Chapter 16 - End

381K 10.2K 631
                                    

CHAPTER 16

SA HALIP na magmumok at umiyak siya sa bahay, nagbihis si Clover at pumunta sa Bachelor’s Bar. Tamang-tama naman na naroon ang mga kaibigan niya. Malilibang siya. Ayaw niyang sayangin ang luha niya para sa walang kuwentang lalaki na katulad ni Alexus.

“Clover, anong ginagawa mo rito? Asan si Alexus?” Tanung ni Gilen ng makita siya.

“Namamasyal lang ako rito.” Puno ng sarkasmo ang boses niya. “At malay ko ba kung nasaan ang hayop na ‘yon.”

Nagkatinginan si Marj at Gilen dahil sa sinabi niya. Great! Sana naman hindi ang mga ito magtanong sa kanya. Wala siyang balak umiyak ngayon at sigurado siyang iiyak siya kapag ikinuwento niya ang nangyari.

“May nangyari ba sa inyo ni Alexus?” Kunot ang nuong tanung ni Marj.

“Wala.” Walang emosyong sagot niya. “Ano naman ang mangyayari sa amin?”

“Well, you love him.”

“Hindi na ngayon. Nagkamali lang ako. Hindi ko siya mahal at baliw lang ang magmamahal sa isang katulad niya.”

Gilen and Marj shared a meaningful look. Hindi niya ang mga ito pinansin at ininom ang order niyang Mojito. Akmang tatawagin niya ang waiter para umorder ng isang basong rum ng may magsalita sa likuran niya.

“Clover.” Lumapit sa kanya ang may-ari ng bar. “Nagaway ba kayo ni Alexus?”

She rolled her eyes. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. I don’t who Alexus is.”

“Come on, Clover. Alexus is a mess.”

May pagaalala siyang naramdaman para sa binata pero agad niyang pinagwalang bahala iyon. “So, ano naman? Hindi ako taga-linis ng kalat, Marlon Aiken.”

“Give him a chance, Clover.”

Tinitigan niya ang lalaki. “Ano ba ang alam mo para sabihin mo sa akin yon? Give him a chance? Ayoko. He doesn’t deserve a second chance. He will always be a playboy and I don’t want to associate with the likes of him. Sabihin mo sa kanya na sana mamatay na siya!”

Nagpapasalamat siya na walang luha na dumaloy sa kanyang mga mata. Pesteng pag-ibig! Bakit ba ang sakit kapag nagmahal ang isang tao! Akala ba niya ang pag-ibig ang isang masayang pakiramdam. Kasinungalingan lang ‘yon! Oo, ang iba masaya pero paano ang mga tulad niya na niloko lang at sinaktan?

“Hindi ko sasabihin ‘yon kay Alexus baka magpakamatay ang isang iyon.” Wika ni Marlon Aiken. “Just looked at the monitor in the stage and I hope that this will make you change your mind. Sana bigyan mo pa nang isang pagkakataon si Alexus.”

Kunot na kunot ang nuo ni Clover sa sinabi ni Marlon Aiken. Looked at the stage? Bakit naman kaya? Dahan-dahan siyang tumingin sa stage at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya ng makakita roon ng isang CCTV footage. Hindi siya puwedeng magkamali, ang CCTV na ‘yon ay sa loob ng bahay ni Alexus. Naroon ang sofa na hinding-hindi niya makakalimutan.

Mas lalong kumunot ang nuo niya ng makita si Alexus na walang suot na pang-itaas at naglalakad papunta sa pintuan. When he opened the door, Charlotte enters. Parang may kumatay sa puso niya ng makitang niyakap ni Charlotte ang binata. Pero agad na nawala ang sakita ng makita niyang itinulak ni Alexus si Charlotte at magmamadaling lumayo sa babae. Kahit lumayo na si Alexus, hindi parin ito nilubayan ni Charlotte. She was saying something pero hindi naman niya marinig. Hinablot nito ang kamay ng binata at pinaupo si Alexus sa sofa. Every time Charlotte tried to sit on his lap he would pushed her away. Alexus looked mad and he was shouting at Charlotte. Pero nagtagumpay rin ang babae na makaupo sa hita ni Alexus … That’s when she enter the house and saw their position.

Falling For Mr. Flirt [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon