel so damn pathetic.

Ganon na ba kalala yung sitwasyon ko that even my own parents did that? Pakiramdam ko tuloy, mamamatay na talaga ako. For seven years, sila ang naghihikayat sa akin na gawin yung mga therapy, meds, surgery at iba pa para humaba ang buhay ko. Tapos malalaman kong ganon yung ginawa nila? Ganon na ba kadesperado magulang ko na maging masaya ako?

Edi parang sinabi na rin nila na mamatay lang din ako. In the first place, hindi naman na pala sila naniniwala na gagaling ako. Tangina parang pinatay lang din ako ng sarili kong magulang at girlfriend. Awang-awa na ko sa sarili ko. Sobra-sobra yung tiwala ko sa kanila.

Alam kong hindi ako ang pinakamatinong tao sa mundo. I might even be an asshole but do I really deserve this much pain?

I'm so fucking tired. Pitong taon na akong nakikipagpatintero kay kamatayan. Every night, lagi kong tinatanong bakit ba nangyari sakin ito. Syempre sasabihin nila na wala namang ibibigay na pagsubok sayo ang Diyos na hindi mo kaya. He gave it to you kasi alam niyang malalagpasan mo ito.

I don't believe that.

Hindi ko kaya yung sitwasyon ko. I don't even deserve this situation. Aaminin ko, I'm not the best person you'll ever meet, but there are thousands of people out there who killed their own kind countless of times, yung mga taong nagnanakaw, mga taong gumagawa ng krimen, mga taong mas masama pa sa akin.

Bakit sila? Bakit hindi na lang sa kanila napunta yung disorder ko? Don't they deserve it? Ano bang ginawa ko to experience all this pain?

Naalala ko nanaman tuloy yung aksidente, where it all started. Tumulong lang naman ako, ako pa yung naapektuhan. Katarantaduhan. Edi sana pala hindi na lang ako tumulong kung ganito lang din pala yung mangyayari sa akin.

Kung niloloko lang pala nila ako, then what's the use of getting cured? Sila lang naman ang meron ako sa buhay pati yung mga kaibigan ko. That's my only motivation to keep on going. Let's say na gumaling ako, ano nang mangyayari sa akin? Saan ako pupunta? Cause I'm pretty damn sure na ayokong makita ang pagmumukha ng mga iyon. My friends have their own life at ayoko namang istorbohin sila.

See? What's the use of living then? Mas maganda pa kung namatay na nga lang ako just like what they believed. In that case, walang istorbo.

"Sir kumain na po kayo please" pagmamakaawa ng isang nurse sa akin. I just glanced at her at umiwas na muli ng tingin at hindi na siya pinansin.

Napabuntong hininga na lang siya at iniwan ang tray ng pagkain sa lamesa. Napailing na lang ako at sinalaksak ang earphones sa tenga ko.

Maya-maya napalingon ako when someone suddenly barged in my room.

"Lazarus ano ba? Kumain ka. Bumaba na nga statistics mo and you not eating isn't helping" saad ni Chloe at sinamaan ako ng tingin. Natawa na lang ako sa isip ko. She really doesn't change.

"Ayoko" I muttered at tatalikod na sana ako mula sa kanya ngunit natigilan ako nang makita ko yung sugat niya. Guilt instantly washed over me nang maalala ko ang nangyari kahapon.

"Come here" saad ko at lumapit naman siya. Mas nakita ko ito nang maigi at napansin kong may kalaliman ito. Damn it. Napakagago mo talaga Thorn Lazarus.

Euthanasia [COMPLETED]Where stories live. Discover now