Chapter 5

2 1 0
                                    

Matulin ang paglipas ng mga araw. Kada uwi ni Reińe, kapag hindi pa siya ganun ka pagod ay nagpapractice muna siya ng kanyang gitara. May ilang chords na siyang nalalaman kaya kahit papano ay masaya naman siya. Habang si Ken naman ay excited na dahil malapit na silang magbakasyon ni Dave. Tinatapos na niya lahat ng mga dapat tapusin sa opisina para hindi tambak ang tatrabahuin pagbalik niya galing bakasyon.

Habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop ay bigla niyang naisip si Reińe. Matagal na rin silang hindi nagkikita. Wala man lang paramdam sa kanya ang kaibigan niyang yun! Tumingin siya sa kanyang relo at mag-aalas sais na pala. Malamang sa malamang ay nandun na yung babaeng yun sa condo nito dahil hindi naman ito palagala. Pinatay na niya ang laptop niya and decided to call it a day. Productive naman ang araw niya kahit papano kaya hindi naman siguro masama kung bukas na niya tatapusin 'tong nasa harap niya. Napangiti siya, "Mabulabog nga ang condo ng bruha na yun!"

Naghanda na nga siya para umalis at pumunta sa condo ng dalaga.

Pakanta-kanta pa si Ken ng 'Never Enough' habang naglalakad sa hallway ng building ng condo ni Reine, may voicing pa siyang nalalaman. Pagkatapat niya sa unit nito ay pinindot niya agad ang doorbell.

Naghintay siya ng ilang sandali pero hindi pa rin nito binubuksan ang pinto kaya pinindot niya na naman ang doorbell. "Ano naman kayang ginagawa ng bruhang to at ang tagal buksan ang pinto." naiinip na sambit niya.

Samantala, nasa loob ng kwarto niya si Reińe nang marinig niyang may nagdoor bell. Nandito kasi ngayon si Jay sa unit para sunduin siya. Tuturuan kasi siya nitong mag gitara pero hindi dito sa loob ng unit niya ha kundi doon sa rooftop ng building.

"Rei, may nagdo-door bell, buksan ko na ha?" hinging pahintulot ni Jay sa kanya.

"Ako na. Pabalik na ako diyan." balik na sigaw niya. Hinahanap niya kung saan niya nailagay ang song book.

"Saan na ba 'yun?" Tumunog na naman ang doorbell. Aba! Nagmamadali ba tong bisita niya at di makapaghintay!

"Bubuksan ko na Rei, mukhang naiinip na eh." sabi na naman ni Jay.

Gotcha! Sa wakas nakita rin niya ang kanyang hinahanap. Hindi na niya sinagot si Jay at nagmadaling lumabas na lang ng kwarto.

Sa kabilang dako ay inip na inip na si Ken kaya laking pasalamat niya nang marinig ang pag click ng doorknob. Tatalakan na sana niya ang kaibigan dahil sa tagal nitong magbukas ng pinto pero hindi siya natuloy nang makitang lalaki ang nagbukas sa kanya ng pinto! Ang kaninang naiinip na ekspresyon ay napalitan ng pagkagulat.

"Excuse me! Sino ka?" nakataas ang kilay na tanong niya sa lalaki.

"Ah kapitba---" hindi na natuloy ng lalaking kaharap niya ang kanyang sinasabi dahil dumating na si Reine. Hinihingal pa ito.

"Ken! Napadalaw ka?" tawag nito sa kanya. Kunot na kunot na ang noo ni Ken nang bumaling kay Rei. "Sino 'to?" sa kaibigan naman siya nagtanong. Halata ang disgusto sa boses nito.

"Ah si Jay, kapitbahay ko. Sa unit 805 siya nakatira. Jay, si Ken nga pala bestfriend ko." pagpapakilala niya sa dalawa. Alanganin ang ngiti niya, mas lalo kasing kumunot ang noo ni Ken at hindi man lang inabot ang nakalahad na kamay ni Jay. Sumenyas pa ito sa kanya ng "Mag-usap tayo" habang matalim ang tingin na pinukol sa kanya.

Humarap siya kay Jay, "Ah Jay, pwede bang sa ibang araw mo na lang ako turuan mag gitara?" alanganing sabi niya rito.

"Sure. Marami pa namang next time." nakangiting sabi naman nito.

"Pasensya na sa abala ha." hinging paumanhin niya.

"No problem." bumaling ito kay Ken. "Nice meeting you, pare. Sige alis na ako." paalam nito sa kanila. Tumango lang si Ken habang hinatid naman ni Reine si Jay palabas.

Just Another (Weh)MAN(?) InloveKde žijí příběhy. Začni objevovat