LGPALMP Battle 5: Sisters?

5.5K 129 13
                                    

LGPALMP Battle 5: Sisters?

SKY'S POV

*yawn*

"Kongju tingnan mo tong picture na ito oh! Ang kyut kyut mo ^____^ tapos eto pa eto pa! Hihi... Kongju ko.. pandak ka pala dati? Hihi... ang kyut kyut mo talaga dito" *yawn*

"Matutulog muna ako" saka ko ibinagsak ang ulo ko sa mesa ko.

SAF'S POV

Natawa nalang talaga ako kina Sky at Charlie. Para silang mag-couple eh. Si Charlie parang siya pa ata yung babae dahil sa sobrang ingay at kakulitan. Bigla naman akong napatingin kay Justin na inis ang pagmumukha.

"Oh? Anyare sayo?" pagtatanong ko. Tiningnan niya lang ako saka kinuha ang PSP niya...as usual -___- Umiling-iling nalang talaga ako. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa nagulat ako ng makita ko si Clyde....natutulog sa tabi ko na yakap-yakap ang kanyang Rilakkuma.

Tsk! isang malaking TSK! Para talaga silang mga kabute =,=

Maya't-maya pa ay pumasok na ang aming Teacher. Napatingin ako sa gawi nina Charlie at Sky. Nagbago na nga pala ang upuan namin. Bale gumawa ng seat plan yung Adviser namin.

Gusto kong matawa kay Charlie dahil para siyang batang pinipilit ang mommy niya na magising na dahil nagugutom na siya. Haha! Ayaw pa kasi bumangon ni Sky eh. Puyat sa laban kagabi eh =____= Kundi ba naman tanga at biglang sumugod sa Gangster Town at naghanap ng away. TSK!

"Okay class. I have a very important announcement to say.." tahimik kaming nakinig kay maam...maliban kay Sky at Charlie.

"Magkakaroon ng isang event sa school...at sa Damian Academy. Ang Damian Academy at ang Willexton University ay magsa-sama-sama.. Sa isang school" lahat kami nagulat. Kahit si Sky ay nagising ata. Walang may nagsalita sa amin.

"Eto ay magsisimula bukas. Wag kayong mag-alala dahil estudyante pa rin naman kayo ng Willexton. Ang ipinagkaiba lamang ay makakasama ninyo ang Damian Academy. Wag na kayong magtanong kung bakit at paano. Basta't ganun ang mangyayare. Mamayang last period ninyo ay sasabihin na kung saang school ito magaganap" lahat kami ay tahimik pa rin.

Hanggang sa dahan-dahan ko nalang narinig ang malakas na hiyawan ng mga kaklase ko. Kaya naman itong si Clyde ay nagising....na masama at madilim ang aura.

+_______________+

ganyan yung mukha niya oh! Halos papatayin kami sa titig. Kaya natahimik ang lahat. Parang may dumaan na anghel sa harap namin at natahimik kami. Pero hindi eh...dragon ata.

"A-Ah..J-Justin" utal-utal na sabi ni Charlie. Si Justin naman napatigil rin sa paglalaro at namutla ng makita si Clyde na ang sama ng aura. Bago pa man makagalaw si Clyde ay agad na siyang hinawakan nina Charlie at Justin.

Nagwawala si Clyde....at kawawa sina Charlie at Justin dahil sinasapak sila ni Clyde. So,eto pala ang sinasabi ni Charlie na nakakatakot na aura ni Clyde.Tiningnan ko si Clyde habang pinipigilan sya nina Justin at Charlie.

Nakakatakot nga.

DRAKE'S POV

"Ay tae! Drake.. ano bang problema mo? Sakit nun ah!" reklamo ni Blake ng itinapon ko sa kanya ang unan na kanina ko pa pinipisil sa galit. Bwisit na bwisit kasi ako sa Charlie na yun. Tsk!

Sa lahat ng sinabi niya sakin...naging magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong alamin. Kung bakit hindi naalala ni Sky si Charlie--kung talagang magkaibigan ba talaga sila nung mga bata pa sila? At kung papaano nalaman ni Charlie na isa akong...mafia?

LGPALMP 2: The Battle Begins [DREAME]Where stories live. Discover now