***12***
Ang sakit ng ulo ko nung magising ako. Pakiramdam ko ilang araw na akong nakahiga. Medyo blurry pa yung paningin ko nun kaya inangat ko yung sarili ko gamit yung siko ko. Pagdilat ko ng mata ko...
"Are you alright?"
"Aaaaahhhhh!" WAPPAAAAAKK!
Ganun talaga yung tunog eh no? Nasampal ko tuloy siya. Tama bang ilapit yung mukha niya ng ganun sa akin. Nahulog tuloy siya doon sa kama at hawak niya yung pisngi niya.
"Ang sakit nun ah! Bakit mo ko sinampal?" unti-unti na siyang tumayo.
"Bakit naman nilapit mo yung mukha mo sa akin? Ikaw ba naman kagigising mo tapos may bubungad sa 'yong mukha hindi ka mag-panic?" tumingin ako dun sa gilid, "Nasan ako?"
"Hospital. Actually, nasa clinic ka kanina. Kaya lang naisip nila baka may head concussion ka na kaya dinala ka dito. So far nung tinanong ko yung doctor kanina, ang sinabi lang niya na naintindihan ko eh... cells, tissues, head, brain, x-ray, test saka... she'll be fine. Kaya ayun.. ok ka lang?"
Paisa-isang word lang pala naintindihan niya eh!
"Yeah. Pero masakit yung gilid ng ulo ko." hinawakan ko, may bandage! "Ano 'to?"
"Bandage. Dumugo nga yan kanina eh! Hapon na, kanina pa ko nandito. Hindi na ko umattend ng klase.."
Awww... that is so...
"WRONG!" nyek, parang hindi yun yung sasabihin ko.
"Huh?!?" nagulat siya sa akin.
"Bakit nandito ka? Dapat pumasok ka. Parang ikaw pa ang nagkaroon ng brain damage!"
"Hoy, kahit hindi ka naman binato ni Shalyna ng baseball.. malaki na yung brain damage mo. Actually, itetest ka nila. Kung ok yung vision mo, pati verbal communication.. mga ganun. Kapag pumasa ka, ok naman. May X-Ray ka nga eh. Gusto mo makita skull mo?"
"Ayoko. Uuwi na ko."
Tinanggal ko yung nakalagay sa akin. Tumayo ako.
"Hey.. TUMAWAG KAYO NG DOCTOR!! MALAKI YUNG BRAIN DAMAGE NG PATIENT DITO!!!"
Nagsisisigaw ba naman. Kabwisit na 'to! Ok naman ako eh. Obvious ba?
"Ayos na ako. Magkakabukol ng ako siguro pero ok lang. Dati rin nung nauntog ako sa bahay namin, nahilo ako pero wala namang nangyari sa akin." naalala ko na naman yung araw na yun, "Ganun yata kapag naaalog utak mo eh!" pabiro ko naman sinabi.
Ganun ba yun?
Dahil ayaw akong paalisin ni Ash doon, naupo ako hanggang sa dumating yung doctor. Alam na rin nila Taty at Kuya sa bahay pero hindi na sila nagpunta dahil alam naman nila na magiging ok na ako.
Nagkaroon ng simple test sa akin. Sabi nung doctor eh sundan ko raw ng tingin ko yung kamay niya.. tapos panay ang tanong niya sa akin. So far, nasagot ko naman at nasundan ko yung pinagsasasabi niya. Nagsulat lang siya ng nagsulat ng kung ano.
Pinauwi na rin naman ako. Sabi sa amin in case daw na may maramdaman akong kung ano o kaya magsuka daw ako uli, sabihin daw kaagad sa kanila at baka may serious damage daw. Ikaw ba naman batuhin nun! Ang tigas-tigas ng bola ng baseball.
As usual, si Ash na naman ang naghatid sa akin. Nagiging habit na nga niya eh. Kung wala lang naman sa rules na kailangan ihatid niya ako, hindi naman ako papayag. Huminto na naman siya sa tapat ng gate.
"Hey.. thanks nga pala ah."
"You're not welcome. Pero mabait ako kaya yun.."
"Ganun?!?" hinampas ko pero mahina lang, "Umuwi ka na nga."