LGPALMP Battle 1: Back To School

8.5K 159 15
                                    

LGPALMP Battle 1: Back To School

SKY'S POV

After 1 year..

"SKYYYYYYYY! GUMISINGGGGGG KA NAAAAAAAAA~" agad akong napabangon sa kama ko sabay takbo papuntang banyo. Langya! Ganito nalang ba lagi ang routine ko tuwing umaga?! Tsk! Kainis naman oh. Kung tatanungin niyo ako kung sino yung taong sumigaw sakin.

Well,ang aking pinakamamahal na Lolo lang naman =____= Oo,si Lolo. Since last year ganyan na ang routine naming dalawa. Minsan kapag may trabaho siya sa Gangster Town si Minerva o hindi kaya si Travis ang sumisigaw sakin.

At kung nagtataka kayo kung bakit ako dumeretso ng banyo kasi kapag nalate ako isang punishment ang makukuha ko. At ayoko ng mga punishment ni Lolo. Hindi rin ako katulad ng ibang tao na kapag nagigising sa umaga ay sisigaw ng 'Sunog?! Sunog?! Asan?!' tapos ay mahuhulog sa kama.

Masyado ng paulit-ulit ang scenaryo na yun =____=

"SKYLAR MELEI! 5 minutes remaining!" rinig kong sigaw ni Lolo sa labas. Kaya naman maliligo muna ako.

Dining..

"Mom! Nasan na si Ate Annie?! Hindi ba siya sasabay?" tanong ko kay Mom pagkarating ko ng Dining.

"Hay naku! Alam mo namang laging late magising yung Ate mo. Panigurado akong inaatake na naman siya ng Lolo niyo." napanod nalang ako sa sinabi ni Mom. Grabe rin si Ate Annie eh nuh? Nakaya niyang kalabanin si Lolo.

"Hello Tita!" si Saf. Tumingin naman ako sa kanya. At mukhang excited siya sa First Day. Blooming pa ang beauty niya ha!

"Ohh.. Hello Saffire. Halika na at sumabay sa breakfast" sabi ni Mom. Dali-dali naman siyang umupo. Abah! Di man lang ako ginreet ng 'Good Morning' Basta talaga pagkain =____=

"Blooming ka ngayon" sabi ko sa kanya sabay kagat ng pancake ko.

"Hindi ah!" sabi niya naman.

"Oo nga,Saf. Blooming ka ngayon. Ay pareho pala kayo ni Sky. Hmmm!" sabi ni Mom sabay taas-kilay.

"Hindi!" sabay naming sabi ni Saf. Nagkatinginan kaming dalawa saka tumawa. nagkaintindihan kami eh XDD

"Alisss na kooooooooo!" rinig naming sigaw ni Kuya Tyler.

"Tyler hindi ka man lang ba magbe-breakfast?" tanong ni Mom kay Kuya Tyler.

"Hindi naaaa! hinihintay na ako ni Jessie eh.. Babye sa inyo!" sabay narinig na lamang namin ang pagkalock ng pinto.

"Lumalablayp si Kuya Tyler ah!" napatingin naman kami kay Ate Annie na fresh na fresh.

"Mukha nga eh. O sige kumain na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase." sabi ni Mom kaya naman kumain na kami.

Namimiss ko na si Raphael. Hay naku! Nasa States na kasi siya ngayon. Last year lang nga rin siya nag-transfer eh. Nawalan na rin kami ng communication. Kaya hindi na rin namin alam kung ano na ang kalagayan niya ngayon.

Nagpaalam na kami kina Mom at Lolo atsaka kami pumunta ng School.

"Sa wakas,isang taon nalang.. Graduate na ako" nakangiting sabi ni Ate Annie.

"Hay! kami naman may dalawang taon pa. Kainis" sabi naman ni Saf. Sabay naman silang tumingin sakin. Tingin siguro nila ay may sasabihin rin ako. Binigyan ko lang sila ng isang bagot na tingin at ipinilansak ko ang earphones ko.

LGPALMP 2: The Battle Begins [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon