kabanata 3

80 28 8
                                    

Kabanata 3

I tried to hide my smile but a manly chuckle escaped from my lips. Tuluyan na akong nahulog sa malalim na pagtawa dahil sa mukha ng mga kaibigan. They're also busy laughing their heart out.

Pinahiran ko nalang ang butil ng luha na lumabas sa sarili kong mga mata at tinapik ang balikat ni Chadler. Nakasimangot sya habang tinitignan ang bawat isa na kasama.

Mapang-akusa nyang tinuro si Giovanni na malakas rin ang tawa. Nakahawak na sya sa sariling tiyan at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig.

"Putangina ka talaga, Giovanni! Ikaw na naman nagpako nitong bag ko!"

Giovanni stopped laughing and pointed Charlie, "Bakit ako? I admit that I was the one who gave the idea, pero hindi ako ang nagpako!"

"Oh, bakit ako tinuturo mo? Ako ba ang nagpako? Hindi naman, ah! It was Mariel," nguso ni Charlie. Sinapak rin sya ni Mariel at pabalang na tinuro si Carille.

"It wasn't me kaya! Si Carille ang nakaisip!"

Nag-iwas lang ng tingin si Carille. Nagbuntong hininga nalang si Chadler at mahinang hinihila ang strap ng bag na nakapako. His poor Jansport wasn't tied, it was nailed. Bakas pa sa kabilang strap ang butas na iniwan nang ipinako ni Giovanni ang bag nya noong nakaraan.

Ngayon, magkabilaan na ang butas. I don't know where they got the nail. Basta nalang nilang ipinako ang bag ni Chadler habang wala sya. At nagkataon pa talaga na kahoy ang upuan na pinag-iwanan nya sa bag.

"Sobrang pangit nyo ka bonding, mga punyeta. Kahit saan kayo ilagay! Bumagsak sana kayo ngayong sem!" nagkunwari pa si Chadler na umiiyak habang maingat na hinihila ang bag.

Tawa lang kami ng tawa habang tinitignan si Chadler na ginagawan ng paraan ang pagkaka pako sa sariling bag. He wasn't mad, he's enjoying this too.

Naging sanay nalang ako sa ginagawa nilang kalokohan sa bawat isa. They either throw their bags on the roof or hide their phones. Kahit saan sila ilagay, puro ingay ang ginagawa.

That's the reason why our group always end up being scolded by the professors. Marami rin ang nag re-reklamo dahil sa ingay naming lahat. Pero kahit na ganoon, may iba pa rin na gustong makisali saamin. From afar, my friends look so interesting.

Puro kalokohan at tawa. They magically suck all the burdens away. Kapag kaharap mo sila ay wala kang magagawa kundi ang iwan ang sariling mga problema at hayaan silang hilahin ka sa saya at kakatawanan.

That's the reason why I like to hang out with them. Kahit na galing sila sa mayayamang angkan ay hindi sila nag i-inarte.

I smiled again. Nakuha na naman nila ang atensyon ko. They keep on talking, not minding other people. Binulsa ko nalang ang ballpen at binalik sakanila ang tingin.

We're running out of reason, but we found home in our small group. Like a lost souls holding hand by hand, creating a bright light.

Magsa salita sana ako nang akbayan ako ni Giovanni. Hindi ko man lang napansin ang paglapit nya saakin. He automatically stick his arm on my shoulder. Iyon na ang nakasanayan nyang gawin.

Ngumiti sya saakin at saka ipinakita saakin ang mamahalin nyang cellphone. Nagkunot ako ng noo at tinignan sya ulit.

"Anong gagawin ko dyan?" bulong ko. Baka maabala ko pa ang iba kung lalakasan ko ang boses.

Sunrise Series #4: Moonlit NightWhere stories live. Discover now