kabanata 2

82 31 8
                                    

Kabanata 2

Ipinikit ko ang mga mata at marahan na inihilig ang ulo sa sofa. Nahihilo na ako at gusto na makatulog nang mahimbing. Pero kaagad din akong napamulat ng mga mata nang tawagin ako ni Mariel. May hawak syang cellphone at masaya na bini video-han ang mga lasing naming kaibigan.

Iniharap nya saakin ang cellphone at masaya akong kinuhanan. 

I put my hands mid-air, "I'm too drunk to entertain you,"

Tumawa lang sya at mas lalong inilapit saakin ang sarili. Halos mabuwal na sya sa kinatatayuan. She's struggling while keeping her balance.

"Hinahanap ka na ni Carille. She needs you raw. Nasa iyo daw 'yung wet wipes nya," lasing na boses na saad nya.

Umiling ako. Nasa bag ko ang gamit ni Carille. She put all of her belongings inside my backpack. At ngayon na lasing na sya, saakin nya hinahanap ang lahat ng gamit nya. I even got her phone inside my pocket.

"Where is she? I'll give all of her things back," initukod ko ang kamay sa tuhod at handa na sanang tatayo.

Pero may kamay na pumigil saakin. A strong hand stop me mid-air. Nilingon ko ang katabi at hindi na nabigla nang makita si Giovanni. Tinaas ko ang dalawang kilay para tanungin sya kung bakit.

He's seriously looking at me with his dark eyes. Para nya akong sinasabihan na huwag umalis sa tabi nya.

"Just let that brat, West. Dito ka lang. Baka ano pang gawin saiyo ng babaeng 'yun. She's drunk," he stated.

Tumawa ako at tuluyan nang tumayo. Sinabihan ko muna si Mariel na daluhan muna si Carille. Umalis naman sya ng mapayapa kaya si Giovanni na naman na nakahawak saakin ang hinarap ko.

"You're also drunk, Gio. Tell me, anong ipinagkaiba mo sa pinsan mo?"

He smirked and forcedly pull me. Napaupo nya ako ulit sa sofa. Wala akong ibang nagawa kundi ang mahinang magbuntong hininga.

I don't want to be around him. Lasing ako at ganoon din sya. Baka ano nalang ang sabihin ko sakanya. I couldn't control my body now. My system is corrupted thanks to the alcohol.

"I could make you happy."

Tuluyan na akong natigilan. Tumawa nalang ako para maitago ang gulat na naibigay nya saakin. He's drunk. Lasing kaming dalawa. But something is telling me that I should go with the flow.

Kung ano mang sasabihin nya, sasakyan ko nalang. Hoping that my interest will fades away. Gusto ko na mawala ang nararamdaman para sakanya. It's unfair.

"Paano mo naman ako pasisiyahin? All you do is laugh with our friends, halos kalimutan mo na ako." parang bata na saad ko.

Inabot ko rin ang baso sa lamesa. Kukunin ko na sana ang pitsel na may tubig nang maunahan ako ng lalaki. He poured the cold water on the plastic cup. Sinundan ko lang ang maugat nyang kamay na ibaba ang pitsel pabalik.

May mga nagkalat na mga pulutan sa lamesa. Kinuha ko nalang ang malaking junk foods na hindi pa naubos at inilagay sa hita. Sumimsim rin ako sa hawak na baso.

"I didn't. I was watching you the whole time. You were too occupied. Paano ako sisingit kung nakapalibot sila saiyo?" kumuha sya sa junk foods na nasa hita ko at sinubo. Nakatingin lang sya saakin habang ginagawa iyon.

"Fine, fine. Just rest, Gio. Lasing na ata tayo."

Hindi pa man ako natatapos sa sinabi ay hinablot na nya ang kamay ko na nakahawak sa baso. Ako mismo ang nakahawak sa plastic cup, he was the one guiding my hand on his mouth. Ang mainit nyang kamay ang nagpagising sa diwa kong malapit nang makatulog.

Sunrise Series #4: Moonlit NightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang