Chapter 1

33 1 0
                                    

"Mocha coffee for Miss Pretty!" pag agaw ng attention ng waiter kay Reińe na kasalukuyang lumilipad na naman ang isip habang nakasulyap sa labas ng coffee shop.

"Thank you." nginitian niya ito. Halos kilala na siya ng lahat ng crew sa coffee shop na ito dahil madalas siya ritong tumatambay kapag gusto niyang mag relax. Hindi naman kasi siya umiinom ng mga alcoholic drinks kaya kapag gusto niyang mag-unwind o magrelax, coffee shop ang pinupuntahan niya. Ika nga, Coffee is life! Habang iniinom ang kanyang kape ay busy rin siya sa panunuod sa mga taong naglalakad sa daan. Ewan niya ba kung bakit pero natutuwa siyang pagmasdan ang kung anu-anomang pinaggagawa nila habang naglalakad and somehow it makes her calm inside kapag stress siya sa life.

Kasalukuyan niya ngayong hinihintay ang kanyang bestfriend na si Ken. May usapan kasi sila na magkikita ngayong araw dahil matagal na rin noong huli silang nakapagbonding na sila lang dalawa. Busy kasi silang pareho sa kanya-kanyang mga trabaho. Samahan pa ng pagiging colorful ng lovelife ni Ken kaya madalang lang talaga silang magkita. Pero hindi naman sila nawawalan ng communication sa isa't-isa kaya kahit papano ay updated pa rin sila sa kanya-kanyang buhay.

Sa edad niyang 27 anyos ay kinukulit na siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan kung kailan nga ba siya may ipapakilala sa kanila na boyfriend niya. Kung ano naman kasing ikinakulay ng lovelife ni Ken ay siya namang pagka boring ng sa kanya. Tinukso pa nga siya nito noon na natalbugan na raw nito ang kanyang beauty dahil nakailang jowa na siya pero si ate mong Reińe ay dakilang NBSB pa rin.

Binabalewala lang din naman niya ito dahil para sa kanya hindi minamadali ang mga ganyang bagay. Naniniwala kasi siya na kusang darating si Mr. Right sa buhay niya nang hindi niya hinahanap. Ang ultimate motto niya sa life? "Everything happens for a reason", so kung may nakatadhana man sa kanya, darating at darating yung taong yun sa ayaw at sa gusto man niya at kung nakatadhana naman na tumandang dalaga siya ay okay lang din naman sa kanya. Minsan nga naisip niya na kung hindi nga lang bawal sa management ng condo kung saan siya nakabili ng unit niya eh matagal na siyang bumili ng aso para may kasama naman siya. Naiinggit kasi siya sa mga nakikita niya sa social media kung saan close na close ng mga ito ang kanilang mga aso na para na talaga nila itong mga totoong anak. Gusto niya rin ng ganun para training ground na rin niya kung sakaling magkaroon siya ng baby in the future. Nabasa kasi niya sa isang site na ang isang paraan daw para maging affectionate kang tao ay ang pag-alaga ng aso. O diba, ang advance niyang mag-isip? Wala pa siyang boyfriend pero pinaghahandaan na niya ang pagkakaroon ng baby.

Nagtatrabaho si Reińe bilang isang head accountant ng isang malaking kompanya sa Davao City. May sarili siyang condo at sasakyan at kung titingnan, siya ang perfect example ng isang "strong and independent woman". Mag-isa lang siya dito sa Davao dahil ang kanyang pamilya ay nasa kanilang probinsya. Sa isang buwan ay halos isang beses lamang siya kung makauwi sa kanila at kung minsan hindi talaga dahil na rin sa tambak ng kanyang trabaho. Tanging si Ken lamang ang matalik niyang kaibigan na nandito rin sa Davao dahil ang iba nilang mga kaibigan ay nasa iba't-ibang sulok rin ng Pilipinas naghahanapbuhay.

Speaking of Ken, medyo naiinip na siya dahil halos 30 minutes na itong late. Ang usapan kasi ay alas 3 ng hapon sila magkikita para hindi na masyadong mainit sa labas. Maarte kasi masyado itong si Ken kaya para walang gulo sumunod nalang si Reińe sa gusto nito. Pero heto siya ngayon, halos paubos na ang kapeng inorder niya pero ang magaling niyang kaibigan ay hindi pa rin dumarating.

Malapit ng mag alas 4 ng hapun. Ayaw din naman niya itong itext o tawagan dahil sa kadahilanang... tinatamad lang siya. Para pampalipas ng oras ay kinuha nalang ni Reińe ang kanyang phone at nagsimulang maghanap ng magagandang kanta sa Spotify, music lover din kasi siya. Pagkatapos niyang mapili ang gusto niyang playlist ay binuksan niya naman ang kanyang Wattpad app para magbasa ng mga lovestory habang nakikinig ng music. Kung hindi niyo kasi naitatanong, si Reine ay isang dakilang hopeless romantic kaya mahilig siyang magbasa ng mga happy ending stories sa wattpad.

Just Another (Weh)MAN(?) InloveWhere stories live. Discover now