JTWUR - Chap. 17

5.8K 181 13
                                    

Chap. 17

Sa loob ng silid mistulang hindi dinadalaw ng antok si Gabby. Bawat taong pumapasok sa loob ng silid ; ay di n’ya magawang kausapin.

“Mama...” tawag ng bata.

“Anak, kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang tiyan mo? Nagugutom ka ba?”

“Opo.”

Kumuha ng makakain si Gabby. Sinubuan nito ang anak. Habang pinapakain ang bata; hindi namamalayan ni Gabby na tumutulo ang kanyang luha. Walang tigil sa pagluha si Gabby.

“Mama, bakit ka umiiyak?”

Napahinto si Gabby..Pinunasan nito ang kanyang luha.

“Anak, kasi akala ko napano ka na eh..”

“I’m ok now.” Sabi ng anak ni Gabby. Sabay hawak sa kamay ni Gabby na tila pinapanatag nito ang loob ng kanyang ina.

“Sige kumain ka ng marami. Para lumakas ka. Ayaw mong tumagal dito, hindi ba?”

“Opo.”

Biglang pumasok sa loob si Debbie.

“Maam..may tawag po para kay Gerry..” Halatang natatakot si Debbie sa mga titig ni Gabby.

Agad inabot ni Debbie ang cell phone kay Gerry..

“Hello?”

( Gerry, this is Papa. How are you? )

“I’m okay. Hindi mo po ba ako dadalawin dito?”

 ( Anak, gustong gusto kita makita...pero hindi pwede eh.. )

Nagsisimulang mabasag ang boses ni Edwardo sa kabilang linya.

“Are you crying? Mama is crying, too.”

( Ba’t naman s’ya umiiyak? Sabihin mong h’wag s’yang umiyak. )

Batid ni Edwardo na alam na ni Gabby ang totoo.

“Gusto mong kausapin si Mama?”

Biglang inagaw ni Gabby ang cell phone sa bata at...

“Hayop ka! Nasaan ka? Magpakita ka sa akin. Harapin mo ako..H’WAG KANG MAGTAGO! SINIRA MO ANG BUHAY KO!!! ”

Hindi napigilan ni Gabby ang galit..napaiyak s’ya ng husto sa harap ng anak. Natakot naman ang bata sa narinig nito..Biglang umiyak si Gerry.

WAAAAAAAA...WAAAAAA...

Agad pumasok sina Anthony at Rosario. Narinig din nila sa labas ang sigaw ni Gabby at ang iyak ng bata.

Hindi natiis ni Gabby ang pag-iyak ni Gerry. Kaya s’ya lumabas. Sinundan naman s’ya ni Anthony.

“Gabby, saan ka pupunta?” Hinila ni Anthony si Gabby.

“Pwede ba Anthony, magulo ang isip ko ngayon. Lubayan mo muna ako.”

“Gabby, alam kong galit ka kay Edwardo. Pwede ba, huminahon ka muna.”

“Shut Up! Hindi mo nararamdaman ang sakit...KAYA PWEDE BA, IWAN MO MUNA AKO.” Mabilis umalis si Gabby. Sumakay s’ya sa kanyang kotse. Hindi na nagawang sundan ni Anthony si Gabby.

“Humanda ka Edwardo..magtutuos tayo. Sisiguraduhin kong gagapang ka.”

Habang nagmamaneho si Gabby hindi n’ya alintana ang lakas ng ulan. Malalim ang kanyang iniisip. Iniisip n’ya kung ano ang kanyang gagawin kung sakaling maghaharap sila ni Edwardo.

Napahinto si Gabby sa gilid ng daan. Napasabunot s’ya ng buhok sa sobrang inis. Gusto n’yang makaharap si Edwardo sa madaling panahon.

---------------------------------------------------

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon