CHAPTER 1: ERIS

218 6 0
                                    

CHAPTER 1: ERIS

Alyza's POV

"Nakita din kita, Alyza. Wala ka na kawala sa akin," sambit ni Drake habang nakangisi. Tinaas niya ang kamay niya upang hawakan ako.

"Aaahhhh!" sigaw ko sabay bangon nang biglang maging cobra ang kamay niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong nasa may tabi pa rin ako ng mga taong walang tirahan katulad ko. Nakatingin sila sa akin dahil siguro sa biglaang pagsigaw ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko habang inaalala ang napanaginipan ko kanina. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong nakatakas ako kay Drake.

Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon at kung bakit mag-isa lang ako nakita sa may gubat. Maaring sinadya nila yun para makita ko ang epekto ng sumpang nilagay sa akin ni Drake.

Sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari sa ginang na nagtangkang tumulong sa akin. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, sana hindi ko na lang sinabi ang pangalan ko. Sa sobrang takot ko na malaman ng iba na sa akin nagmula ang ahas na pumatay sa ginang na tumulong sa akin, tumakas ako agad at iniwan ang ahas. Akala ko hindi na ito makababalik sa akin kapag nakalayo ako pero nakpansin ko na lang bigla na nasa braso ko na ito ulit.

Napabuntong hininga ako saka tumayo sa karton na hinihigaan at nag-umpisang maglakad para maghanap ng maiinom na dugo. Ito ang kauna-unahang beses na natulog ako sa daan.

"Bampira."

Napatingin ako sa matandang babae na nakaupo sa upuan. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti.

"Bampira ka, tama?" ulit nito.

"Paano mo po nalaman?" tanong ko. Wala ako sa Outlandish ngayon kaya nakakapagtaka na may nakakaalam tungkol sa bampira.

"Pula ang mga mata. Ako nga pala si Augusta. Ano pangalan mo iha?"

"Eris," sambit ko sabay ngiti. Ito ang kauna-unahang nagpakilala ako gamit ang pangalawa kong pangalan. Si Tyler lang naman ang madalas tumawag sa akin na Eris maliban kila Mama. Kung tama ako sa pangalan na Alyza lang gagana ang sumpa, ayos lang kahit na gamitin ko ang pangalan kong Eris.

"Eris, isa ka bang Fiester?"

Gulat ko siyang tinignan nang banggitin niya ang apelyido ko. Konti lang ang nakaalam na isa akong Fiester dahil mas kilala ako sa apelyido na Black.

"Base sa reaksyon mo. Isa kang Fiester. Ako ang nagpaanak sa iyong ina kaya alam ko na isa kang Fiester. Ano ginagawa mo sa mundong ito? Hindi ka dapat nandito. Idagdag pa na sa Manila ang ang tahanan ng inyong ina sa mundong ito."

Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa akin. Pagkatapos ko ikwento sa kanya ang lahat medyo gumaan ang pakiramdam ko. Naisip ko na hindi na ako nag-iisa.

TRINITY 1: CALL ME ERIS Donde viven las historias. Descúbrelo ahora