56. Subdue

2.2K 96 21
                                    

Sumabay kami ng asawa ko kay Queenie para puntahan si dad. Medyo kinabahan ako dahil ito yung unang pag-uusap namin for a very long long years. Napahawak ako sa kamay ni husbey para lang kumalma.

May kalayuan din ang lugar kung saan nakatira si dad. Parang hindi ko na nga alam kung nasaan kami.

Nung dumating ka sa isang tagong lugar at may malaking bahay ay hindi ko na mapigilan yung kaba ko. Parang nanginginig na din ako sa pagkikita namin ni dad.

Pagpasok namin sa mansion ay sinalubong kami nina Perth at Saint.

"Good morning, young master." Sabay pa sila bumati sakin at dinala nila kami sa living room.

"Maghintay muna kayo dito habang tinatawag ni Saint si Master." Sabi ni Perth.

So, hindi lang pala tauhan ni Queenie sina Perth at Saint... tauhan pala sila ni dad. Napatingin ako dito sa bahay at sobrang nahilo ako sa kalaki nito. Living room pa lang, panalo na. Maraming mamahaling gamit dito at may mga paintings and antique vases.

"Paano nagkaroon ng ganitong kalaking bahay si dad?" Tanong ko kay Queenie.

"May mga business din si dad under the name of King." Sagot sakin ni Queenie.

Ahh okay... so habang nagtatago siya ay ginamit niya ang alyas na King. Baka naman isang sindikato si dad.

Nakita ko na bumaba na si dad kasama si Saint. Masaya pa siya nung nakita niya ko at agad niya ko niyakap.

"Miss na miss kita anak." Sabi ni dad habang mahigpit ang yakap niya sakin.

Wala man lang akong sinabi sa kanya dahil nahihiya ako sa kanya. Malamang, hindi ko pa kilala ang dad ko and feels like he's a stranger to me... for now.

Umupo na kami at inutusan niya yung kasambahay niya na magtimpla ng juice pero iba ang hiningi ko kundi tea. Nasanay kasi ako sa tea sa bahay namin ng asawa ko.

"Wayo, sorry kung ngayon lang ako nagpakita sayo. Kailangan ko kasi magtago muna para malaman ko kung sino ang suspect sa mga nangyari sa atin." Sabi ni dad.

"Bago yan, I would like you to meet my husband, Frank Thanatsaran." Sabi ko.

Napatingin si dad sa asawa ko at ngumiti siya.

"I know, Wayo. Alam ko lahat ang mga nangyari sayo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Dapat hindi na ako magulat dahil makapangyarihan si dad so bawat kilos ko ay alam niya.

"Hindi ko akalain na sa anak kong lalake ka magpakasal, Frank. Yung napagkasunduan namin ng dad mo ay kay Queenie ka ikasal but Godt is too brilliant to defy that old contract." Sabi ni dad.

"I'm sorry sir if I disappoint you... pero si Wayo po ang mahal ko." Sagot ni Frank.

"I understand. Mukhang masaya naman ang anak ko sayo."

Hindi lang masaya, sobrang masaya pa sa inakala niyong lahat.

"Now, tell me... bakit ka ba nagtatago?" Tanong ko sa kanya.

Ensakto din na dumating yung kasambahay na dala yung mga inumin namin. Nagsip muna si dad bago siya nagkuwento.

"Nagtatago ako dahil para makakilos ako ng malaya."

"Really?" I interjected. "Mas lalong hindi ka makakilos ng malaya dahil palagi ka maging aware sa paligid mo."

"It's not what you think, anak. I have Perth and Saint as my eyes and ears. Sila ang kumukuha ng information para sa akin. Naghihinala ako noon na si Trina ang may pakana ng lahat, yung pagsunog at pagbaril sa resthouse namin at pati na rin ang pagpatay sa mga magulang ni Godt."

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon