CHAPTER 4: ELEMENTAL BRACELET

162 6 3
                                    

CHAPTER 4: ELEMENTAL BRACELET

Alyza's POV

"Focus! Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ipunin mo ang spiritual energy mo sa bracelet para mapalitan ito ng magical power," sermon sa akin ni Benjamin. Napagdesisyon ko na pag-aralan muna ang paggamit ng bracelet ko. Nagkataon na alam ni Lola Augusta kung paano gamitin ito kaya inutusan niya si Benjamin na turuan ako.

"Sorry," sabi ko na lang ang hirap kasi ng tinuturo niya. Napahilot sa ulo niya. Kanina pa kasi kami nag-umpis pero hanggang ngayon hindi ko pa din kayang makapaglabas ng kahit na ano gamit ang bracelet ko.

"Nagamit mo noon sa hot spring yung water element, bakit ngayon hindi na?" inis na sabi niya. Napapagod na yata siya kakaturo sa akin. Kalahating araw na kasi niya ako tinuturuan pero hanggang ngayon wala pa rin ako improvement.

"Nakagamit na din ako noon ng fire element pero hindi ko alam kung paano."

Napabuntong hininga ito saka nilingon si Tyler na nanonood lang sa amin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Tyler.

"Celestial Guardian ka diba? Sigurado alam mo gumamit ng magical tool tulad ng legendary weapon niyo. Turuan mo siya," utos ni Benjamin kay Tyler.

"Yun lang ba? Alam ko kung paano paganahin yan," nakangiting sabi ni Tyler. Kinabahan ako sa ngiti niya. Mischievous smile ang nakikita ko sa kanya sigurado may pinaplano siya. Bumulong siya kay Benjamin.

"Ano pinagbubulungan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Sigurado ka ba diyan?" tanong ni Benjamin kay Tyler na parang hindi ako narinig.

"Oo," sagot ni Tyler habang nakangiti pa rin. Nakainis ako bigla dahil sa kinikilos nila.

"Ano ba pinag-uusapan niyo?" inis na tanong ko. Hindi pa rin nila ako nilingon. Huminga ako ng malalim at tinignan ang bracelet ko. Ginawa ko yung sinabi sa akin ni Bemjamin kanina. Pakiramdam ko may dumadaloy patungo sa bracelet. Umilaw ito ng kulay pula at bilang nagkaroon ng apoy ang kamay ko. Sa gulat ko natutok ko ang kamay ko kila Benjamin ko.

"Balak mo ba ako patayin?" reklamo ni Benjamin sa akin pagkatapos iwasan ang apoy na lumabas sa kamay ko. Ako naman natulala lang sa parteng nasunog.

"Sabi ko sayo eh! Effective ang pang-iinis," masayang sabi ni Tyler.

"Ganun pala yun. Kaya pala nagamit niya ang bracelet sa hot spring dahil nainis siya sa akin," pagsang-ayon naman ni Benjamin. Tumango si Tyler.

"Ah! Sinadya niyo pala talaga na inisin ako. Gusto niya mamatay?" inis na sabi ko. Hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa plano ni Tyler. Alam niya talaga kung paano ako inisin.

TRINITY 1: CALL ME ERIS Where stories live. Discover now