Chapter 3

300K 8K 402
                                    

CHAPTER 3

LAMAN parin ng isip ni Clover ang kleyente niya na si Charlotte Jimenez. Hindi kayang intindihin ng utak niya kung bakit si Alexus pa ang gusto nito. What with her? Ano ba ang nakita nito kay Alexus? He’s nothing but full of crap.

Kinuha niya ang calling card ni Charlotte na nakatago sa wallet niya. Sa uri ng pagkakagawa ng card, masasabi kaagad niya na mayaman ang babae.

“Sally.” Tawag niya sa pangalan ng secretary niya sa intercom.

Mabilis itong sumagot. “Yes, ma’am?”

“Find out everything about Charlotte Jimenez. Our new client.” Aniya. “I want to know everything about her, every single detail.”

“Yes, ma’am. When do you need it?”

“Tomorrow if possible.” She said then hung up.

Her eyes settled again on the calling card. Hindi mawala sa isip niya kung bakit si Alexus ang gusto nitong lalaki. Of all the men in the world, she picked the playboy. Why is that? Its making her curious and curious Clover is not a good thing.

Pinilit niyang tanggalin sa isip niya si Charlotte. Ayaw niyang magulo ang isip niya. Stress na nga siya kay Alexus, dadagdagan pa niya. Kinuha niya ang purse at lumabas ng opisina. Naabutan niya si Sally na nakaharap sa computer at halatang abala sa ginagawa.

“Sally, I’m going out. Katatapos lang nang Ben and Kaye project. Tapusin lang natin itong Charlotte and Alexus project at magpahinga muna tayong dalawa.”

“Yes, ma’am.” Nakangiting wika ni Sally. “Medyo marami-rami nga ang naging kliyente nating ngayong taon.”

“Yeah. Nakakaumay din minsan ang ginagawa natin. Sige, aalis na ako.”

“Ingat po ma’am.”

“Ikaw din. Lock up before you leave. See you tomorrow.” Aniya at lumabas na sa opisina niya ng tuluyan.

Mula sa opisina niya, dumiretso siya sa paborito niyang café. Madalas siyang nandito para magpalipas ng oras o mag-isip ng kung ano-ano. Pagkatapos niyang umorder ng isang java latte at dalawang slice ng mocha cake, she sits on her usual table.

Clover picked up her latte and was about to drink it when an annoying voice talked in front of her table. Naiinis na inilapag niya ang java latte at nagtaas ng tingin. “Are you stalking me?”

 “Ahm…” Alexus sits beside her. “No, but I’ll stalk you, don’t worry. Nandito na ako ng dumating ka. Hindi mo lang ako nakita kasi … well, basta, hindi mo ako nakita.”

“Whatever. Lumayo ka sa akin. Doon ka umupo sa ibang mesa. I don’t want to talk to you.”

“Are you not gonna ask me why I’m here?”

“Nope. Not interested.”

“I’ll explain anyway. Ang bait ko talaga. Anyway, the owner of this Café is my cousin’s wife.”

“Oh, e ano naman ngayon?” She asked in a bored voice.

“Can you please— just once— give a shit about me?”

Nakaawang ang labi na nilingon niya ang katabi. “Ano ba sayo kung wala akong pakialam sayo? I’m just your apple of the eye for this month, nothing else. And you’re a playboy, wala kayong pakialam kung hindi man kayo gusto ng ibang tao.”

“Playboy or not, I do have feelings.” Masinsin na sabi nito.

She laughed at him. “Ikaw? May feelings? Ang mga katulad mo ay walang feeling, kasi kung mayroon e di sana hindi kayo nananakit ng babae.”

Falling For Mr. Flirt [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon