PROLOGUE

697 6 2
                                    

PROLOGUE

"Aaaaahhh!" sigaw ni Drake nang biglang mag-apoy ang kamay ko dahil sa bracelet na suot ko. Tulad noon, wala pa rin ako idea kung paano ito gamitin pero may pakakataon na nakakagamit ako ng apoy.

Hawak-hawak niya ang mata niya niya at doon ko lang naalala na takot pala ang mga ahas sa apoy. Tumayo na ako saka tumakbo palabas ng bahay kung saan nila ako kinulong.

"Saan ka pupunta? Ano ginawa mo kay Drake?" harang sa akin ni Iron.

"Tumabi ka diyan," tulak ko sa kanya pero hinawakan lamang niya ako sa kamay.

"Ano gagawin ko sa kanya?" tanong niya kay Drake na nakalabas na din sa nasusunog na bahay.

"Bitawan mo ko!" napupumiglas kong sabi habang sapilitang hinihila ang kamay ko.

"Hawakan mo lang siya. Mukhang wala ako magagawa kundi ang gawin ang bagay na yun," tugon ni Drake.

"Ano gagawin mo sa akin?" tanong ko habang pilit pa rin ako nagpumiglas.

"Masyado ka malikot," sambit ni Iron. Tinulak niya ako pahiga sa lupa saka ito gumawa ng bakal na magdidikit sa akin sa lupa upang hindi ako makagalaw. Nakapalibot ito sa mga braso at hita ko.

"Pakawalan mo ko dito! Tulong!" sigaw ko pero agad din ako natahimik nang may ahas na gumapang sa akin. Napapikit ako sa takot.

"Alyza... napagandang pangalan. Kaya naman mula ngayon ako at lamang ang pwedeng tumawag sa pangalan mo. Isinusumpa ko na kung sino man ang tumawag sayo sa pangalan na Alyza ay kakainin ni Cobra," sambit ni Drake. Napadilat ako nang maramdaman ko paghiwa niya sa braso ko. Sinugatan niya din ang kamay niya saka pinatakan ng dugo niya ang sugat ko bago ito gumaling.

Napasigaw ako nang may maramdaman akong kirot mula sa braso ko. Inalis na ni Iron ang bakal sa akong kamay. Pero dahil sa sobrang sakit ng braso ko hindi ko na nagawang tumayo. Hinawakan ko ang braso ko habang namimilipit sa sakit. May bumukol mula doon at nawala ang sakit na nararamdaman ko.

Tinitigan ko ang braso ko habang hinihingal. Nanlaki ang mata ko nang mag-umpisang gumalaw ito na para bang may sarling buhay ito.

"Nag-uumpisa na," nakangising sabi ni Drake.

"Ano ginawa mo sa akin?" galit na tanong ko sabay upo habang hawak-hawak ang nakabukol sa braso ko.

"Kahit makatakas ka ba ngayon. Wala ka kawala sa akin. Mahahanap kita kahit saan ka pa magtago. Oras na tawagin ng iba ang pangalan mo magiging pagkain sila ni cobra," aniya habang nakahawak sa baba ko. Hahalikan niya sana ako pero sinampal ko agad ang mukha. Galit niya ako tinignan.

"Aahhhhhh!" sigaw ko nang muling sumakit ang braso ko mula. Nagkaroon ito ng hiwala at mila doon isang ulo ng ahas ang lumabas. Napasigaw ako lalo dahil sa takot. Lumabas ito mula loob ng braso ko saka ito gumapang paakyat sa braso ko at doon pumulupot. Sa parteng pinuluputan ng ahas may narandaman akong init na para bang pinapaso ako. Muli ako namilipit sa sakit habang sumisigaw hanggang sa nawalan ako ng malay.

"Nasaan ako?" tanong ko nang idilat ko ang mga mata ko.

"Nasa bahay ka namin. Nakita ka ng asawa ko sa gubat. Ano nga pala pangalan mo?" tanong nito.

"Alyza," sagot ko.

"Alyza, nagluto ako ng lugaw. Kumain ka na muna," aniya habang nakangiti.

Bigla ako napabangon ng may maramdam akong gumalaw sa braso ko. Napahawak ako dito nang mag-umpisang sumakit.

"Alyza? Ayos ka lang? Ano nangyayari sayo? Masakit ba braso?" nag-aalang tanong niya sa akin.

'Oras na tawagin ng iba ang pangalan mo magiging pagkain sila ni cobra,' naalala ko bigla ang huling sinabi ni Drake sa akin.

"Alyza?"

"Layuan mo ko!"

Tinulak ko ang ginang at saka tumayo upang lumayo. Subalit huli na ang lahat. Tuluyan na nakalabas sa braso ko ang isang malaking ahas at kinain ang ginang na tumulong sa akin. Natulala na lamang ako sa malaking cobra habang nasa bibig nito ang kalahating katawang ng ginang.

"Totoo ang sumpa," sambit ko. Napatakip ako ng bibig at tuluyang naiyak.

Itutuloy...

Author note: Nagawa ko na din sa wakas. Trinity Series #1: Call me Eris. [Alyza's Story]
Sa mga hindi pa po nakakabasa ng Bloodline, ayun po muna unahin niyo bago ito. Nandoon po kasi nakasulat kung paano napunta si Alyza kay Drake. Thank You!

TRINITY 1: CALL ME ERIS Where stories live. Discover now