Chapter 6

1 1 0
                                    

Paggising pa lang ni Reine ay kakaiba na agad ang ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi. Today is her 28th birthday! Maaga siyang gumising dahil gusto niyang simulan ang araw na ito sa pamamagitan ng pag simba. Feeling niya kasi ay ang daming blessings na ibinuhos si Lord sa kanya throughout the year, so why not give thanks to all of it.

Pagbaba niya ay naghahanda na ang kanyang ina ng kanilang almusal.
"Good morining, Ma!" bati niya rito.

Lumingon rin naman agad ito sa kanya.
"Morning din, anak! Happy birthday!" malambing na bati nito sa kanya sabay yakap. "Bihis na bihis ka ata?" nagtatakang tanong nito. Wala pa kasing alas 7 ng umaga.

"Magsisimba po kasi ako." sagot naman niya.

"Ah mabuti yan.. O sya umupo ka na at kakain na tayo." aya nito sa kanya. Hindi tumagal ay dumating na rin ang kanyang papa at kapatid sa hapag kainan at binati siya.

"Happy birthday, Ate!" masiglang bati ng kanyang kapatid.

"Happy birthday, anak!" bati naman ng kanyang Papa. "Ano bang plano mo ngayong araw?" tanong nito sa kanya.

"Wala naman po. Gusto ko lang po ng simpleng dinner mamaya kasama kayong lahat." nakangiting sagot.

Naalala niya nung maliliit pa lang silang magkakapatid, kapag birthday nila ay nanghuhuli ang Papa niya ng mga alaga nitong native na manok para may panghanda sila. At sa simpleng bagay na yun ay masaya na siya. Ramdam niya ang pagmamahal ng Papa niya sa kanila. Hindi naman kasi sila mayaman at simple lang ang kanilang pamumuhay. Isang magsasaka ang papa niya at may iba't-ibang klaseng hayop na alaga ito na nakakatulong din sa kanyang pagsasaka sa sarili nilang lupa.

"Okay. Hindi ka ba mag-iimbita ng mga kaibigan?" tanong naman nito.

"Hindi na, Pa. Alam niyo namang tamad na tamad akong mag-entertain ng mga bisita." natatawang sagot naman niya.

"Hay naku bata ka. Makipaghalubilo ka naman sa ibang tao, anak. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh." sabat naman ng nanay niya.

"Tumpak kayo dyan, Ma!" sabat naman ng kanyang kapatid.

Naparoll eyes nalang siya. Napapakanta tuloy siya sa kanyang isip ng Ikot-Ikot ni Sarah G, 🎶"Heto na naman tayo...." Wala talagang usapan na nangyayari na hindi nasisingit ang topic na boyfriend na yan! Napa-sigh nalang siya sa isip.

"Mama, birthday ko ngayon kaya pass muna sa usapang boyfriend na yan." sabi nalang niya.

Pagkatapos niyang magsimba ay umuwi rin naman siya kaagad sa kanilang bahay. Kahapon pa siya nandito dahil nagsimula na ang kanyang vacation leave. Wala siyang ginawa buong araw kundi ang nakahilata sa kwarto niya. Ang kanyang Papa naman ang abalang-abala sa kusina sa pagluto ng mga paborito niyang putahe. Kusinero rin kasi ang kanyang ama kaya masarap talaga itong magluto. Tutulong pa sana siya pero sabi nito magpahinga nalang daw siya dahil minsanan lang din siyang makauwi sa kanila atsaka birthday niya kaya dapat mag-relax lang daw siya. Malambing talaga ang Papa nila sa kanilang magkakapatid at maalaga pa. Kaya nga rin siguro nahihirapan siyang maghanap ng boyfriend kasi hinahanap niya ang taong may katangian na gaya ng kanyang ama.

Nanunuod siya ngayon ng movie sa kanyang laptop nang tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na may tumatawag. Napangiti siya nang makitang ang mama pala ni Ken ang tumatawag.

"Hello, Tita." sagot niya.

"Happy birthday, hija!" bati nito sa kanya.

"Salamat po!" masigla niyang sagot.

"Busy ka ba? Punta ka dito sa bahay. Dito kana magcelebrate ng birthday." masayang aya nito sa kanya.

"Naku Tita, umuwi po kasi ako samin. Andito ako ngayon sa bahay." sagot niya.

Just Another (Weh)MAN(?) InloveWhere stories live. Discover now