Chap. 15

9.2K 300 6
                                    

Chap. 15

Inihanda ni Aling Alicia at Mang Minong ang kanilang sarili upang sumama kay Gabriel upang ihatid si Lilac.

“Celeste, anak..mag-iingat ka..tumawag ka naman sa amin ng tatay Minong mo. H’wag mong ilagay ang batas sa kamay mo. Kung maaring mga pulis na lamang ang huhuli sa babaeng ‘yon..h’wag mong hayaan nadumihan ang kamay mo.”

Mangiyak ngiyak ang matandang babae.

“Nay, h’wag kayong mag-alala..kaya ko po ang sarili ko. Basta sa oras na kailangan ko na ang tistigo..lumabas ho kayo.” Sabi ni Lilac sa dalawang matanda.

At napayakap silang tatlo.

“Lilac, heto ang cell phone. Nakalagay na d’yan ang numero namin ni Edwardo. H’wag mong kalimutan ang bilin ko sa ‘yo..SA ORAS NA MAGTAGPO KAYO NI VANESSA; DOBLE INGAT ANG GAGAWIN MO. ALAM KONG MATATAKOT S’YA SA ‘YO. AT GAGAWA NG S’YA NG PANIBAGONG HAKBANG. TAWAGAN MO AGAD AKO; SASAMAHAN KITA.”

-Gabriel

“Gabby, maraming salamat sa lahat ng tulong mo. Sa inyong lahat. Binago n’yo ang pagkatao ko.”

Niyakap ni Lilac si Gabriel. Tapos si Edwardo.

Sumakay sila sa van na naghihintay. Malayo ang kanilang biniyahe bago marating ang isang Exclusive Village na kung saan ang bahay nina Lilac matatagpuan. Nagsisimula ng pumatak ang ulan.

“Lilac, hanggang dito lang kami. Pumunta ka na doon sa Village na ‘yon. Wala dapat makakita sa amin na kami ang naghatid sa ’yo. Pagmagtatanong ang mga Guard sa ‘yo ng Village..Sabihin mo makikipagkita ka kay MR. and Mrs VILLAVISTE.. heto ang uniporme na kinopya namin sa Kompanya ng ama mo. Kasama na rin ang ID na ipapakita mo doon sa Guard. Suotin mo na at pumasok doon.” Utos ni Gabriel.

Bago lumabas ng sasakyan si Lilac muli n’yang niyakap si Gabriel.

“Mag-iingat ka, Lilac.” - Gabriel

“Oo. Salamat.” - Lilac

Lumabas si Lilac at simulang tinahak ang daan papuntang Guard House ng Village.

“Magandang araw po, Ano po ang sadya n’yo dito sa loob ng Village?” Tanong ng guard kay Lilac.

“Ahmm..makikipagkita po ako kay Mr. and Mrs.Villaviste” Kampante lamang si Lilac na sinagot ang guard.

Tumawag naman ang isang guard sa pamamahay ng mga Villaviste. Mabuti na lamang at isang katulong ang nakasagot.

A PIECE OF YOUWhere stories live. Discover now