CHAPTER 2: SUMMONING

157 5 0
                                    

CHAPTER 2: SUMMONING

Alyza's POV

"Bakit kailangan mo tulungan ang bampirang yan? Paano kung bigla ka kagatin ng babaeng yan?" reklamo ni Benjamin nang sabihin sa kanya ni Lola Augusta ang tungkol sa akin.

"Kilala ko ang magulang niya at malaki ang utang na loob ko sa kanila. Sila ang nagdala sa akin sa mundong ito para makatakas sa gulo ng Outlandish," paliwanag ni Lola Augusta.

"Kahit na! Hindi pa rin tayo sigurado kung kasing bait siya ng magulang niya."

"Wag ka mag-aalala. Hindi ako magtatagal dito. Ayoko din naman madamay kayo sa gulo. Kapag dumating na ang celestial guardian ko, aalis agad kami," sambit ko. Nakapagdesisyon na ako tatawagin ko ang isa sa celestial guardian.

"Kung ganun hayaan mong turuan kita kung paano mag-summon ng celestial guardian. Benjamin, kumuha ka ng papel."

Tumayo si Benjamin upang kumuha ng isang pirasong papel.

"Gamit ang dugo mo isulat mo ang pangalan ng gusto mong tawagin. Ilapag mo ito sa at saka mo pagdikitan ang dalawang kamay mo. Ipikit mo ang nga mata mo at isipin ang itsura ng tatawagin mo saka mo bigkasin ang pangalan niya," paliwanag nito.

"Naiintindihan ko po. Salamat," kinuha ko ang papel na binigay niya.

"Pag-isipan mo mabuti kung sino ang tatawagin mo. Kalag nakapagdesisyon ka na, subukan mo sa labas ang tinuro ko sayo."

Tinanguan ko siya bilang tugon. Ang totoo niyan alam ko na kung sino ang tatawagin. Walang iba kundi si Tyler. Sa kanilang lahat, siya lang ang sanay na tawagin akong Eris. Kailangan ko na lang gawin ang subukan siyang tawagin.

"Nakapagdesisyon na po ako. Maiwan ko po muna kayo," paalam ko saka tumayo bitbit ang papel. Nagtunggo ako sa lugar na maluwag at tahimik.

"Bakit mo ko sinusundan?" tanong ko kay Benjamin. Malayo ang distansya niya sa akin pero alam kong sinunsundan niya ako.

TRINITY 1: CALL ME ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon