Chapter 2

10 1 0
                                    


Monday morning. Tamad na tamad na bumangon si Reińe sa kanyang kama.
"Hindi ka mayaman kaya kumilos kana," pagmo-monologue niya.

Hindi kasi talaga siya morning person. Kapag nga walang pasok ay halos alas 10 na nang umaga siya gumigising. Isa pa sa pinagkaiba nila ni Ken dahil yung isa namang yun ay alas sais pa lang ay gising na gising na. Nagjo-jogging din kasi ito para raw ma-maintain ang kanyang figure. Figure his face!

Pagpasok niya pa lang sa opisina ay kumunot na agad ang noo niya pagkakita sa tambak na mga folder sa ibabaw ng kanyang mesa. Ito na siguro yung mga dokumentong hinihingi niya sa kanyang mga staff last week. Malapit na rin kasi ang filing of taxes kaya abala na naman ang kanilang department sa pagcomply ng mga kakailanganing mga dokumento.

Pagkaupo niya sa kanyang desk ay agad siyang nagsimula sa kanyang trabaho. Ni hindi na nga niya napansin na dumating na pala ang iba niyang mga officemates. Kung hindi pa siya binabati ng mga ito ay hindi niya pag-aaksayahang iangat man lang ang kanyang ulo. Halos araw-araw kasi ay siya ang nauunang dumadating sa kanilang opisina. Mahal niya ang trabaho niya kaya pinagbubutihan niya ito. Kung anuman ang kanyang narating ngayon ay dahil yun sa kanyang pagsusumikap. Kitang-kita rin naman ito ng mga katrabaho kaya wala silang reklamo nung na promote siya bilang head accountant dalawang taon na ang nakalilipas. Instead, ginagalingan din nila dahil naiinspire sila dito. Kahit tahimik si Reińe ay kasundo pa rin niya ang lahat ng kanyang mga katrabaho. Hindi naman kasi talaga siya masungit. Kung mabait ka sa kanya, magiging mabuti rin ang pakikitungo niya sa iyo. Sa department nila ay merong 8 miyembro at siya nga ang head.

Pagsapit ng lunch ay lumapit sa kanya si Sheena, isa sa mga malapit sa kanya sa office. "Rei, lunch break muna tayo." pag-aya nito sa kanya.

Kahit na siya ang head sa department nila ay hindi siya nagpapatawag ng Ma'am or Madam. Nakakatanda raw kasi pakingggan. Kaya kahit mas mataas ang posisyon niya sa mga ito ay casual pa rin sila mag-usap pero may respeto pa rin naman sila sa kanya.

"Susunod ako. Malapit ko na rin namang matapos tong ginagawa ko." tugon naman niya.

"Sige. Hintayin ka namin sa canteen ha. Doon nalang daw kasi kakain sina Arnold para makabalik agad dito dahil marami pang trabahong tatapusin." tukoy naman nito sa mga katrabaho nila.

"Sige." At umalis na nga ito.

Ngunit natapos na lang ang lunch break ay walang Reine na sumunod sa pantry.
"Miss Workaholic tapos na po ang lunch break!" biglang sulpot ni Sheena sa table ni Reine.

"Hala!" nagulat naman siya dahil hindi niya namalayan ang oras.

"Hintay kami ng hintay sayo dun di ka naman sumunod." sabi nito.

"Pasensya na. Nawala ako sa oras hehe." alanganing ngiti niya.

"Hindi ka na nakapag-lunch."

"Okay lang. Meron naman akong mga biscuits dito."

Ganyan siya. Minsan sa sobrang pagkatutok niya sa kanyang ginagawa ay hindi na niya namamalayan ang oras.

"Hindi maganda yan, girl. Baka magkasakit ka niyan. Hinay hinay lang sa work." pangsesermon nito sa kanya.

"Opo, nay." biro niya na lang dito. Ngumiti na lang rin ito sa kanya at bumalik na sa sarili nitong mesa.

Uwian na kaya nag-aayos na si Reińe sa kanyang mga gamit. Meron pa siyang hindi natapos na trabaho pero hindi niya feel mag-OT ngayon kaya dadalhin nalang niya ito sa condo para dun na tapusin.

Pasakay na siya sa kanyang kotse nang biglang may tumawag sa kanya, si Arnold, isa sa mga officemates niya. "Rei, sama ka sa amin? Punta kaming KTV bar." aya nito sa kanya.

Just Another (Weh)MAN(?) InloveWhere stories live. Discover now