LGPALMP Battle 3: See THEM

5.4K 156 31
                                    

LGPALMP Battle 3: See THEM…with Clyde,Justin and Charlie.

SKY'S POV

"Sky pupunta ka ba o sasama kay Charlie sa Damian? P-Para kasing hindi ko kaya" sabay yuko ni Saf. Kahit ako nag-aalanganing pupunta pa sa Event na yun. Para kasing...hindi ko kaya.

Nandito nga pala kami sa classroom. Kung hahanapin niyo sina Justin,Clyde at Charlie ay nasa Cafeteria pa. Nagutom ata yung tatlo eh =,= Mamayang hapon na kasi yung event eh. At talagang pinipilit kami nina Charlie na sumama.

Kapag tinanggihan ko yung offer ni Charlie parang ang bastos ko naman. Pero kapag tinanggap naman...AISH! Sasama na nga kami >____< Sana lang talaga...hindi kami magkatagpo. Kaya I'm praying to Tadhana—na sana ay maki-ayon siya.

Afternoon…

“Kongju halika na at excited na akong manood ng mga Band Battles ^______^ Siguro ang gaganda ng mga boses nila *O*” sabi ni Charlie.

“Ahh oo..” sabi ko. Napatingin ako kay Saf na gulat. Tiningnan niya ako ng ‘pumayag-ka?’ look. Ngumiti nalang ako ng half. Nagkibit-balikat nalang siya saka niligpit ang gamit niya.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway.

“Kongju ako na ang magdadala ng bag mo ^___^” inabot ko naman kay Charlie yung mga aklat ko. =,= Baka kasi kunin niya na naman yung phone ko eh.

“*yawn* Bilisan niyo namang maglakad. Gusto ko ng matulog.” Biglang sabi ni Clyde. Siya yung sinasabi ko sa inyo na isa sa mga kaibigan ni Charlie. Binilisan naman namin ang lakad namin dahil sa sinabi ni Clyde.

Nang makapasok kami ng kotse ni Charlie si Clyde…tulog agad =_____= Pinapagitnaan nina Justin at Clyde si Saf na halos hindi rin mapakali.

Kahit ako…

Damian Academy…

Bumuntong hininga pa ako ng ilang beses bago bumaba ng kotse ni Charlie. Nang makarating kami sa harap ng Gate. Bumalik lahat ng alaala ko sa Paaralang ito. Yung mga moments namin. Yung mga nakakatawang scenario. At yung mga masasakit…

“Kongju ko..Hawak ka sa kamay ko. Maraming tao ang nandito baka mawala ka” Charlie

“Ayoko =___=” ako

“Ihhhh! Sige naaa~” Charlie. Hindi ko siya pinansin at naglakad ako papalapit kina Clyde. Si Clyde na yakap-yakap ang kanyang Rilakkuma—isang teddy bear yun. Search niyo sa google =,=

“Kinakabahan ako” bulong ni Saf sakin. Pinat ko lang yung balikat niya as a sign of ‘lakasan mo ang loob mo’. Tumango naman siya sakin. Bigla naman akong napatingin kay Charlie ng hawakan niya ang kamay ko. Makulit rin lahi nito noh? =_________=

Hindi ko akalaing may pinsang ganito si Ace.

Gymnasium…

Umupo kami sa bandang unahan. Nagpalinga-linga ako ng tingin saka ko nakita si Ate Annie. Kaya naman tinawag ko siya. Lonely eh. Kaya eto sama-sama kaming anim na manonood. Pero etong katabi ko ang daldal talaga.

“Kongju alam mo bang nanood ako ng Dream High? Grabe nakaka-adik pala yung movie na yun. Ang galing-galing pa nilang sumayaw…bla bla bla” at marami pa siyang sinasabi.

LGPALMP 2: The Battle Begins [DREAME]Onde histórias criam vida. Descubra agora