26. Certitude

2.5K 136 58
                                    

Buhay si Queenie Grace Panitchayasawad.

Gulat na gulat ako nung pumasok siya ng conference room at pati si Tae ay nagulat pa kesa sa akin. Hindi ko akalain na buhay si Queenie dahil sa mga sinabi ni Tae.

"Queenie." Narinig ko si Tae na binanggit yung pangalan.

Napatingin ako kay Tae na parang nakakita ng multo at napansin ko si Godt na napangisi. Lahat ng media ay nakuha niya yung attensiyon. Si Lolo naman ay parang wala lang sa kanya at masaya pa siya na makita ang apo niya.

Naglakad na si Queenie papunta sa amin at sinalubong siya ni Godt. Ngumiti pa si Queenie at napansin ko may sinabi siya kay Godt. Nung nakalapit na siya sa amin ay tiningnan niya talaga ako ng maigi.

Bigla niya ko niyakap ng mahigpit at nakaramdam ako ng koneksyon sa kanya. Yung pakiramdam na magkapatid kami.

"Sumama ka na kay Godt. Hayaan mo na ako ang tatapos ng lahat." Bulong niya sakin nung niyakap niya ko.

Hindi pa nagsink-in sakin yung pagkabuhay ni Queenie. Kumalas na siya ng sa pagyakap sakin.

"I'll see you soon." Sabi niya.

Lumapit sakin si Godt at hinawakan na niya yung kamay ko sabay hila paalis ng stage. Napalingon pa ako sa kanila at niyayakap si Queenie ng kanyang Lolo. Tulala pa rin si Tae at mukhang ampalaya naman ang mama ni Godt.

Paglabas namin ng conference ay nagmadali kami umalis ni Godt hanggang sa basement. Pinasok niya ko sa kotse niya at nagdrive siya paalis ng hotel.

"Alam mo ang lahat ng ito, Godt?" Tinanong ko siya habang nagda-drive siya.

Hindi niya ko sinagot at naka-concentrate siya sa pagdrive.

"Teka... kausapin mo muna ako." I tried to disturb him.

"Mamaya... sasagutin ko ang mga tanong mo."

Kaya tumahimik na lang ako habang nasa daan pa kami. Nakarating kami ng hotel kung saan ako nagcheck-in at agad niya inimpake yung mga gamit ko.

"Magbihis ka na." Utos niya sakin.

Sinunod ko siya at nagmadali ako nagbihis pati pagtanggal ng make-up. Paglabas ko ay tapos na siya nag-impake.

"Tara na." Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali si Godt na parang may tinatakasan. Sumunod lang ako sa kanya at nagdrive siya ng mabilis.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Lalayo." Tipid na sagot niya.

Sasama siya sakin lumayo? Baka magalit yung Lolo niya kapag nalaman na sumama siya sa kagaya kong manloloko.

Nagdrive lang siya ng mabilis hanggang nakarating na kami ng airport. May isang lalake na nag-abang pala sa kanya at siya na yung pumalit sa kotse. Pumasok kami ng airport, nagcheck-in at naghintay for boarding.

"Sa ngayon pwede mo na ba sagutin yung mga tanong ko?" Binasag ko na yung katahimikan namin.

"Mamaya na Bas. Wag dito, maraming tao." Sagot niya.

Nainis tuloy ako dahil binibitin niya ko. Ang dami kong tanong kung bakit alam niya na buhay si Queenie. Baka sa simula pa lang ay alam na niya yung pagpapanggap ko.

Nagboarding na kami sa eroplano at lumapag.

~~.~~

Nakabalik kami ng Pilipinas ay hindi pa siya nag-initiate na sabihin sakin ang lahat. Sa ibang daan kami lumabas dahil ayaw pa niya ko sumama kay Kuya Tod. Dumeretso kami sa hotel at nagcheck-in.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon