Ikalawang Kabanata

325 8 0
                                    

Panibago na namang araw. Excited na namang pumasok si Raxie. Hindi niya na masyadong iniisip yung nangyari kagabi at kahapon sa Cafeteria. Para sa kanya, nakakahiya ang nangyari sa kanya kahapon. Freshmen pa lamang sila pero may masama nang nangyari sa kanya. Ayaw na ayaw niyang napapahiya sa madaming tao. Kaya kinakalimutan niya na lang na nagyari iyon. Sigurado siyang pagtatawanan siya ng mga ito kapag nakarating na siya sa school.

Inaasahan niya na titignan siya ng mga tao at pagtatawanan pero hindi ito nangyari. Bagkus ay marami ang bumabati sa kanya. Hindi niya alam ang nangyayari sa paligid niya. Usap-usapan siya sa buong campus dahil sa nangyari kahapon. Sinasabi nilang ang ganda niya at napakainosente ng mga mata nito. Sa isang araw,naging Famous siya. Nalaman din ng mga ito na may matalik siyang kaibigan at pinahahalagahan niya ito. Bumilib sila kay Raxie dahil dito. May isang estudyante kasi na nagkalat ng mga pictures nya kasama ang mga kaibigan niya. Pero hindi niya alam kung sino ang nagkalat nito.

Nagulat na naman siya nung may litrato siya sa Bulletin Board na may nakasulat na "The Campus Princess". Hindi niya maintindihan kung ano ito. Kaya nagtanong siya sa isang estudyante.

"Bakit andyan yung litrato ko? At anong ibig sabihin ng THE CAPMUS PRINCESS? Baka naman nantritrip kayo at ako ang napagtripan dahil sa nangyari kahapon?" Sunud-sunod na tanong niya dito.

"Hindi po. Kayo po talaga ang pinili ng mga estudyante dito na maging CAMPUS PRINCESS dahil po sa kabaitan niyo at kagandahan niyo kahapon. Idagdag pa na may matalik kang kaibigan na pinahahalagahan mo nang labis. Nabighani sa iyo ang mga estudyante dahil dito. Marami na nga po ang nagsasabi na gusto ka nilang maging kaibigan." Sunu-sunod naman na sabi nito. Hindi siya makapaniwala. Kaya napatango na lang siya at dumiretso sa classroom nila.

Habang naglalakad sa Hallway,marami ang bumabati at nagpapaicture sa kanya. Kung minsan ay tinatanong din siya ng mga ito,kung pwede ba siyang maging magkaibigan. Dahil sa kabaitan ni Raxie,ipinaliwanag niya na hindi sila pwedeng magkaibigan dahil kuntento na siya sa tatlo na niyang kaibigan. Ipinaliwanag niya ito ng maayos para hindi ito ma-offend. Naintindihan naman ng estudyante.

"Naku naman! Dumagdag pa sa isipan ko yan! Pano ko sasabihin sa kanila na magmimigrate na kami? Sigurado akong magtatampo ang mga yun."Inis na bulong ni Raxie sa sarili.

Pagdating sa classroom,nadatnan niya ang mga kaibigan na msayang nagkukwentuhan. Hindi muna siya nagpakita sa mga ito. Tinitigan niya ang masasayang ngiti ng mga ito na baka hindi na niya makita pa. Hanggang sa nakita ng mga ito si Raxie na tulala na nakatingin sa kanila.

"Raxie! 'Bat tulala ka diyan? Halika na nga dito. At tsaka may ikukwento kami sa iyo. Dali na!" Masayang tawag sa kaniya ni Yici. Napangiti na lamang si Raxie dahil sa kaingayan ng kaibigan.

"Anong ikukwento niyo?" Tanong ng mga ito.

"Sikat ka na Girl! Campus Princess ka na! Basta wag mo kaming kakalimutan hah!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Yici. Napatawa naman ang kaniyang kaibigan dahil sa kaniyang sinabi.

"Ano bang pinagsasabi mo? Tsaka kayo lang ang magiging kaibigan ko dito. Wag kang OA Yici!" Sagot naman nito.

"Eh basta! Baka mamaya sa dami ng gustong makipagkaibigan sayo makakalimutan mo na kami." Malungkot na pahayag nito.

"Hindi mangyayari yon." Sabi naman nito.

Pero sa isip-isip ni Raxie,hindi muna niya sasabihin sa mga ito tungkol sa pagtira nila sa States.

Magmula nung araw na iyon,naging sikat si Raxie at kung minsan hindi na niya napaglalaanan ng oras si Keah at ang iba pa. Samantala,unti-unti namang naiinis si Keah dahil sumikat lang ang kaibigan niya,nawawalan na sila ng oras para magkwentuhan at magkatuwaan sa isa't isa.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now