Chapter 28: Small Talks

650 25 2
                                    

Third Person's POV

"Oh my God" stressed na saad ni Natasha matapos ikwento lahat ng nangyari ni Chloe. You know, girl talk.

"I can't believe you guys kissed" hindi pa rin niya makapaniwalang sambit.

"And I so can't believe na break na kayo ni Husher" dagdag niya pa kaya napabuntong hininga na lang si Chloe. Kasalukuyan silang nasa office ni Natasha. Absent ngayon sa trabaho si Husher pero nag-text daw ito kay Natasha na papasok ito mamayang night shift kung kelan tapos naman na ang shift ni Chloe.

Hindi naman halatang iniiwasan niya si Chloe.

"I feel so bad pero anong magagawa ko? Alangan namang ipagpatuloy ko lang na gaguhin yung sarili namin" saad ni Chloe at napatango naman si Natasha.

"Tama naman ginawa mo. So anong plano mo ngayon na umamin na pala si Thorn sayo?" tanong ni Natasha at hindi naman agad nakasagot si Chloe.

"Hindi ko alam" tanging sagot ni Chloe.

"What do you mean hindi mo alam? Hindi ba't gusto mo rin si Thorn? Mahal pa nga ata" nakangising tanong ni Natasha kaya napairap na lang si Chloe.

"I guess I do love Thorn, p-pero hindi kami pwede" mahinang saad ni Chloe at medyo nauutal pa kaya agad napakunot ang noo ni Natasha.

"Bakit naman? He's handsome. He loves you. You'll work it out!" saad ni Natasha like it's the most simple thing in the world kaya natawa na lang si Chloe at napailing.

"Being handsome and loving me won't be enough Natasha. Tsaka pwede ba? I just broke up with Husher last night" saad lamang ni Chloe kaya napairap na lang si Natasha.

"Whatever. So how about Husher? Plano mo bang panatilihin ang pagkakaibigan niyo?" tanong nito.

"If you can't save the relationship, save the friendship" saad niya kaya napatango na lang si Natasha. Kakapalan na ni Chloe ang mukha niya for the sake of their friendship pero naiintindihan niya naman if Husher wants to cut his ties with her dahil sa mga nangyari. Completely understandable.

"Okay na rin yung mga nangyari. Sa totoo lang naawa rin ako kay Husher eh. At least hindi mo na siya masasaktan" saad ni Natasha at napakibit balikat.

Lies. I have no other choice but to hurt him again, for the last time. Soon.

"Sana nga" she muttered. Kung alam lang ni Natasha na masasaktan niya ulit si Husher ay malamang magtataka ito. Paano pa ulit ito masasaktan ni Chloe? Why would she hurt him again? Ano naman ang rason? Is it the fact that she'll be running into Thorn's arms this time? Or something deeper?

"Oo nga pala, tapos mo na ba ang daily check up ni Thorn for today?" tanong ni Natasha.

"Yung nurse na muna ang gumawa. I can't attend Thorn today kasi may gagawin pa ako." saad na lamang ni Chloe tila malalim ang iniisip.

"Ah okay. Kumain ka na ba?" tanong nito at nag-alok ng sandwich kay Chloe. Agad naman itong umiling and smiled.

"No thanks, I'm good" she muttered at natahimik na lang sila while listening to the music na pinapatugtog ni Natasha sa office niya habang pinipirmahan ang ibang files.

"Yung mga kaibigan ni Thorn pumunta kaninang madaling araw. Ang lalakas ng topak. Madaling araw talaga. Palibhasa pwede para sakanila" saad ni Natasha at hindi naman na nagulat si Chloe. Sa taba ba naman ng utak ng mga yun. Natawa na lang siya at napailing.

"Thanks for everything Natasha. You've been a really good friend kahit ngayon lang tayo nagkakilala" mahinang saad ni Chloe kaya napataas muli ang kilay ni Natasha. What's with the sudden compliments?

Euthanasia [COMPLETED]Where stories live. Discover now