Chap. 9

10.5K 295 8
                                    

Chap. 9

PAGTUUNAN MUNA NATIN NG PANSIN ANG BUHAY NI LILAC.

Ilang araw ang nagdaan mula ng mapaniwala ang mga magulang ni Lilac na s’ya ay patay na. Pati ang mga magulang ni Indigo ay nakaramdam din ng matinding lungkot. Gayun pa man wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat.

Sa loob ng hacienda Montreal, napagpasyahan ng mag-asawa na manatili na lamang si Lilac sa loob ng bahay.

 “Celeste, dito ka lang sa loob ng bahay. H’wag kang pupunta kung saan saan. Hindi mo kabisado ang hacienda. Kung meron kang papasyalan; puntahan mo na lang kami doon taniman ng mga bulaklak.”

Paalala ni Aling Alicia.

“Opo.” Sagot ni Lilac.

Nang makaalis ang mga matanda, nagsimulang naglinis ng bahay si Lilac. Nagluto ng makakain..nang may dumating..

“Aling Alicia..Aling Alicia...” boses ng isang lalaki ang humahanap sa matandang babae. Kaya dumungaw si Lilac sa bintana.

“Sino po sila?” Gulat si Lilac nang makita si Gabriel.

“Magandang araw, nandyan ba si Aling Alicia?”

 “Wala ho sila dito. Pumunta na po sila sa trabaho.”

“Ganun ba? Pwede ba kitang makausap sandali?”

- Gabriel

Lumabas si Lilac at pinapasok sa loob ng bahay si Gabriel. Naupo si Lilac sa isang silya; ganun din si Gabriel.

“Ako nga pala si Gabriel Montreal. Ako ang nagpapatakbo ng Hacienda. Pamangkin ka pala ng dalawang matanda. Matagal na sila dito; at malapit ang dalawang matanda sa akin. Ngunit ni minsan wala silang nabanggit na may kamag-anak sila sa Santa Catalina.”

-Gabriel

Napayuko si Lilac, pilit n’yang iniisip kung anong isasagot n’ya sa lalaki kung sakaling magtatanong ito ng mga bagay bagay na hindi n’ya alam.

“Ano nga uli ang pangalan mo?”

“Celeste po.”

“Gabby ang itawag mo sa akin. Hindi naman siguro magkalayo ang ating edad.” Ngumiti si Gabriel kay Lilac. Napilitan din si Lilac na ngumiti.

“Bueno, hindi na ako magtatagal. Kung gusto mong magtrabaho sumama ka na lang sa mga matatanda.” Agad tumayo si Gabriel. Ngunit bago ito umalis..

A PIECE OF YOUWhere stories live. Discover now