***23***
Hindi ako gumalaw nung mga oras na iyon. Narinig ko na lang sinabi niya na 'Thanks'tapos humiwalay na rin siya at umalis na talaga. Ngumiti lang siya sa akin at ako naman eh napangiti na lang din sa sarili ko.
What's wrong with me? Nitong mga huling araw... I was acting kinda', odd?
Pumasok na ako sa bahay namin at syempre eh ginawa ko na yung mga ritwal ko kapag gabi. Sinabihan pa nga ako ni Kuya Christian na mukha daw akong ewan at nakangiti daw ako mag-isa. Sabi ko naman sa kanya, uso na ngayon yun kaya huwag siyang makialam.
Maaga akong nagising kinabukasan at dahil nga doon eh maaga rin akong nakaalis ng bahay at nakapasok ng school. Hindi ko alam kung dumaan ba si Ash sa bahay dahil hindi ko na siya hinintay at nauna na akong pumasok sa school.
Nung nasa corridor na ako ng room curriculum namin, napansin ko na makakasalubong ko si Chester kaya ang ginawa ko eh tumalikod ako para hindi ko siya makasalubong.
Kaya lang..
"Hey! Chrissy! Wait!"
Huminto ako nun at humarap sa kanya. Napataas yung kilay ko nung tinawag niya ako Chrissy.
Parang napansin niya siguro na naghihintay ako ng explanation, kaya nagsalita na rin siya.
"Everyone is calling you... Chris. Naisip ko lang para maiba naman, I'll call you Chrissy. Ok lang naman na tawagin kitang Chrissy 'di ba?"
Ayoko! Ayoko ng Chrissy because it's too girly?
Naks, rhyme yun ah!
"Sure!" wow, irony is everywhere!
"Great! Papunta ka na ba ng room?" tinuro niya yung nasa likod niya, "Pwede kitang sabayan."
Papunta naman na talaga ako sa room..
"Actually pupunta ako sa library, kasi may naiwan ako." sabi ko lang yun! Hindi nga ako nagpupunta ng library eh.
"Really? Dala ko yung library book ni Shalyna. Pinapasoli na niya sa akin. Nalimutan ko na nga na dala ko pala.""Nakalimutan ko rin! Pupunta nga pala ako sa cafeteria. Parang narinig ko si Mrs. Valderama kanina.. sinasabi niya sa akin na may cafeteria duty yata ako.""Tutulungan kita kung gusto mo."
Ano ba naman itong lalaking ito? Hindi ba siya nakakahalata na umiiwas ako?
"Thanks.. pero... pupunta muna ako sa CR ng BABAE." ngayon ewan ko lang kung makasama ka pa sa akin sa loob.
"Sige pala.. hintayin kita sa labas."
Grrrr! Sabi nga nila, may own ways daw ang guys. I guessed it's proven.
Nagpakatagal talaga ako doon sa loob ng CR para naman mapagod siya sa kakahintay. Kaya lang nag-alarm naman na at kailangan ko rin namang lumabas.
Pagsilip ko at ulo ko lang ang nilabas ko, wala na siya doon. Aba, napagod yata! Yehey!
"Are you looking for me?" kinalabit niya ako sa likod ko.
"Yes.. uhm.. no.. yes.." nakakainis naman!
Ngumiti lang siya sa akin at sinabayan nga niya akong maglakad hanggang sa classroom namin. Nagkatinginan pa nga yung mga classmates namin dahil kasama ko ang nag-iisang CHESTER ng Sports Curriculum. May mga meaning nga yung mga tingin eh. Hindi ko lang mawari kung ano.
Laking pasasalamat ko talaga nung humiwalay din siya sa akin para umupo siya sa desk niya at ako naman eh sa bandang likuran. Si Ash eh nakatingin lang sa akin pero walang sinabi.
After that... nagklase na kami.
Hindi naman dumating yung Physics teacher namin nung second period at wala ring substitute na dumating kaya may free period kami. Breaktime naman na ang next dito kaya didiretso na lang ako sa cafeteria. Pero katulad nga ng dati, niyaya naman ako ni Ash.