Nakailang halik na ako sa mga lalake at ang unang-una ay si kuya Tod, pero excempted siya dahil kapatid ko siya, tapos sina Godt at Tae, at ngayon naman, dumagdag pa sa listahan si Frank.
I was easily invaded by them!!!
Naka-upo ako ngayon sa mini-sofa sa office ni Frank habang may ginagawa siya. Medyo boring pero nilibang ko ang sarili ko sa pakikipagchat kay Jerome. Umalis kasi si Godt dahil tinawagan siya ni Lolo.
"Queenie, do you need anything? Like coffee or juice?" Biglang nagtanong si Frank sa akin.
"I'm good, Frank." Sagot ko. "Wag ka na mag-alala sa amin ni Jerome."
Ngumiti siya sa akin at tinapos lahat ng mga paperworks.
"Chingu, naka-first base si Frank sayo?" Chat niya sakin.
Ewan ko ba kung bakit malakas ang radar ng kaibigan ko kapag sa mga ganyang bagay. Parang may walking CCTV ako.
"Hindi ahh!" I lied.
Nagchuckle lang siya sa gilid ko habang binasa yung reply ko.
"Wag ka ng magkunwari chingu dahil kanina, nawala ka sa sarili."
"Shut up, chingu!!"
Nagchuckle ulit siya at hindi na ako nakatiis kay kinurot ko siya sa tagiliran. Hindi umubra ang pagkurot ko dahil tumatawa siya ng mahina hanggang ngayon.
Mag ilang minuto din kami nagchat ni Jerome hanggang sa natapos si Frank sa mga paperworks niya. Niyaya niya kami maglibot sa kumpanya niya at pumayag ako. Parang naging tour guide si Frank sa paglilibot namin dito sa building ng Thanatsaran. Pinuntahan namin every department hanggang sa napagod na ako.
"Pagod ka na, Queenie?" Tanong niya sakin.
"Kailangan na natin magpahinga baka ano pa mangyari kay Queenie." Sabi ni Godt at inalalayan na niya ko.
Medyo masakit na din yung paa ko sa high heels na 'to. Hindi pa kasi ako sanay maglakad na naka high heels. Bumaba kami at pumunta ng cafeteria. Nagpakuha ng ice si Godt sa trabahante ay nilagay niya ito sa paa ko.
"Ako na gagawa niyan." Sabi ni Frank pero hindi siya pinagbigyan ni Godt.
Kahit pinipilit ni Frank si Godt ay hindi siya nanalo. Umupo nalang si Frank at kinausap ako kung okay lang ba ako and I assured him that I am fine. Napansin ko na nagpipigil ng kilig 'tong si Jerome dahil siguro sa ginawa ni Godt.
Nagpahinga muna ako saglit para naman hindi na mastress yung paa ko.
"I'm sorry, Queenie. Hindi ko alam na masakit na pala yung paa mo." Nag-alala si Frank sakin.
"It's not your fault, Frank." I smiled.
Medyo di na sumakit yung paa ko after a few minutes pagkatapos nilagyan ng ice-pack ni Godt.
"Kaya mo na ba maglakad?" Tinanong ako ni Godt.
"Kakayanin."
Sinuot ko yung high-heels ko at tumayo pero naramdaman ko pa yung sakit at muntik na ako matumba. Mabuti nalang ay nasalo ako ni Godt.
"Wag mo ng subukan maglakad." Sabi niya.
Bigla niya ko kinarga na parang bagong kasal kami.
"Godt, ibaba mo na ko. Kaya ko maglakad." Sabi ko.
"No!!" Medyo napalakas yung boses niya. "Frank, i-uuwi ko na si Queenie."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...