Chapter 4

8 1 0
                                    

Normal na araw lang ngayon sa department nina Reine. Papetiks-petiks lang sila sa kanilang office, wala rin naman kasing masyadong gagawin dahil tapos na ang tax month. Malapit ng maglunch kaya kanya-kanya na silang plano kung saan kakain. Napagkasunduan ni Reine at Sheena na sa malapit na McDo nalang sila kakain dahil sawa na rin daw sila sa pagkain na sineserve sa canteen. Ang iba naman nilang kasamahan ay sa ibang lugar raw kakain dahil gusto daw nilang itreat ang mga sarili ng masarap na lunch.

Si Sheena ang umorder ng pagkain habang siya naman ay naghanap ng bakanteng mesa.

Palinga-linga siya paligid kaya hindi niya namalayan na may kasalubong siya, nagkabanggaan sila ng isang lalaki na may dalang Mcfloat. Buti nalang at mahigpit ang pagkahawak nito doon kaya hindi tumapon ang laman.

"Naku, pasensya na po, Sir. Hindi ako tumitingin sa daan." hinging paumanhin niya dito. Pag-angat niya ng ulo ay matangkad pala ito. Napatingin naman siya sa mukha nito at medyo namula siya dahil ang gwapo nito! Iniwas rin niya agad ang tingin nang mapansing nakatingin rin ito sa kanya.

"Okay lang." sagot naman nito. Ang ganda pa ng boses! Ngumiti pa ito sa kanya at umalis rin agad.

Napasunod na lang siya ng tingin rito habang papalabas ng restaurant. Nang mawala na ito sa paningin niya ay tumuloy na siya paghahanap ng pwesto.

Patapos na ang lunch break nila kaya pabalik na sila Sheena ngayon sa kanilang office.

"May bago raw tayong CFO sa company, Rei. Kilala mo na ba kung sino?" biglang sabi ni Sheena.

Nagtaka naman siya, "Talaga? Ngayon ko lang nalaman." tugon niya.

"Napadaan kasi ako kanina sa HR at yun ang pinag-uusap nila."

"Naku, sana naman hindi strikto, under pa naman ang department natin sa kanya." pag-aalala niya. Papasok na sila sa kanilang office kaya hindi na nila tinuloy ang pinag-uusapan dahil baka may makarinig pa sa kanila at ano ang isipin.


Bandang alas 4 ng hapon ay pinatawag ang lahat ng empleyado sa kanilang kompanya at pinatipon sa may function hall ng kanilang building. After a while, may nagsalita na sa stage. Pagtingin ni Reine ay ang CEO pala ng kanilang kompanya. Naisip niya na mahalaga siguro ang ia-announce nito sa kanila dahil minsan lang naman ito kung magpatawag sa mga empleyado.

"Good afternoon, everyone." pormal na bati nito sa lahat.

"You may wonder why you are all gathered here. Don't worry this won't take long, you don't have to take OT." biro nito ba ikinatawa naman ng mga tao.

"Well, I think everyone knows that our former CFO has just retired last month. So now, I am happy to introduce to you our new CFO. Please give a hand to Mr. Nathan Centino!"

Nagpalakpakan naman ang lahat ng tao na nasa loob ng hall na iyon. Mas lalo pang lumakas nang lumabas ang taong tinutukoy ng CEO.

Napasinghap naman si Reine nang makita niya ito. Kung hindi siya nagkakamali, ito yung lalaking nakabangga niya kanina sa may McDo! Tumapat na ito sa harap ng microphone.

Rinig na rinig naman niya ang mga bulungan sa paligid, especially the girls.

"Ang gwapo naman niya!"

"Ang gwapo bes!"

"Gosh! Pwede bang magpalipat ng department?!

Iba't-iba ang reaksyon nila pero isa lang ang common, nagwagwapuhan rin ang mga ito sa bagong boss.

"Hello, everyone! I am happy to see you all today. Thank you for lending me your time even though you still have a lot of things to do. I am looking forward to be working with you all." speech nito sa harap nila.

Just Another (Weh)MAN(?) InloveWhere stories live. Discover now