kabanata 8

42 20 1
                                    

Kabanata 8

Sa huling pagkakataon ay tinulak ko si Giovanni. He just look at me in dismay. Pero hindi ako nagpatinag at pinahid ang mga namuong luha sa mga mata ko. Seeing me crying like this is already enough for this tiring day.

Kailangan ko pang balikan si Kennedy.

"Where are you going?" he asked in his small voice the moment I successfully pushed him away. Tumayo rin sya sa pagkakaluhod at pinagpagan ang nadumihang suot. His eyes weren't shining just like they used to.

Inilihis ko nalang ang tingin para iwasan ang mga malulungkot nyang mga mata. I can't focus because of my trembling hands.

"Kennedy needed me. Babalik na ako sa loob. Kung meron ka pang ibang pupuntahan, pwede ka nang umalis. Thank you... for being here." it is visible in my voice how much I cried.

Umiling lang sya saakin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko pero nagsimula na akong umalis. I'm still trying to dry my tears away. Ayaw ko na makita ako ng ibang tao na luhaan.

They might think that crying is unmanly. Baka ano na naman ang isipin nila kapag makikita nila akong luhaan ng ganito. Baka pagtawanan nila ako.

But then again, if everything is already falling into hopelessness, was it a crime to cry the pain away even if you're a man?

Kung sabagay, they expect us to be strong and resilient. Kasi lalaki ka. They expect you to be strong enough to bottle up your emotions and throw them away for the fear of its explosion. The scary blast of our emotions could possibly ruin our image as a man.

Mahina akong natawa dahil sa mga naisip. Nasa kritikal na kondisyon si Kennedy pero heto ako at nag re-reklamo sa kung anong paningin ng ibang tao saakin.

I am selfish. Walang silbi at mapagkunwari. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang sariling ulo. I am lost in the situation that I couldn't control. Para akong bata ba nangangapa sa dilim habang walang alam kung ano ang kahihinatnan.

Naglakad nalang ako papasok sa loob ng ospital habang mahinang natatawa. Sa exit ako dumaan. Pero matapos ang iilang paghakbang papasok ay tuluyan akong napahawak sa sementadong dingding.

Nagsi unahan na naman ang mainit kong mga luha. Pero kasabay ng pagluha ko ay ang pag-atake saakin ng pamilyar na pabango. A familiar scent made me look back.

At nakita ko nalang si Giovanni na patakbo akong ikunulong sa sariling yakap. And I cried. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak kahit na sinabi ko na sa sarili na tapos na akong lumuha.

"It's fine, West. I'm here. I'll protect you. 'Wag ka nang mag-alala, hm? Your sister is strong like you, she'll be fine." he said as I slowly snake my arms into his body, totally giving up with the thought of pushing him away.

"She'll be fine, you know that." dagdag nya pa habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko.

Tumango ako habang mahinang pinapakinggan ang pagbulong nya saakin. He's assuring me that everything will be fine even if it seems like the end is near.

After crying like a child, I let go. Ngumiti lang sya saakin at malungkot akong tinignan. He caressed my cheeks slowly and wiped my tears using his thumb.

"Do you feel more better now?" tumango ako sa tanong nya. Kaagad rin na nahulog ang mga mata ko sa kamay nyang nakakonekta saakin, "Do you want something? I'll buy you foods. Kanina ka pa ata hindi kumakain."

"Hindi ako nagugutom—"

He cut me off, "—no, you need to eat. Wait for me here. Bibili lang ako ng pagkain sa labas. I'll be back, okay? Don't be sad. Babalik ako, I promise."

Sunrise Series #4: Moonlit NightWhere stories live. Discover now