Prologue

21 5 0
                                    


"Who are you?" Aspen

"I-I'm I'm- " nauutal na sabi ng babae

"Wait parang kilala kita... Diba ikaw si Bianca Hamilton sa HU?" paniniguradong tanong ni Aspen.

Familiar kasi siya saakin, pero ang ipinagtataka ko lang kung bakit siya nandito sa ospital dito sa probinsya.

"Huh? Bianca?" naguguluhang tanong ng babae

"Oo, teka anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa France ka ngayon?" sabi ni Aspen

"Bianca ang pangalan ko?" paniniguro pa ng babae

"Teka hindi mo ba alam?"

"Hindi, basta ang sabi nalang ng matanda kanina na nagpakilalang lola ko daw ay Nika ang pangalan ko" inosenteng sabi ni Nika kay Aspen

"Siguro nga, pasensya na napagkamalan tuloy kitang si Bianca" sabi ni Aspen sabay kamot sa batok niya.

"Ano nga palang name mo? Kanina pa kita kausap pero hindi ko alam pangalan mo" tanong ni Nika ng nakangiti.

"Aspen Rogers" sabay abot ng kanang kamay ni Aspen kay Nika

Aspen Rogers? Hmm... parang narinig ko na yan kung saan ah...

"Ang ganda naman ng name mo" malawak ang ngiting sabi ni Nika kay Aspen


Nag-usap ang dalawa sa garden ng ospital habang hinihintay ni Nika ang kanyang lola na nagbayad ng kanyang hospital bills. Hindi din nagtagal dumating na rin ang lola ni Nika at inaya itong umuwi na dahil baka sila ay magabihan sa daan. Nag pasalamat naman ang lola ni Nika kay Aspen dahil sa pag sama nito sakanya habang siya ay wala. Hindi naglaon ay umalis na sina Nika at naiwan si Aspen sa garden at sa hindi inaasahang makita ay nakita niya ang panyo Nika na paniguradong nahulog nito kanina, nang ibabalik niya na sana ang panyo ay hindi niya sinasadyang mabasa ang tatlong letra na nakalagay sa panyo, ito ay...


B.N.H.


>>>>>>>>>

Hi! kumusta naman ang aking prologue? maikli lang ang nagawa ko kasi gabi na at may pasok pa ako bukas, pero huwag kayong mag alala kasi gabi-gabi akong mag tatype at diretso publish agad para mabilis lang tayo :) kahit may typos na basta makapublish  Ahahahaha.

Anyway gusto ko lang mag hello sa aking friend na si @IvonnieJeagger, thank you sa support at votes mo sa aking mga story.. so yun sana mabasa mo rin to, kahit nosebleed ka sa tagalog ahahahahaha charr and hi ulit kay pare koooo :)

VOTE and COMMENT BELOOOOW!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Behind Those SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon