CHAPTER 5: LET'S FIGHT TOGETHER

161 5 5
                                    

CHAPTER 5: LET'S FIGHT TOGETHER

Erie's POV

"Good! Kailangan mo na lang sanayin kontrolin ito," sabi sa akin ni Benjamin pagkatapos ko magawang palabasin ang iba't - ibang elemento sa bracelet ko.

"Congrats Erie! Akala ko aabutin ka ng taon bago matuto. Good job!" bati sa akin ni Tyler.

"Sa-- Ano nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya nang mapansin na naglalaho siya.

"Ah! Tinatawag ako ni Gin. Wag ka mag-aalala babalikan kita. Tawagin mo lang ako ulit," aniya pagkakita ng kamay niya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mawawala na siya.

"Pakisabi kila kuya na ayos lang ako. Wag sila mag-aalala sa akin," pakiusap ko sa kanya.

"Okay, makarating. Bye!" paalam niya bago mawala.

"Ngayon natuto ka na palabasin ang kapangyarihan ng bracelet mo. Ano na plano mo?" tanong sa akin ni Benj.

"Paghahandaan ko ang pakikipaglaban ko kay Drake. Kailangan ko matanggal ang sumpa bago umuwi," sagot ko.

"Bakit hindi na lang si Tyler ang tumapos ng lahat? Isa siya celestial guardian," suhestiyon ni Benj.

"Problema ko ito. Dapat lang na ako ang tumapos," sagot ko.

"Bago mo sabihin yan sanayin mo muna ang sarili mo na hindi matakot sa ahas. Kung matatakot ka lang sayang ang lang paghahanda mo."

"Alam ko," malungkot na sabi ko. Hindi ko naman maitatanggi na takot ako kay Drake. Tuwing makakakita ako ng ahas, nalalambot ang tuhod ko dahil sa takot.

"Kung kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako," aniya saka ako iniwanan.

Napabuntong ako at umupo sa damuhan. Ano na kaya nangyari kay Tyler? Nakabalik na kaya siya sa katawan niya? Pwede ko na kaya siya ulit tawagin?

"Alyza, I miss you. Kamusta na?" bulong sa akin ng isang lalaki. Nagsitayuan bigla ang buhok ko sa batok. Hindi ako makagalaw dahil sa takot.

Natauhan na lamang ako nang may pumulupot sa akin na malaking ahas at tinignan ako nito sa mata.

"Alyza..." tawag sa akin ni Drake. Nagmumula ang tinig niya sa ahas na nakapulupot sa akin. Pula ang mata nito, senyales na kontrolado ito ni Drake.

"Alyza! Gamitin mo yung bracelet!" sigaw ni Benjamin. Agad ko siya sinunod. Isang apoy ang lumabas sa kamay ko at pinagsuntok ko ito sa ahas.

TRINITY 1: CALL ME ERIS Where stories live. Discover now