12. Ice Cream Taste

3.1K 152 32
                                    

Sa tono ng boses ni Tae ay parang galit siya nung nakita niya ako na hahalikan ni Godt. Unknowingly ay parang nadala din ako at hinayaan ko pa si Godt... but our lips didn't touch.

"Pinahiram ko lang siya ng damit, hon." Sagot ko.

Alam ko hindi uubra yung alibi ko dahil kitang kita niya yung gagawin ni Godt. Binigay ko na yung shirt at pajama kay Godt saka ako lumapit kay Tae. Hinila ko na siya palabas ng kwarto para makapagbihis na rin si Godt.

"What was that?" Yan ang unang ginawa ni Tae, ang tanungin ako.

"He's about to kiss me?" I tried to be pretentious.

"Alam ko!" Napataas yung boses niya. "At hinayaan mo lang din siya."

"Bakit ba ang sama ng timpla mo kapag kasama ko si Godt?"

Kailangan ko din mag-fishing kay Tae na baka nga hindi lahat ang sinabi niya sa akin at ako pa ang naiipit.

"Ayoko lang na magkasama na kayong dalawa lang." sabi niya.

"Why? Because you know that he loves Queenie?"

Natahimik siya sa tanong ko. Now, I get it... alam din pala niya na may nararamdaman si Godt sa girlfriend niya and he didn't even tell me. At heto ako ngayon, caught in between.

"Sana naman sinabi mo na lahat sa akin para hindi ako nagmukhang tanga." Dagdag ko pa.

"Bakit? Nagustuhan mo siya?"

I didn't know what to answer dahil kanina lang nakaramdam ako ng kakaibang feeling towards kay Godt na parang mahal na mahal niya ko kahit sa pamamagitan lang ng halik.

He sarcastically laughed at me.

"Tandaan mo, habang ikaw si Queenie you are bind with me."

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Tae and I even dare to slap him on his face.

"Tandaan mo din 'to, nagpapanggap lang ako and you will never own me dahil ako si Bas."

And I walked away from him... pero sa kitchen lang dahil wala din naman akong pupuntahan hanggat nakabihis Queenie ako.

Hindi ko lang ma-gets kung bakit nagagalit si Tae eh hindi naman ako si Queenie. I know na nagpapanggap lang kami at dapat nga walang reaction paper na magaganap kundi magtulungan sana kami.

"Queenie..."

Narinig ko na tinawag ako ni Godt at napalingon ako.

"Yes Godt, may kailangan ka?" Tanong ko.

"I'm sorry sa ginawa ko kanina."

"It's okay. Wala naman dapat i-apologize." Sabi ko at tumango siya. "Gusto ko na ba matulog para ihanda ko na yung sofa."

"No, it's okay... kaya ko na."

"Are you sure?"

"Yes, I'm sure."

Ang ending, tinulungan ko siya i-prepare yung sofa. Kasi hindi siya marunong. Buhay mayaman kasi kaya walang alam sa simpleng pamumuhay.

"Thank you, Queenie."

"You're welcome."

At binigay ko na yung mga unan at kumot niya. Pinaandar ko na din yung aircon baka kasi maiinitan siya.

"Goodnight, Godt."

"Goodnight... Queenie."

Bumalik na ako sa kwarto at nakaupo lang si Tae sa kama. Hindi ko siya pinansin at ni-lock ko na yung pinto. Tinanggal ko na din yung fake boobs dahil hindi ako kumportable pati na rin yung wig. Pumasok ako ng bathroom at naligo.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon