Ikalabing-walo na Kabanata

162 5 0
                                    

Tahimik lamang na nakatingin si Pia sa kanila na nagtatalo. Hanggang sa nagsalita na si Drice. Lahat ng emosyon na kinikimkim na niya sa loob ng tatlong taon ay ilalabas na niya ngayon.

"3 years ago Keah,nung umalis ka nang hindi man lang pinapakinggan ang rason niya,may sinabi siya sa amin na hindi mo alam. Alam mo ba kung ano ito? Naaalala mo pa ba nung nawala siya ng isang buwan? Nag-alala pa nga tayo ng sobra nun eh."

"Naalala ko lahat ng mga yan. Ang gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya noon kung bakit siya nawala ng mahigit isang buwan?" Hindi makapagtimping sabi ni Keah.

"Simple lang. At yon ay ang pagpunta niya sa States. Sinabi niya samin na may plano na noon ang pamilya nila sa magmigrate sa States pero tumutol siya. Hindi pumayag ang mga magulang niya na matitira siya dito sa Pilipinas. Inaalala niya ang magiging reaksiyon natin kaya nagdesisyon muna siyang huwag sabihin satin. Hanggang sa nagyaya siya noon na magbonding tayo diba? Yun na dapat ang tamang panahon na sasabihin niya sa atin pero nagback-out siya. Pagkarating niya sa bahay nila,doon na niya nalaman na naaksidente ang mga magulang niya. Kaya napilitan siyang pumunta sa States. Nasa critical ang kalagayan ng mga magulang niya kaya hindi niya ito maiwan-iwan. Hanggang sa nagdesisyon siyang umuwi ng Pilipinas para sabihin na sana sa atin at kuhanin na rin ang natitira niyang gamit sa bahay nila. Magpapaliwanag na sana siya pero hindi mo siya binigyan ng pagkakataon Keah! Anong klase kang kaibigan? Hindi mo man lang siya pinakinggan. At nagdesisyon ka pang i-end ang Friendship niyo without her concern! Naiiyak siya noon sa amin pero pinipigilan lang niya." Tuluy-tuloy na sabi ni Drice. Prinoseso naman ng utak ni Keah ang narinig niya. Hindi siya makapaniwala na may ganitong istorya tungkol kay Raxie.

"I-I d-didn't know." Mahina niyang sagot.

"Hindi mo alam kasi hindi ka naman nag-abalang tanungin kami o nagpakita ng pakialam!" Sigaw na ni Yici.

"Calm Down Guys. We can solve this problem." Pagpapakalma sa kanila ni Pia pero walang pumansin sa kaniya. Umiiyak na ngayon si Keah pati na rin ang dalawa.

"Halata sa mukha niya noon na pagod siya at walang tulog." Pagdadagdag ni Yici. Mas lalong napaiyak si Keah. Kaya pala mukhang matamlay si Raxie noon dahil may ganito na palang nangyayari sa buhay niya.

"I'm sorry. Please forgive me. Hindi ko sinasadya." Paghingi niya ng tawad sa mga ito. Yumuko pa nga siya.

"Pinatawad ka na namin matagal na. Kaya ngayon Keah,wag mo nang gagawin ulit ang pagkakamali mo noon." Mahinahon na sabi ni Drice. Naging mahinahon na rin ang mga ito at tumigil na sa pag-iyak

"Pinapangako ko sa inyo." Pangako ni Keah sa kanila at niyakap ang dalawa.

"Hey! I'm still here." Biglang sabi ni Pia. Napatawa naman ang tatlo. Isinali na rin nilang niyakap si Pia baka kasi magtampo pa ito.

~

Alas-diyes na nang umaga pero hindi pa rin nagigising si Raxie. Ayaw naman nila itong katukin dahil ang pagkakaalam nila ay nagtatampo ito. Pero nagtataka na sila ngayon. Maaga naman ito nagigising pero ngayon ay tumatanghali na pero hindi pa ito gising.

Nauna na rin silang kumain pero nagtira sila para kay Raxie. Umaambon pa rin at madilim sa labas. May pagkulog at pagkidlat rin kaya natatakot ang mga ito kaya Sama-sama sila. Ayaw ng bawat isa na mahiwalay.

Kumatok muna sila sa kwarto ni Raxie at walang sumagot. Kumatok ulit sila pero ngayon ay mas malakas na.

Wala silang nagawa at nagdesisyon na lamang na pumasok na sa kwarto nito.

Ang una nilang napansin sa kwarto nito ay patay ang aircon. Madilim din sa loob kaya agad-agad nilang hinanap ang switch ng ilaw.

Napansin nilang magulo ang kabuuan ng kwarto ni Raxie. Nakakalat sa sahig ang mga unan. Nang mapadako ang tingin nila kay Raxie,nakita nila itong nakatalukbong ng comforter at nakapalibot ito sa buong katawan nito.

Nagtaka sila dahil dito. Ang init na nga dito sa kwarto niya pero nakatalukbong pa rin ng kumot?

Unti-unti silang lumapit kay Raxie. Nang dumapo ang kamay ni Keah sa balat nito,agad niyang napansin na may lagnat ito.

"May lagnat ka!" Sabi ni Keah. Napatingin naman sa kaniya ang tatlo na busy sa pagpulot ng mga unan. Nag-alala siya ng sobra dahil sobrang taas ng lagnat nito.

"Hmmmm." Tanging sagot ni Raxie. Sinubukan nitong iminulat ang kaniyang mga mata at nakita niyang nakatingin sa kaniya ang tatlo na may nag-aalalang tingin.

"Are you okay?" Tanong sa kaniya ni Pia.

"Y-yeah." Paos na sabi nito. Mahahalata mo sa boses niya na may lagnat ito.

Nataranta agad ang apat sa kalagayan ni Raxie.

"May first aid kit ba dito?" Tanong ni Keah.

"Meron." Dagot ni Yici.

"Pakikuha pls." Sabi ni Keah dito. Agad-agad naman na tumalima si Yici.

"Pia. Can you give me warm water and towel?"

"Sure. I get some." Sagot naman nito.

"Magluluto muna ako ng kakainin mo para makainom ka na ng gamot." Sabi nito. Nakatingin lamang si Raxie sa kaniya na pawang kinakabisado ang mukha niya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Sabi niya dito. Napailing na lamang si Raxie.

"Bantayan mo muna siya Drice." Bilin nito. Tanging pagtango na lang ang nagawa nito.

Bumaba muna si Keah para makapagluto ng porridge para kay Raxie. Saktong pagbaba niya ng makita niyang papalapit sa kaniya si Yici at bitbit na nito ang first aid kit na pinapakuha niya.

"Oh heto na." Sabi nito.

"Hanapin mo kung may Bioflu ba jan tsaka Neozep na rin." Sagot nito.

Inihanda nia niya ang lulutuin at nang matapos siyang makapagluto,agad-agad niyang ini-akyat ito sa kwarto ni Raxie.

Naabutan niya sina Pia,Yici at Drice na nagbabantay kay Raxie na tulog na tulog. Ginising niya naman agad ito para makakain na.

Pinakain muna niya si Raxie bago niya ipinainom ang gamot nito. Saka niya pinunasan ang balat nito. Medyo bumaba na ang lagnat nito.

Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa,niyaya niyang bumaba ang tatlo para kumain na. Nagpresinta na rin siyang mag-alaga at magbantay kay Raxie pero hindi pumayag ang mga ito.

Pagkatapos nilang kumain at maghugas ng pinggan,nagtungo na siya sa kwarto ni Raxie. Himbing na himbing na ito sa pagtulog. Tanging ang lamp shade lang ang ilaw ng kwarto nito. Hindi na niya binuksan pa ang ilaw para hindi ito magising. Hininaan rin niya ang aircon. Kinapa muna niya ang noo nito at nang malaman niyang medyo bumaba ang lagnat nito,natahimik naman siya at napatingin na lang sa mukha ni Raxie. Tumabi siya kay Raxie na medyo manginginig pa sa sobrang lamig. Tinakluban niya ng kumot ito at niyakap.

Habang ang tatlo ay natulog sa sahig. Lahat sila ay nakabantay dito. Nakaready rin ang mga tubig,gamot at pagkain kung sakaling magising si Raxie. Kumuha rin sila ng dagdag na kumot at ibinalot sa kaniya. At hindi nila namalayan na dinalaw na sila ng antok.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now