***13***
Pinipigilan kong tumawa nun. Grabe naman kaseryoso si Ash. Konti na lang talaga maniniwala na ako eh! Ang galing mag-joke.
"Ayos ka tsong! Pwede ka na sa Theater. Konting-konti na lang talaga muntik na kong maniwala.." nagsimula na rin akong maglakad nun.
"But... never mind." sumabay na lang din siya sa akin.
Nakita ko naman si Shalyna na mag-isa sa graden. Kasama niya rin yung ibang kabarkada niya kaya lang hindi rin naman siya kinaausap.
"Dapat mag-sorry ka sa kanya," sabi ko kay Ash nung dumadaan kami, "Personal items niya yun, kahit ako naman mapapahiya."
"Ako magso-sorry? Sa kanya? Hindi no. Ayoko nga! Tingnan mo nga yung ginawa niya sa 'yo???"
Tinignan ko naman siya. Huminto rin.
"Yeah, ok.. may ginawa nga siya. Nangyari na yun hindi na mababalik. BIG DEAL! Pero mag-sorry ka pa rin.."
Mukhang ayaw pa rin niya pero tinulak ko siya. Nag-lean siya doon sa railings at bigla na lang tinaas ni Shalyna yung ulo niya. Namumula na nga yung ilong niya nun eh.
"Shalyna.. err... I uh... I'm sorry. Halos lahat ng nangyari sa araw na ito ako yung may gawa. I don't know what I'm thinking.. I'm really sorry."
Nakita kong medyo ngumiti siya kahit na umiiyak pa rin.
"Thanks Ash, you're so sweet." tapos tumingin siya sa akin dahil nasa likod ako ni Ash, "Pero kung nag-sorry ka dahil sinabi niya, bawiin mo na lang."
"Actually, sinabi nga niya.. pero hindi ko babawiin. Magagalit siya sa akin kapag hindi ako nag-sorry."
Inirapan lang ako ni Shalyna at tumalikod na rin. Si Ash naman eh humarap na sa akin at tinaas yung dalawang balikat niya na para bang sinasabing.. 'I tried!'
May naisip naman akong ewan ko kung saan nanggaling...
"Shalyna.." tama siguro yun, "Alam ko maraming nangyari sa iyo para sa simpleng pagbato mo sa akin.."
Tinignan ko ng masama si Ash nung nag-comment ba naman ng 'Simple?!?'
"Kung gusto mo..." lumingon ako kay Ash pero hindi siya nakatingin, "Sumama ka sa amin sa Saturday. Double-date. Ayoko rin naman ng three-some."
Narinig yata ni Ash eh..
"WHAT?!?" humawak siya sa wrist ko, "Tell me you didn't invite her!"
Hindi ko pinansin si Ash. Ang OA talaga niya no?
"Ikaw na pumili kung sino. Chester or Ash."
Sa wakas, lumingon uli si Shalyna sa direksiyon namin. Mukhang mas ok na ang expression ng mukha niya ngayon.
"Ash."
Halata kong asar na asar na si Ash. Wala na siyang magagawa. Binulungan ko siya ng.. 'Makisakay ka na lang. 'Di ba ang gusto mo eh magkagusto siya sa 'yo para ikaw naman ang gagawa nun sa kanya? Mukhang interesado naman eh!'
Isang masamang tingin galing kay Ash, tapos sinabi niyang.
"Saturday night Shalyna, susunduin kita sa inyo."
***
The next few days, medyo ok na yung pakiramdam ko sa ulo ko. Medyo masakita pa rin at nahilo ako ng isang beses pero wala naman na yun. Siguro dahil sa kakahawak ko lang.
Pinayagan na rin akong maki-practice ni Ash sa kanila pero yung mga simple lang ang pinagagawa niya sa akin. Ayaw daw niya na mag-practice ako ng mga complicated hanggang may bandage pa ako sa ulo. Kapag wala na yun, sisimulan na uli namin yung 900.