kabanata 4

62 22 5
                                    

Kabanata 4

Napanganga ako dahil sa sinabi nya. His serious voice is evident. Tumawa nalang ako para ibsan ang kakaibang nararamdaman. Pinasadahan ko rin ang buhok at matalim na tinignan ang orasan. It's already late. Mag a-alas dose na.

"I'm only joking. Huwag ka ng pumunta, gabi na."

Hindi sya sumagot sa kabilang linya pero narinig ko ang pagtayo nya. Sunod ang ingay galing sa pagdampot nya ng susi at pagbukas sa pinto ng kwarto.

Napalunok ako ng wala sa oras. Hindi sya nakikinig saakin minsan. He'll do whatever he want to do. Napakagat na naman ako ng pang-ibabang labi.

"Gio, seryoso ako. Gabi na, baka mapano ka pa sa daan. I was joking." saad ko. Napatayo rin ako dahil sa kaba.

"Hindi ko gusto ang biro mo. I'll sleep in your apartment. Don't do anything stupid Weasley." iyon ang huli nyang sinabi bago binaba ang tawag.

I grabbed my hair out of frustration. Binaba ko ang cellphone sa lamesa dahil sa kakaibang kaba. I wasn't suicidal but I admit that some things trigger me to be one. Naupo nalang ako sa kama at matalim na tinignan ang sariling repleksyon sa salamin na nasa gilid.

Sa huli ay tumayo nalang ako at dinampot ang mga bagay na nagkalat sa loob ng apartment. Wala sa oras akong nakapaglinis dahil sa sinabi ni Giovanni na dito sya magpapalipas ng gabi.

Patapos na ako sa ginagawa nang marinig ko ang katok sa pintuan. Kinakabahan kong nilapitan ang pinto at mabilis itong binuksan. I saw Giovanni's serious eyes looking at me. His dark eyes remained on my face for awhile. Sa huli ay tinignan nya ang likuran ko at binalik rin saakin ang tingin.

Ngumiti ako sakanya at binuksan ng mas malaki ang pinto. He's wearing a white tee shirt and blue pyjamas. May leather jacket rin syang suot. May dala rin syang pizza at isang bag ng hindi pa nalulutong fries.

"Pasok ka," saad ko sakanya. Ginawa nya ang sinabi ko at pumasok na. Ngayon ko lang napansin na suot nya ang pambahay nyang flipflops.

Ini-lock ko ang pinto at tinignan sya ulit nang matapos. Nalagay na nya sa lamesa ang mga dala. Pero imbes na asikasuhin 'yun ay saakin nya kaagad inituon ang atensyon. Lumapit sya saakin at walang sabi akong niyapos.

"G-Gio..." biglaan kong saad dahil sa gulat.

Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nang tawagin ko ang pangalan nya. Narinig ko rin syang nag buntonghininga sa gitna ng yakap namin. I didn't uttered any words and looked up.

Dahil mas mataas sya saakin ay ako ang nabaon sa dibdib nya. His head is resting on my left shoulder. Kakaiba man ang naramdaman ko dahil sa pagtama ng hininga nya sa leeg ay hindi pa rin ako nagsalita.

I let him hug me tightly. Dahil sa totoo lang, gusto ko rin ang ginagawa nya. I missed hugging him like the old times. Noong nasa highschool pa ang huling beses na nayakap namin ang isa't-isa.

I closed my eyes and savor his tight embrace. Gusto kong maiyak dahil sa ginawa nya. Hindi naman ako isang emosyonal na tao pero dahil sa nangyayari ay gusto ko nalang hayaan ang mga luhang kumawala.

Buti nalang napigilan ko ang sarili. Ngumiti lang ako at saka inipulupot rin ang kamay sakanya para yumakap pabalik.

"I don't want to hear you saying that again." saad nya. Hindi pa rin sya kumakawala saakin. 

Naguguluhan man, tumango pa rin ako. He'll never stop. Kung o-oo ako sa gusto nya ay mas mapapadali ang usapan namin. Inipit ko ang pang-ibabang labi. I could hear my heart going crazy. At may posibilidad na narinig nya iyon.

Nagsalita nalang ako para matabunan iyon kahit papano.

"Nagbibiro lang naman ako. I wasn't serious, Gio."

Sunrise Series #4: Moonlit NightWhere stories live. Discover now