Chapter thirty four: he's acting weird
(Y/n) 's POV
"Hindi ba matutunaw yang phone mo kakatitig ma'am?" Tanong ni Rhian.
Hinarap ko lang siya bago ibaba ang phone ko.
"May problema ba ma'am?"
"Wala. Ikaw. Bakit ka Nandito? Di ba may trabaho ka pa?"
"Hehehe. Sige una na ako." Umalis na siya at napahinga na lang ako ng malalim.
Binuksan ko ang laptop ko at bumungad sakin ang picture namin ni Jeonghan kaya sinarado ko na lang ulit.
Miss ko na siya.
Thursday na pero di pa rin niya ako tinatawagan.
Di niya pa rin ako kinakausap.
Ano ba kasing problema niya?
Una, lagi niya akong hinahayaan kay Seungcheol. Pangalawa, hindi kami nagpacheck up nung linggo. Tapos ngayon hindi niya ako tatawagan.
Maglulunch break na. Pero hindi niya pa rin ako tinatawagan.
Usually kase tatawag yan an hour before ng lunch break ko. Tapos sasabihin niya;
"Kumain ka na ba?"
"Dapat mas maaga ang kain mo before your break time."
"Pupuntahan kita."
"Tara sabay tayo kain."
"Kumain ka ha. Bawal ka magutom."
Pero ngayon wala. Kahit man lang isang tuldok wala.
He's acting weird this days.
Hindi niya rin ako sinusundo. Okay lang naman kase kahit dati hindi niya ako sinusundo minsan. Pero naman tatawag yun;
"Nakauwi ka na ba?"
"Pauwi ka na ba?"
"Safe ka ba? "
"Mag-o-ot ka ba ngayon?"
Pero wala rin eh. Like hello Thursday. Nasa Seoul lang naman kami pareho eh.
*Baksu! Seventeen right here! *
"Jeong----- han." Hindi siya yung tumawag.
Si Chan.
"Bakit?"
"Noona, quiet ka lang ha. Takas lang ako eh."
"What do you mean na takas ka lang?"
"Coups Hyung is out hanggang bukas, nasa hometown niya, may inaasikaso kaya si Han Hyung ang nagbabantay sa amin."
"Oh. What do you mean takas ka lang?"
"Noona jusko naman yang boyfriend mo. Ang weird. Wala raw kukuha ng cellphone unless may tumawag. Buti na lang bumili yun ng pagkain kaya natakas ko phone ko."
Bakit naman yun gagawin ni Jeonghan?
Eh mas mabait nga si Seungcheol sa kanya eh. Kapag siya, mas madami ang pahinga kesa gawa.
Eh kung pagbabawalan niya yung mga bata na magphone, edi parang bawal magpahinga right?
"Noona?"
"Huh?"
"Akala ko nawala ka na."
"Ani. Bakit ka nga pala tumawag?"
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken Compass ‖ Seventeen Tagalog fan fiction
FanfictionAyusin ko ang mga gusot sa buhay nila. Ayusin ko ang anumang nasira ko. Ayusin ko ang dapat hindi magulo. At higit sa lahat... Ayusin ko ang mga kaibigan ko. Fixing their lives is like fixing a broken compass. Na dapat magtuturo ng direksyon sa...