(2)

13.9K 325 7
                                    

***2***

Lumabas na ako doon sa loob nung room at naglakad na rin. Tinignan ko yung papel na copy ko nung pinapirmahan nung Ash sa akin. Pagkabasa ko eh ito yung nakasulat sa handwriting niya.

R-13
Skateboarding Team


Hmmm.. bakit kaya R-13? Parang ang weird naman na pangalan ng team. Pero kung sabagay, weirdo yung tatlo kaya siguro ganito rin yung mga style nila pati sa pangpili ng pangalan.

Isa sa nagustuhan ko dito sa Sports Curriculum eh yung uniform nila. Jogging pants kasi ang regular every day nilang suot. Syempre ako, kumuha ako ng Large na T-shirt at XL na pants. Gusto ko kasi malaki eh. Isa pa, yun naman yung nakasanayan ko. Ayaw ko yung mga masyadong fitted.

Nung nasa Computer Curriculum ako, skirt at blouse naman yung regular uniform. Pero ako eh kumuha ng pagkahaba-habang skirt na talagang aabot sa ankle ko, at hindi ako bumili ng blouse. T-shirt din na malaki yung binili ko pero school approved. Tapos naka rubber shoes ang madalas kong attire with sumbrero. Hindi ko kasi ma-imagine na naka-blouse ako. Kaya nga sa Guidance kanina sinabihan ako na mag-blouse daw ako paminsan-minsan. Yun na nga yung problema eh, wala ako nun.

Hinanap ko na yung classroom ko. Malapit na din naman ng mag-uwian kaya okay lang kahit hindi na ako pumasok. Nung nahanap ko na yung room number ko, tumingin muna ako sa bintana at mukhang ang ingay-ingay nila sa loob. Yun pala eh mag nagsasayawan doon at palakpakan naman yung iba. Wala kasing teacher.

Nung lumapit ako ng kaunti, alam ko na kung sino ang dahilan. Kung hindi lang din naman si Shalyna Salinas--ang pinakamaarte sa lahat ng pinakamaarte. Alam ko exaggerated na masyado, pero kahit kailan talaga hindi ko siya magustuhan.

Kung sa movies at may nakikita kayong popular girls na mean, at sa totoong buhay eh hindi naman sa lahat ng school eh may ganun, dito sa school namin eh meron at usong-uso. Palibhasa kasi malakas siya sa principal ng school.

Naghintuan naman silang magpalakpakan at parang alam ko na kung bakit. Nakatingin si Shalyna sa akin.

"Hindi ako makapaniwala na may isa pa pala akong fan na nasa labas? Bakit hindi niyo papasukin!" Nagkukunwari lang naman siya nun pero nagtawanan yung iba. Paglabas niya eh tumingin siya sa akin, "Ooh, I thought you're a guy! Oops, my bad! Malay ko ba na ikaw lang pala!"

"Really? Ang labo na pala ng mata mo. Mag salamin ka kung may problema ka sa paningin." Sagot ko naman ng mabilis sa kanya, "Ay hindi pala, contacts na lang. Mukha ka na ngang geek, lalo pang magiging malala kapag nagsalamin ka." Dumaan ako at nabangga ko yung isang balikat niya.

Nag-cheer naman yung iba sa akin. Akala niya ha! Excuse me? Ako Shalyna?! In your face!

Dumaan na ako dun at naghanap ako ng bakanteng upuan. Nakakita naman ako sa bandang dulo at syempre, nadaanan ko yung iba mga tao.

"Hi Chris!"

Nakipag-tapikan lang din ako sa kanila gaya ng ginagawa ng mga lalaki. Panay pa ang sabi nila sa akin ng 'Bro musta na?'

Naupo ako doon sa dulong upuan at yung mga katabi eh malalayo so mag-isa lang ako doon at dumating yung isang teacher. Dahil ako lang yung nakasumbrero, napansin niya ako kaagad.

"I can see na may bago pala tayong makakasama.." 

"Yeah, a bubblehead freak!"

Hindi ko na pinansin si Shalyna nun. May teacher kasi kaya hindi na muna ako papatol.

"Mr... I mean Miss.." pagkakasabi nung teacher nung malaman niya na babae ako, "pwedeng tumayo ka dito at magpakilala ka?" Pati teacher nagkakamali sa akin sa unang tingin.

Kapag hindi mo kasi ako kilala at isang beses mo lang akong tinignan, siguro nga lalaki ang tingin mo. Pero dagdagan mo lang ng ilan pang lingon, mapapansin mo na babae pala ako.

Even in the inside.

Pumunta ako doon sa harapan, ngumunguya pa ako ng gum. "Chris Orellana." yun lang yung sinabi ko tapos umalis na ako sa harapan.

Nagulat yata sila sa akin dahil ang ikli nung sinabi ko. Ano bang pakialam nila?

Parang nanghina na lang yung tuhod ko nung may bumati sa akin sa pagbalik ko sa upuan.

"Sup Chris! Welcome sa Sports Curriculum!" Si Chester.

Hindi ko alam pero tuwing nakikita ko yang si Chester, lagi akong pumapalpak. Kung hindi matatapon yung iniinom ko, mauuntog, o kaya naman...

"Hey.. okay ka lang?" Inalalayan niya akong tumayo dahil nadapa ako. Sinasabi ko na nga ba papalpak na naman ako eh.

"Okay lang pare!"

Narinig ko na may tumawa na naman sa akin. Akala ko dala lang nung nanghihina kong tuhod yung pagkakadapa ko pero nakita ko si Shalyna. Nakataas yung kilay niya sa akin, at yung paa niya eh nasa daan dahil tinisod niya ako.

Tinuloy ko na lang yung pagbalik ko at hinintay ko yung uwian. Kaya nga nung nag-alarm kahit na nagsasalita pa yung teacher eh wala na kaming pakialam lahat at lumabas na kami. Si Shalyna naman, inabangan pa talaga ako sa labas.

"You don't belong here! Look at you!" With matching swing pa siya ng hair niya.

May umakbay naman sa balikat ko at hinigpitan pa kaya napalapit ako sa kanya ng de-oras. Tumama pa nga yung sumbrero ko kaya nag-panic ako at baka mahulog. Sino ba itong feeling close naman sa akin?

Pagtingin ko, yung lalaki pala kanina.

"Shalyna, of course she belongs here. She's on my team. So if you mess with her, you will mess with me."

"How pathetic Ash! Magsama pa kayo!" tapos tinalikuran niya kami parehas at sumama na doon sa barkada niya na laging nakasunod sa kanya.

Nakatayo lang kami parehas ni Ash dun at hindi kami nagsasalita habang pinapanood namin na makalayo si Shalyna.

Tapos naisipan ko rin magsalita...

"I hate her." nagtinginan kaming dalawa nung nagsabay kaming sabihin yun.

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon