Chap. 12

8.7K 273 15
                                    

Chap. 12 GABRIEL

Habang tumatagal, lalong nagiging maliksi si Lilac sa kanyang pagsasanay. Madalas rin s’yang dinadalaw nina Edwardo at Gabriel. Minsan..

“’Nay Alicia, meron po akong itatanong sa inyo. Bakit ho namatay ang kapatid ni Gabriel?”

“Namatay si Galvin sa isang aksidente. Saksi si Gabriel nang mamatay ang kanyang Kuya. Sinusundan kasi n’ya si Galvin nung gabing nangyari ang aksidente. Ayon kay Gabriel hinahabol daw ni Galvin si Vanessa Andremante. Mahal na mahal ni Galvin si Vanessa. Nung mabalitaan ni Galvin na magtatanan si Vanessa at ‘yong nobyo; pinigilan ni Galvin. Eh, kaso nauwi sa trahedya.”

“Bakit naman po sinisisi ni Gabriel si Vanessa sa nangyari; kung isang aksidente lamang ‘yon?”

“Ayon kay Gabriel, nakita daw n’yang may itinapon na bote si Vanessa kay Galvin; habang sinasabayan nito ang pagtakbo ng kotse ni Vanessa. Nagkataon na nakamotocycle lamang si Galvin; kaya tumama ang bote kay Galvin dahilan nagulat ito at nawala sa kontrol kaya sumalpok sa papalapit na Jeep.”

Habang nakikinig si Lilac sa kwento ng matanda; lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

“Iha, bakit ka umiiyak?” Tanong ni Aling Alicia.

“Hindi ko ho kasi nabalitaan ang pagkamatay ni Galvin.” May lungkot na makikita sa mga reaksyon ni Lilac.

“’Yon din ang dahilan kaya galit na galit si Gabriel kay Vanessa. Kaya umuwi s’ya ng Amerika noon. At pagbalik n’ya nagulat kami sa bagong pagkatao n’ya. At si Edwardo..naging kasama n’ya nang bumalik dito. Si Edwardo ang kaibigan ng Kuya n’ya. Matalik na kaibigan ni Galvin. Si Edwardo ang nagboluntaryong samahan si Gabriel.”

“Wala bang kamag-anak si Edwardo? Kasi napansin ko, tila walang inaalala eh. Tila si Gabriel lang ang kasakasama n’ya.”

“Naku, Celeste ang tagal mo na dito..bulag ka parin sa paligid mo. Buksan mo nga ‘yang mga mata mo.” Sa sinabi ng matanda; hindi maunawaan ni Lilac ang tinutukoy nito.

--------------------------------------------

Minsan, dumating sina Gabriel at Edwardo. Napansin ni Lilac na tila walang imikan ang dalawa. Tila may tampuhan o may hindi pinagkaunawaan sa isa’t isa. Tahimik lamang na pinagmamasdan ni Lilac sina Gabriel.

“Lilac, ihanda mo na ang sarili mo. Malapit ka nang bumalik sa inyo.” Sabi ni Gabriel.

“Oo nga. Excited na akong makabalik sa amin.” Sagot ni Lilac habang nakatingin sa dalawa. Nanatiling tahimik si Edwardo.

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon