(29)

7K 170 8
                                    

***29***

Nagulat din siya sa ginawa niya. Umatras pa nga siya nun eh.

"Sorry." yun na lang yung sinabi niya at niyaya na niya ako doon sa loob para kumain.

Siguro nga kung nasa tamang pag-iisip ako nung mga oras na iyon eh nasuntok ko na siya. Ano bang nangyari sa akin? Wala man lang akong sinabi? Bakit niya ko hinalikan?

Para akong sira doon na hinihila niya at sumusunod lang sa kanya. Siguro nga, na-shock lang din ako. Pero para maging ok ito lahat, dapat siguro umarte na lang ako ng walang nangyari. Tama, ganun siguro. Uuwi ako mamaya, papasok uli next Monday... parang walang nangyari. May choice ba ko?

Hindi ko nga namalayan na nakaupo na pala kami uli sa diner. Nagulat na naman uli ako nung nag-lean siya sa table.

"Ok ka lang?" napansin niyang tinitignan ko lang siya, "Look, I'm sorry ok? Hindi ko talaga sinasadya. Nadala lang siguro ako.."

"Beef pasta." sabi ko sa kanya.

"Huh?!?"

"Order ko beef pasta."

"Oh.. right."

Ayoko muna pag-usapan yun. Hello? Anong sasabihin ko? Na first kiss yun? Alam mo naman na ang mga tao ngayon, kapag wala kang experience sa ganun geek ka na. But then, I can still say that I'm old fashioned. It's still important to me.

Habang tumatagal nun, medyo nawawala na yung pagkahiya ko. Nakikitawa na rin ako. Hindi ko pa nga alam kung para saan yung mga sobrang tnidor doon pero ang sabi sa akin ni Ash eh mag-start daw ako sa outer, then work through the inside. Kasi naman, pwede namang isa lang pinadami pa.

Medyo nabubusog na rin ako nun kaya huminto ako dahil ayoko ng pakiramdam ng bloated. Bigla na lang nilang pinatay yung ilaw at may disco ball pa sa gitna. May babaeng umakyat sa stage at tumugtog naman yung banda.

Binaba ni Ash yung tinidor niya saka yung kutsilyo at tumayo. At syempre ano pa, nagyaya sumayaw. Sabi ko nga 'di ako marunong.

I could lose my heart tonight 
If you don't turn and walk away 
'Cause the way I feel I might 

"Hindi ka marunong sumayaw? Ako rin eh. Sabi nila left-right-left-right lang. Pero umattend ako sa Prom. Paano ka sumayaw last year?"

"Hindi ako umattend ng Prom." halata kong nagtataka siya, "Ineexpect mo ba na pupunta ako sa Prom at magsusuot na gown? Eew. Never."

Lose control and let you stay 
'Cause I could take you in my arms 
and never let go

Parang narinig ko na yung kanta na yan? Saan nga ba? 

"Yeah. I think you look great." nakangiti pa siya nun.

I could fall in love (--in love--) with you 
I could fall in love (--in love--) with you (--you, baby--) 

Nang-aasar yata yung tugtog eh! Awayin ko kaya yung kumakanta!

Hindi pa ako sumayaw ng ganito before. Dati kasi nung sumali ako nun sa Dance contest, sinama nila ako sa Hiphop dance craze ng school. Kaya yung ganitong bagay, bago pa talaga sa akin.

Sumayaw lang kami doon, naging disco pa nga eh. Pati yung ibang crew doon nakisali na rin. Hindi rin pala ako makakaligtas nun dahil pinakanta rin nila ako. Ang dami kong excuse nun  na 'di ako marunong, o kaya naman walang organ. Meron pala kaya hindi rin ako nakaligtas.

"Making my way downtown 
Walking fast 
Faces pass 
And I'm home bound 

Staring blankly ahead 
Just making my way 
Making a way 
Through the crowd 

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon