Chapter 7

11 1 3
                                    

Balik trabaho na si Reine. Tapos na ang kanyang bakasyon kaya balik kayod na naman. Nabigla siya nang pagpasok palang niya sa kanilang office ay kinantahan na agad siya ng kanyang mga kaopisina. May hinanda pa silang cake para sa kanya.

"Happy birthday, Miss Rei!"

"Thank you guys! Nag-abala pa talaga kayo." nahihiyang pagpapasalamat niya.

"Grabe hindi ka man lang nagpakita nung birthday mo sa amin ha." kunwari nagtatampo na sabi ni Sheena.

" Umuwi kasi ako sa amin." paliwanag niya. "Di bale, bilang pa thank you ko sa inyo, labas tayo mamaya. Sagot ko." masaya niyang sabi sa kanila.

"Yees!!!" Tuwang-tuwa naman sila pagkarinig ng sinabi niya. Once in a blue moon lang kasi kung mag-aya ang dalaga sa kanila.

"Wow! Bongga! Saan ba tayo, Rei?" tanong ni Carla.

"Kayo, saan niyo ba gusto?" balik niya sa kanila.

Kanya-kanya namang suggestions ang mga ito kaya hindi sila magkasundo.

"Ganito, mamaya nalang natin pag-usapan ang final na pupuntahan natin. Sa ngayon, back to work muna para maaga tayong matapos at hindi makapag-OT." nakangiti niyang sabi.

"Ay...akala ko pa naman makakalusot tayo sa work today!" panghihinayang ni Paolo.

Natawa nalang si Reine at bumalik na nga sila sa kanya-kanyang mga trabaho.






Pagsapit ng alas 5 ay naghanda na ang lahat para umalis. Napagkasunduan nilang lahat na sa MTS sa may Matina nalang sila para hindi na babyahe ng malayo. Pagdating sa lugar ay humanap agad sila ng spot.

"O, order lang kayo ng gusto niyo ha. Sagot ko na lahat." sabi ni Reine sa kanila.

"Thanks, Rei! Magpapakabusog talaga kami ngayong gabi. Susulitin na namin ang pagkagalante mo ngayon!" sagot naman ni Neil.

"Sira! Baka may makarinig sa'yo at sabihing ang damot ko sa inyo." pabiro niyang tugon.

"Kuripot ka naman talaga, girl. Tapos pag inaaya ka naman namin, hindi ka sumasama." pangongonsensya naman ni Amy. Katrabaho rin niya. Komportable talaga sila sa isa't-isa kaya hindi mahahalatang head pala siya ng mga ito.

"Sus! Pinapakonsensya niyo pa ako, heto nga oh bumabawi na po!" pataray na sagot naman niya. Nagtawanan naman ang iba pa nilang mga kasama.

Nagkakasiyahan na ang grupo nina Reine. Umorder din kasi sila ng mga inumin plus may tumutugtog na banda sa harapan kaya libreng-libre silang nakisabay sa mga kanta ng mga ito.






~~

Payapang nanunuod si Ken kasama ang boyfriend sa bandang tumutugtog sa unahan nang mapansin niya ang nagkakasiyahang grupo di kalayuan sa table na inookupa nila ni Dave. Tinitigan niya ang babaeng nakaupo patalikod sa pwesto niya, parang familiar kasi. Tinutok niyang mabuti ang kanyang mga mata rito at nang lumingon ng bahagya ang babae sa gilid nito, medyo nahagilap niya ang mukha nito. Confirm! Kilala niya nga. Ang kaibigang si Reine pala ito.

"Tingnan mo 'tong bruhang 'to, ilang araw ng di pinapansin ang tawag ko. Akala ko busy lang sa trabaho yun pala gumagala lang dito!" bulong niya sa sarili.

"Ano yun, babe?" tanong ni Dave sa kanya na akala ay siya ang kinakausap.

"Ah wala, babe. Para kasing si Reine yung nasa unahan oh!" turo niya sa unahang table. Tiningnan din ito ni Dave.

"Bakit hindi natin puntahan para makumpirma natin." suggestion naman nito.

Napangiti siya. "Good idea, babe!" At pinuntahan nga nila.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Another (Weh)MAN(?) InloveWhere stories live. Discover now