Cont. ng Chap. 24

7.7K 226 20
                                    

"Sumusobra ka na Andrew!" Lalapit na rin sana ang ama ni Indigo para suntukin ang ama ni Lilac. Buti na lang at napigilan ng kanilang mga asawa.

"Pagsabihan mo ang anak mo Mauve. Ayaw kong makalapit s'ya sa anak ko. Kung ano ang meron sila noon na wala ngayon..kasalanan n'ya 'yon! Sinayang na ang panahon. At hindi ako makakapayag na saktan n'yang muli si Lilac." - Mr. Villaviste.

"Mahal parin ako ni Lilac." Sagot ni Indigo.

"Tumigil ka! Akala mo ibibigay ko si Lilac sa 'yo. Hindi na. Bakit? hindi ba't sumama ka sa ibang babae. Kasama mo pa nga hanggang ngayon. Ayaw kong dungisan mo ang pagkatao ng anak ko!" - Mr. Villaviste

"Dad, tama na.." Umiiyak na si Lilac.

"You..get inside..." Nanlilisik sa galit ang ama ni Lilac.

Agad hinawakan ni Indigo ang kamay ni Lilac..pinigilan ito.

Hinila naman palabas ng gate si Indigo ng mga magulang n'ya.

Nagsisigaw si Indigo..

Lilac!!

Agad sinaraduhan ang gate ni Inday.

"Dad, I'm going to take her..We'll run away!" Parang hindi nauunawaan ni Indigo ang sinasabi n'ya.

BOG

BOG

Dalawang suntok ang binitawan ng ama ni Indigo.

"Are you out of your mind? Tama naman si Tito Andrew mo. Sasaktan mo lang rin si Lilac. Paano mo masasabi na mahal mo s'ya kung ibang babae ang kasama mo! Istupido!"

Napabuntong hininga si Indigo.

"At isa pa, hindi ganun kadali ang kumalas ka sa isang mahabang relasyon..Indigo, hindi damit si Vanessa na kapag sawa ka na itatapon mo! Anong klaseng pag-iisip ang meron ka?!" Muling sinuntok ng ama si Indigo.

BOG

"Anak, hindi biro ang pinasukan mo..marami na ang nangyari..Please for Pete's Sake! h'wag mo nang pilitin pang ibalik si Lilac sa buhay mo..GIVE HER PEACE!"

Sigaw ng ina ni Indigo.

Naupo sa gilid ng daan si Indigo..Inisip n'ya sana hindi n'ya nalang iniuwi si Lilac..sana tinakasan na lang nila ang LAHAT LAHAT.

------------------------------------------

Sa loob ng pamamahay nina Lilac..

"Lilac, iwasan mo si Indigo.. Alam mo ba ang ginawa n'ya sa 'yo noon..SINAKTAN KA N'YA NG PAULIT ULIT. HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAKIPAGRELASYON KANG MULI SA KANYA. PWEDE KANG UMIBIG NG IBA H'WAG SA LALAKING 'YON. DAHIL KUNG PIPILITIN MO ANG SARILI MO SA KANYA..MAPAPATAY KO NA S'YA!

APAT NA TAON KAMING HALOS MABALIW NG INA MO NANG MAWALA KA. DAHIL SA MALING PAGMAMAHAL MO SA KANYA. SINISI KO ANG SARILI KO DAHIL SINUNOD KO ANG GUSTO MO..

NGAYON, AKO NA ANG MASUSUNOD!"

Damang dama ni Lilac ang galit ng ama.

"Lilac, pakinggan mo naman kami ng ama mo..maawa ka naman sa amin." Singit ng kanyang ina.

Nagtatalo ang utak ni Lilac. Paano nya mapaghigantihan si Vanessa ngayong ayaw ng kanyang mga magulang na lumapit s'ya kay Indigo?

-------------------------------------------

Naging mahigpit na ama ni Lilac. Pinaghigpitan na ang mga bisitang pupunta sa kanilang pamamahay.

Lumipas ang isang buwan...sa bahay nina Indigo at Vanessa..

"Ahhhhh! Ahhhh! ang sakit!!! Aray...!!!" namimilipit sa sakit ng puson si Vanessa.

Halos nandidilim ang kanyang mga paningin. Nahihirapan s'yang pumunta sa medicine cabinet..Pinilit n'yang mahanap ang pain reliever tablet.

Pinapawisan s'ya ng husto.

"Ano 'tong nangyayari sa akin? Tumitindi na ang sakit ng puson ko, kahit katatapos lang ng buwanang dalaw ko."

Tanong ni Vanessa sa sarili.

Nagpahinga ng sandali si Vanessa. At pagkalipas ng ilang oras..naisipan n'yang pumunta ng hospital.

Agad naman s'yang sinuri..

"Maam, base po sa ultrasound at x-ray..meron po akong nakikita na may fibroids ang inyong uterus. Ito po ay kinakailangang maagapan sa madaling panahon. At kailangan ninyong maoperahan dahil malaki po ang bukol at baka lumala."

Nayanig ang mundo ni Vanessa matapos marinig ang sinabi ng doktor..

"Pero hindi po ba't mahihirapan na akong magbuntis kung sakaling maoperahan ako?"

-Vanessa

"Oo..pero mahirap din ang magbuntis kung mayroong tumutubo sa inyong matris."

-Doktor

Napaiyak si Vanessa..Paano n'ya maipapaliwanag kay Indigo ang nangyayari sa kanya. Natatakot s'yang iwanan nito at masisira ang kanyang plano. Mas lalong ayaw n'yang maisip na baka iiwan s'ya ni Indigo at ipagpapalit kay Lilac.

"No, I must do something...Kailangan makasal ako kay Indigo..Hindi dapat ako matatalo ni Lilac! Anong gagawin ko?"

-Vanessa

Habang palabas si Vanessa sa hospital naglalaro ang kanyang isipan. Napaupo s'ya ng sandali sa isang bench. Nakikita n'ya ang isang doctor na nakaupo sa kabilang bench.

"What 2 million!. Bigyan mo pa ako ng kaunting palugit. Babayaran ko 'yang utang na 'yan. Oo, pangako."

Rinig ni Vanessa ang usapang 'yon. Napangiti si Vanessa. Napaisip s'ya ng isang bagay..

Lumapit s'ya sa doktor at nagpakilala..

"Hi, I'm Vanessa Andremante. I heard about your problem."

Nabasa ni Vanessa ang pangalan ng doktor sa name plate nito.. Dr. Vince Crusso.

Nagulat ang doktor sa sinabi ni Vanessa.

"Gusto mong tulungan kita? Pero kailangan ko rin ng tulong mo.."

"I'm sorry. Pero hindi kita kilala.." Aalis na sana ang doktor nang..

"I'll give you 2 million in cash..kung tutulungan mo ako."

Napakunot ang noo ng doktor..

" Gusto kong bigyan mo ako ng maling resulta na nagsasaad na ako ay BUNTIS."

-Vanessa

"Bakit naman?"

Doktor

"Wala kang pakialam kung saan ko gagamitin..take it or leave it." - Vanessa

Napaisip ang doktor.

------------------------------------------

LOLA VANESSA KAHIT MAY SAKIT GO NG GO!!

A PIECE OF YOUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora