Ikapitong Kabanata

189 4 0
                                    

"Pwede bang humingi ng favor sa inyo?" Tanong ni Rex.

"Ano po iyon?" Tanong ni Drice.

"Pwede bang bantayan niyo si Raxie dito sa loob ng school?" Sagot ni Rex.

"Bakit po?"

"Alam niyo kasi marami kaming kalaban pagdating sa negosyo. Huwag kayong mag-alala. Dito lang naman sa loob ng campus. Ayaw niya kasing may bodyguard siya loob ng school. Naaapektuhan daw siya. Haha." Natatawang paliwanag agad ni Rex. Napataw din naman ang dalawa. "Tsaka medyo may umiba konti sa ugali niya. Kung minsan kasi tahimik siya. Siguro nahawa siya sa kaibigan niya doon sa States. Pagpasensiyahan niyo na lang siya hah?" Dagdag ni Robin.

"Makakaasa po kayo." Malugod na sabi ng dalawa.

"Sige punta na kayo sa klase niyo." Nakangiti ang dalawa na lumabas sa opisina ng Dean. Pero unti-unting nawala iyon nang matanaw nila si "Cassie Micaella Salcedo". Ang QUEEN BEE/BULLY nila. Kasama nito ang kaniyang mga alipores. Palapit ito sa kanila. Kinabahan naman sila na baka ano na naman ang gawin sa kanila. Nakangisi kasi ito na parang demonyo. Mas matanda ito ng isang taon sa kanila.

"Hello Bitches! Bakit hindi niyo ata kasama si Super Bitch?" Tanong nito. Ang tinutukoy nitong "SUPER BITCH" ay si KEAH. Yan ang tawag niya sa kanya. Habang ang tawag niya naman kila Drice at Yici ay "LITTLE BITCH". "My bad. Kayo lang pala ang pinatawag. So anong balita? Babalik na ba ang Prinsesa ng school na ito?" Nakataas ang kilay at mataray niyang tanong. Isa si Raxie sa paborito niyang estudyante sa school. Siya lang kasi ang nagpabago sa school nila. Kaya nung umalis ito,labis din siyang nagdamdam. Kung sana siya na lang ang naging kaibigan ni Raxie,hindi niya ito aawayin.

"O-oo b-babalik na s-siya." Konting sagot ni Yici. Takot kasu siya kay Cassie. Ayaw niyang dagdagan ang sasabihin niya dahil baka mamaya hindi na naman magustuhan ni Cassie ang sinabi niya.

"Kailan bitch?" Hindi makapagtimpi'ng sagot ni Cassie.

"B-baka daw b-bukas a-andito na s-siya." Kinakabahan na sagot ni Drice.

"Thanks sa imformation Bitches!" Paalam ni Cassie. Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa at agad na pumunta sa cafeteria. Nadatnan nila si Keah na binubully na naman. May Spaghetti sa Ulo nito habang nakayuko. Nakaupo rin siya sahig. Agad nila itong dinaluhan.

"Please maawa kayo samin. Pasensya na." Paghingi ng paumanhin ni Yici sa isang estudyante.

Sakto namang pinatatawag ang lahat ng estudyante na pumunta sa gym at may importante daw na sasabihin ang Queen Bee. Agad-agad na nagtatakbo anv mga estudyante. Takot na mahuli sa pagpasok sa gym.

Nagmadali rin ang tatlo na pumunta sa CR para magpalit ng damit si Keah.

"Bilisan mo Keah. Baka mahuli tayo. Bubully'hin na naman nila tayo. Hays!" Pagmamadali ni Yici kay Keah.

"Oo. Eto na!" Sagot ni Keah sa loob ng isang cubicle.

Pagkatapos magpalit,tumakbo sila sa gym. Napatingin ang mga estudyante sa kanila dahil nahuli ang mga ito sa pagpasok.

"Patay!" Sabay-sabay na bulong ng tatlo.

"Come here now Bitches! Dito kayo sa Stage!" Mapang-asar na sabi ni Cassie. Mas lalong kinabahan ang tatlo. Napangisi naman ang lahat ng mga estudyante.

"Kaya ko kayo pinatawag dahil may i-aanounce ako." Sabi niya sabay tingin samin. Napatingin din ang mga estudyante samin kasama na ang mga Student Council na walang kabuhay-buhay na tumingin samin. Nandoon naman si Trivo na CAMPUS BADBOY ng school na ito na katabi ng mga student council. Nakangisi ito samin.

"THE CAMPUS PRINCESS IS BACK!!!" Nakangiting sigaw niya sa mga estudyante. Napasigaw din ang mga Napasigaw lahat ang mga estudyante sa tuwa. Ang iba sa kanila ay napaiyak na kasama na sina Keah,Yici at Drice. Ang iba naman ay napangiti,napatawa at nagsisigaw ng,

"RAXIE!"

"RAXIE!"

"RAXIE!"

"STOP!" Napatigil naman ang lahat dahil sa sigaw ni Cassie.

"There's more students! Raxie will be transferring here again! So clean every part of this school. Gusto kong maging malinis ito!" Sabi niya. Unti-unti itong tumingin samin. "When will be she going here in School?" Tanong ni Cassie kay Drice.

"H-hindi ko a-alam. H-hindi s-sinabi ni K-kuya R-robin s-samin" Sagot niya.

"What? You bitch!" Ang nakangiting mukha ni Cassie kanina ay unti-unting nawala at napalitan ng galit na mukha. "Kinausap na nga kayo,hindi mo pa tinanong!" Sigaw niya dito.

"I-i'm s-sorry." Mababang tono na sagot niya.

"Wala ka talagang kwenta!" Sigaw pa niya. "Go and ask her brothers! Now!" Dagdag pa niya.

Bumaba naman siya agad sa stage at tumakbo papunta sa Dean's Office pero hindi na niya naabutan ang mga ito. Pumunta siya sa Parking Lot ng school pero wala na doon ang kotse ng mga Zaqueyo. Nanlumo naman siya.

Napatakbo naman siya pabalik sa gym.

"So? Ano?" Bungad na tanong sa kanya ni Cassie pagkapasok niya sa gym. Kinabahan siya ng tudo kung ano ang isasagot niya.

Lumapit agad siya sa stage para marinig ni Cassie ang sasabihin niya.

"H-hindi ko n-naabutan" Ika niya dito. Mas lalong nagalit si Cassie sa sagot niya.

"ARGHHHH! BWISIT!" Sigaw sa kanya ni Cassie.

"Calm down Cass." Pagpapakalma sa kanya ng President ng Student Council.

"How can I calm down?" Sabi niya sabay pukol ng masamang tingin sakin.

"Calm down." Maowtoridad na sabi ni Pres. Huminga naman ni Cassie ng sunud-sunod at malalalim. Napakalma naman niya si Cassie.

"Now that we don't know when will be she going here,let's just be ready. We need to conclude things. Like,baka bukas pumunta siya agad dito or sa makalawa. And marami tayong bibilhin tulad ng tarpauline with her picture. And others." Sabi ng Pres. sa lahat ng mga estudyante. Napa-Wow naman ang mga estudyante sa mga naisip niya.

Nagplano lahat ng mga estudyante tungkol sa pagbabalik ni Raxie. Inihatid nila lahat nga mga katulong nila para dito. Tumulong naman sila pero kaunti lamang ang naitulong nila dahil pinatapos nila ito sa mga katulong nila. Nagsabit ang mga ito ng mga tarpauline na may picture ni Raxie at may nakalagay na "Welcome Back Campus Princess!" o kaya ay "Raquise Vinxie Zaqueyo". May mga nakasabit din sa mga sanga ng mga puno. Naglinis sila na kulang na lang ay maging salamin na sa sobrang linis. Hindi nila pinalagpas na may dumi na makikita.

May nakasabit din na picture ni Raxie na stolen. Meron ring nakangiti,nakasimangot at tumatawa. Kahit anong anggulo ay napakaganda pa rin niya. Kinuha nila lahat ng kaniyang picture sa bawat cellphone ng mga estudyante. Picture niya pa lang ito nung unang buwan niya pa lang sa Star Academy. Marami-rami rin siyang picture. Halatang pinipicturan siya sa lahat ng oras. Konti lang ang nakuha nila sa Social Media.

Pinagmasdan ng mga estudyante ang mga picture niya ngayong taon. Mas lalong gumanda ito. Pero may kakaiba silang nakita sa mga ngiti nito. Hindi na ito katulad noon 3 years ago. Pero hindi nila matukoy ito. Meron rin silang nakitang picture ni Raxie na may kasamang babae. Hula nila,ito yung bestfriend niya sa ngayon. Hinusgahan nila agad ang itsura ni Pia. Nakakatakot daw itong tumingin sa camera. Halatang mataray rin ito at may ibubuga pagdating sa yaman. Hindi na lang pinansin ito ng mga estudyante at ifinocus na lang nila ang kanilang atensyon sa picture ni Raxie.

Ang mga estudyante naman ay umuwi ng maaga para daw makapag-beauty rest. Kaialngan daw nilang maghanda araw-araw. Dapat na presentable kang makikita ni Raxie. Malinis dapat ang iyong uniform at plantsadong-plantsado.

Napangiti naman ang Dean sa inaasta ng kaniyang mga estudyante. Sa isip niya,magiging mapayapa na naman ang kaniyang skwelahan na pinamumuhuan niya.





Author's Note:
Excited...

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now