Nasa lamay kami ngayon ni Mr. Anuwat at kasama ko si Wayo. Hindi ko sinama ang mga bata dahil ayoko magkagulo. Iniisip ko din si Bank at baka ano pa gawin ni Pring.
Walang masyadong nakiramay sa lamay ji Mr. Anuwat. Tanging pamilya lang ni Wayo at ako ang nandito.
"Pinayagan ba si Pring na pumunta dito?" Tanong ni Queenie sakin.
"Oo. Ako na ang naki-usap para naman makapagluksa siya." Sagot ko.
"Baka ano pang gawin niya mamaya kapag nakita niya kami."
"Wag kang mag-alala, may kasama naman siya na mga pulis."
Alerto pa rin ako sa posibleng mangyari dahil hindi namin alam kung ano ang iniisip ni Pring ngayon lalo nat nawalan na siya ng ama tapos nakakulong pa siya.
Kausap ni Wayo ang daddy niya habang ako ay nagpa-update sa trabaho ko sa hospital. Hindi pa kasi ako dumaan doon at baka marami na akong gagawin mamaya.
Dumating sina Yihwa at Tae, pati rin si Copter. Mga ilang minuto ay nagsidatingan na din yung mga board members ni Yihwa na nakatrabaho si Mr. Anuwat at inentertain ko sila.
Ilang oras ang nakalipas ay dumating na si Pring kasama ang mga pulis. Tulala pa rin siya habang inalalayan ng mga pulis. Depression na ata ang gumawa sa kanya nito. Lumapit ako sa kanya para ipaalam kung kailan niya balak ipalibing ang daddy niya pero hindi siya sumasagot hanggang sa...
"Wayo."
Nabanggit niya ang pangalan ni Wayo at napalingon pa ako. Bigla siyang tumakbo at sinulong si Wayo ng isang malakas na hampas sa likod. Napa-aray si Wayo at nagsisigaw si Pring.
"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nagka-leche leche ang buhay namin!" Sigaw ni Pring habang inaawat na siya ng mga pulis.
"Papatayin kita Wayo! I swear, papatayin kita!" Dagdag pa niya.
Hindi sumagot si Wayo at lumapit na ako sa kanya. Nag-alala ako na baka masyadong masakit yung paghampas ni Pring.
"Magsisisi ka Godt kung bakit siya pinili at minahal mo! Magsisisi ka!"
Nagsisigaw pa rin si Pring dito sa loob at sinabihan ko si Wayo na umalis muna siya baka ano pang magawa ni Pring sa kanya. Si Wayo lang pala ang trigger niya.
Nung umalis si Wayo kasama sina Queenie at Tito New, lumapit ako kay Pring.
"Respetuhin mo naman ang lamay ng daddy mo." Sabi ko sa kanya.
Tinawanan niya ko bago siya sumagot.
"Sa tuwing nakikita ko yang Wayo ay kumukulo ang dugo ko! Hindi mo ko mapipigilan Godt, talagang magsisisi ka sa mga desisyon mo at hindi ko hahayaan na maging masaya yung Wayo na yan!"
Hindi ko napigilan na humawak ng mahigpit sa braso niya.
"Noon, tinakot mo ko na patayin mo si Wayo ay wala akong ginawa kundi sumunod sayo ... pero ngayon, wala na akong paki-alam kung ano man ang mangyari sakin. Hindi na ko takot sayo Pring at hindi ko hahayaan na saktan mo si Wayo!" Sabi ko.
Hindi na niya ko masisindak dahil natuto na ako sa nakaraan. Ayoko na rin matakot at walang ginagawa. Nagkahiwalay na nga kami ni Wayo noon at ngayon, hindi na ako makakapayag na mawala pa siya sakin.
Umalis na ako ng funeral home at iniwan ko si Pring para sundan si Wayo. Nagtext ako kay Queenie kung saan sila at nagreply naman siya na pauwi na sila.
Nung nakauwi ako ay agad ko hinanap si Wayo sa bahay pero ang mga bata ang sumalubong sakin sa living room dahil nanood sila ng TV.
"Daddy, why is Mommy sad?" Tanong ni Bank.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...