Ikalabing-siyam na Kabanata

174 3 0
                                    

Nagising si Raxie na may nakayakap sa kaniya. Tinignan niya naman ito at napangiti siya dahil si Keah pala anng nakayakap sa kaniya.

Tinignan niya ang kabuuan ng kwarto niya. At nakita din niyang natutulog ang iba sa sahig. Napatawa pa siya sa posisyon ng tatlo.

Si Pia ay nakadantay ang paa niya sa tiyan ni Drice at ang braso nito ay nasa leeg ni Yici. Nasa gitna kasi nina Drice at Yici si Keah. Habang si Drice naman ay nakanganga at humihilik pa. Samantalang si Yici ay nakakunot-noo pero nakapikit pa rin ang mga mata. Parang nananaginip yata ito na may kalaban siya. Ang kamay niya ay nasa mata ni Pia. Hindi na siya magugulat mamaya kapag may magalit at nagsisigaw.

Maayos na ang pakiramdam niya ngayon. Siguro magaling mag-alaga ang mga nurse niya. Haha!

Pinagpatuloy na lang ulit niya ang pagtulog kaysa sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.

~

Ngayon na sila aalis papuntang Maynila. Mamimiss nila ang buhay ng nasa probinsiya. Back to normal na naman pero ang ipinangako nila sa isa't isa ay walang magbabago kahit na nakabalik na sila sa Maynila.

"Naku! Mamimiss ko talaga itong lugar na ito." Sabi ni Drice na sobrang nag-enjoy sa pagtira nila dito.

"Goodbye for now." Pagpapaalam ni Pia sa bahay. Napatawa naman ang lahat sa kaniya. May balak pa yata itong bumalik dito!

Gabi na nang bumiyahe sila. Mas gusto nila ang gabi dahil may oras silang matulog at hindi rin masyadong traffic sa daan. May sumundo din sa kanila na sasakyan.

~

Pagkarating nila sa Maynila,sinalubong agad sila ng kaniya-kaniya nilang pamilya. Pero tanging si Pia lang ang naiiba dahil Yaya at mga Bodyguards niya ang sumalubong sa kaniya. Napatingin sila dito pero parang wala lang kay Pia iyon dahil nakangiti siya na yumakap sa kaniyang Yaya. Siguro nga sanay na siya.

Hanggang sa napagpasiyahan nilang umuwi na sa kani-kanilang mga bahay.

Pagkarating ni Raxie sa bahay nila,agad na sumalampak siya sa kaniyang kama. Sumunod naman sa kaniya anh kaniyang mga kapatid.

"How was your vacation with them?" Tanong ni Rex sa bunsong kapatid.

"Aminin mo nga Kuya,ikaw ang may pakana nito noh?" Tanong niya dito. Napangiti naman ang dalawa kaya nalaman na ni Raxie ang sagot sa kaniyang tanong.

"Okay lang naman. And magkakaibigan na kami nina Keah." Maikling sagot niya dito. Gusto pa niya kasing matulog pero andito ngayon ang mga kuya niya at tinatanong siya. "Kuya pwede bang mamaya na lang kayo magtanong? I'm still sleepy." Reklamo niya sa mga ito.

"Oh. I'm sorry Princess. Tulog ka na ulit. Sorry sa abala." Paalam ng mga ito sabay alis ng kwarto niya. Nakahinga naman siya ng maluwag at pinagpatuloy na ang pagtulog.

~

Kinabukasan,nag-usap-usap ang magkakaibigan na maaga silang papasok ngayon. Magkikita na lang daw sila sa gate.

Pagdating sa school,nakita na agad nila ang isa't isa. Sabay-sabay silang pumasok sa iskwela. Nagulat lahat ng mga estudyante pagkakita sa kanila at ang mas makakagulat pa ay magkakasama ang mga ito.

Naging usap-usapan ang buong school ito. Habang sina Keah,Drice at Yici ay napapayuko.

"Bat magkakasama sila?"

"Bat ngayon lang sila pumasok?"

"Anong meron?"

Sari-saring mga tanong ang naririnig nila pero pinagsawalang-bahala na lang nila ito. Sa ngayon,wla silang pakealam sa sasabihin ng ibang tao.

"What is the meaning of this?" Tanong ni Cassie pagkarinig ng balita. Tinignan niya ng masama ang tatlo na binubully niya noon.

"I answer your question kapag naanunsyo ko na sa buong school ang dapat kong sabihin. Now,I want to gather all students to go to the Gym for the Special Announcement." Sagot nito at nilagpasan si Cassie.

Dumiretso agad ang mga estudyante sa Gym para sa announcement ni Raxie.

Nang mapuno na ang Gym,tumayo si Raxie at pumunta sa stage.

"I know na nakakagulat na makita ako or should I say na kami na magkakasama. Kaya kami nawala dahil nagbakasyon kami. And I want to say that,magkakaibigan na ulit kami kasama si Pia Smith. So kung sino man ang magmngbubully sa kanila,ako ang makakalaban niyo." Sabi nito. Nagulat lahat ng estudyante sa narinig galing kay Raxie. Hindi sila makapaniwala na magkakaibigan na ulit ang mga ito. At alam din niyang nabubully ang mga dati niyang kaibigan noon.

Bababa na sana si Raxie sa stage nang makaramdam siya ng sakit sa lahat ng parte ng katawan niya kaya natumba siya. Agad-agad na nilapitan siya nga mga kaibigan niya.

"What happened to you?" Tanong ni Pia.

"I'm okay." Sagot naman ni Raxie. Sinubukan niyang tumayo pero na-out of balance siya. Mas lalong sumakit ang buong parte ng katawan niya.

"Stay still." Sabi ni Keah. Lumapit na rin ang mga Campus Role Models para tignan ang Campus Princess.

"What happened to her?" Tanong ni Paolo.

"We don't know." Sagot ni Drice.

"Call the ambulance now!" Sigaw na utos ni Keah sa lahat. Nataranta si Yici sa pagpipindot sa cellphone para tawagan ang ambulansiya.

"Hello?" Nanginginig na sabi ni Yici.

"Ho can I help you Miss?" Tanong nito sa kabilang linya.

"I need your help. Send the ambulance here in Star Academy. Gym of this school to be exact." Sagot niya dito.

"Copy Miss." At naputol na ang linya. Lumingon naman siya kay Raxie at nagulat ito ng may dugo na sa ilong nito.

"Raxie. Listen to me,okay? Don't panic. We are here for you. You don't have disease alright?" Pagpapakalma ni Pia sa kaniya. Pero walang talab iyon dahil mas lalong kinabahan si Raxie. Ayaw pa niyang mamatay.

Napaiyak na ang lahat sa nakikita nilang itsura ni Raxie ngayon. Nagkakaroon na rin ng mga pantal ang mga braso nito. Hindi lang ang braso nito maging sa buong katawan nito. Parang ang bilis kumalat.

Nakarinig sila ng wangwang ng ambulansiya kaya medyo kumalma na rin sila. Agad na isinakay si Raxie dito at nagtungo na sa hospital.

Sumunod naman ang apat para kumustahin ang lagay nito. Habang ang ibang mga estudyante ay nanatili na lamang sa school at taimtim na nagdasal para kay Raxie.

Inipasok agad si Raxie sa ICU. Tinawagan na ni Keah ang cellphone number ng mga kuya nito at ilang sandali pa ay dumating na ang mga ito.

"Where is she?" Tanong ni Robin.

"Sa ICU po." Sagot naman ni Keah dito. Napatingin ang dalawa sa pinto ng ICU. Sobra-sobra silang nag-aalala sa kapatid. Naghintay muna sila ng ilang oras bago lumabas ito ang doctor. Agad na napatayo ang lahat.

"Doc! Kamusta siya?" Matagal na hindi nakasagot ang doctor. Mas lalong kinabahan ang lahat.

"Okay lang siya diba?" Tanong ni Robin sa Doctor peri hindi man lang ito sumagot. Pagkaraan ng ilang segundo,sumagot na rin to.

"I'm sorry. Hindi na nakayanan pa ang katawan niya. Alam naman natin ang kalagayan niya diba?" Sabi ng Doctor. Agad na binawian ng kulay ang mukha ng magkapatid.

Agad na sumalampak ang mga ito sa sahig kahit na may mga taong makakakita sa kanila. Habang ang apat ay naguguluhan pa rin. Hindi nila maintindihan ang sinabi ng Doctor kaya tinanong nila ito

"What do you mean Doc?" Tanong ni Pia.

"Raquisse Vinxie Zaqueyo is suffering from Acute Myeloid Leukemia." Nagulat naman ang apat. Hindi nila alam ito. "May you excuse me ladies 'cause I have more patients to check." Sabi ng Doctor. Napatango na lamang sila at napaiyak. Hindi nila nalaman ang bagay na ito. Siguro itatanungin na lang nila ang mga kapatid ni Raxie. Unti-unti namang tumayo ang magkapatid at pumunta sa morgue kung saan nakalagay ang bangkay ni Raxie.



Author's Note:
Bye bye Raquisse Vinxie Zaqueyo.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon