LGPALMP Battle 2: Kongju and Wangja

6.7K 148 13
                                    

LGPALMP Battle 2: Kongju and Wangja

SKY'S POV

Nandito ako ngayon sa Gangster Town. Tiningnan ko yung paligid. Hindi ko akalaing mapapasama nga talaga ako sa pagiging Gangster. Kahit ayaw ko man...kelangan. Kalimutan na nga natin yun. Basta member na ako ng Gangster nayon--kahit na hindi ko pa man masyadong tanggap >3<

Pumunta ako sa Hide-out namin.

Hide-in

hide-in

Hide-in

Ginulo ko yung buhok ko saka ko iniling ang ulo ko. Sa tuwing sinasabi ko ang salitang 'hide-out' bigla kong naalala si Blake. Kasi naalala ko yung araw na dinala ako sa 'hide-in' raw nila ni Drake. Aiiiiiiiiish >____< Nakakamiss tuloy sila >3<

"Cell!" napatingin ako sa tumawag sakin. Si Liam pala--friend or co-gangster of Saf. Nagsama-sama na nga pala kami sa isang Gang nina Saf. At nalaman ko ring Gangster rin tong sina Liam.

"Ano ka ba,Liam! Wag mo na nga akong tawaging 'Cell' Nakakailang pakinggan eh" sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya. Eh ang pogi naman pala ng isang toh kapag nakangiti eh =____=

"Hindi ka pa rin ba nasasanay,Sky? hay naku! Kelangang masanay ka na. kasi kapag nalaman ng iba.....araw-araw ka na nilang tatawagin sa 'Gangster Name' mo" nagmake-face nalang ako sa kanya. Saka naglakad.

Sumunod naman siya sakin. Pumunta kami ng Hide-out namin. Naabutan namin sina Roxy,Janine,David,Guy at Saf na may kasamang dalawang lalaki.. At kambal sila.

"Ahh,anong meron?" tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila samin ni Liam. Napafacepalm naman si Saf.

"Etong kambal na toh.. Sasali raw sa Gang natin" tiningnan ko yung dalawang kambal.

^______________^ ganyan yung mukha nung dalawa.

=_____________= ganyan naman yung mukha namin.

"Tama nga sila.. Maganda ka nga,Ace *O*" sabi nung mala-cool na bata -,- Ang babata kasi ng mga mukha nila eh.

"Oo nga. Tapos ang puti mo pa.. Ilang gluta ba ang ininum mo?" sabi naman nung mala-simpleng bata lang.

"Hindi ko alam ang salitang Maganda. At hindi rin ako gumagamit ng Gluta." pokerface na sabi ko. Nagulat naman ako ng pareho nilang hinawakan ang magkabilaang kamay ko.

"Ate puhhhleaaaaase? Payagan mo na kaming sumali sa Gang niyo. Promise! Magaling kami sa pakikipaglaban. Kilala mo ba si Jackie Chan? Siya yung nagturo sakin ng martial arts,judo at kung-fu. Ha! Ha!" sabi nung mala-cool sabay nag-gesture pa siya ng sumisipa.

"Heh! Wala ka sakin! Si Bruce Can yung nagturo sakin ng martial arts,taekwando,judo,karate at kung-fu. Ha!" taas noo namang sabi nung batang simple lang.

"Bruce Can? Sino naman yun?" tanong ni Janine sa kanya.

"WHAT!? Hindi niyo kilala si Bruce Can?" exaggerated tong batang toh ah =____=

"Magtatanong ba ako kung kilala ko. Slow -,-" sabi naman ni Janine.

"Si Bruce Can. Siya yung nagturo kay Jackie Chan sa mga movie ni Jackie Chan na maraming away!" pagpapaliwanag nung batang simple.

LGPALMP 2: The Battle Begins [DREAME]Where stories live. Discover now