The S1

43 2 0
                                    


"You cannot escape the responsibility of tomorrow by evading it today."
- Abraham Lincoln

S1

"Mhm-mhm, Bonifacio Benitez, bakit kayo late!?" may halong inis sa boses ni ma'am Baltamar.

Hay, Nalate tuloy ako dahil sa halimaw na to. Ang aga ko naligo at nagbihis tapos 7:30 pala ako makakapasok... e kalhati na yun ng 1st period namin e tapos si ma'am Baltamar pa ang natapatan. Pag malas na lunes nga naman.

"Ganito po kasi yan, ah- ano po kasi eh.." Ang robits lang talaga nito edi mapapansin kami ni ma'am nyan.
(A/N: Robits=bobits, ayaw kasi nya ng nagsasabi non ng yun talaga yung word)

"Ano!?"

Nagulat naman ako kay maam kaya ang madaldal kong bibig ay nagtaksil ng wala sa oras.

" Tingin nyo po anong sago--"
 sa tinatanong nyo sasabihin po ba ng bata ang totoong dahilan, yun sana ang  sasabihin ko kaso...... may nakakabugnot na kamay ang tumakip sa aking bibig. Ngayon naman ang mga kaklase kong ito na ang hahangal may pagpipigil tawa pang nalalaman. Hula ko, hula lang ah, yung bibig ng mga yan puno na ng laway tapos alam mo yung ano, yung gang ano, ah yung gang kapag tatawa sobrang talisikan na yung laway... Hahaha...Share ko lang....So ayun nga baka ma MIA pa tayo eh kahit walang tayo..chooos ge na balik na

"Huwag nyo na po sya pansinin maam..."

 At marahil napapasarap na ang halimaw na to sa pagtakip ko sa bibig ko kinagat ko ang kamay nya habang nagsalita... haha laptrip to promise.

"Ganu-ah! A-a-aye Captain!..."

Nagpipigil ako ng tawa dito sa tabi tapos sinamaan nya ako ng tingin, ngumiti lang ako sa kanya at pinagpatuloy na niya ang kanyang pagpapaliwanag

"Kasi nga po ma'am, yung service po pala namin umalis tapos wala naman pong yung mga driver samin tapos di naman po pinapayagan si Fei mag drive papunta sa school...... "

Andami pa nyang sinabi pero ang totoo nyan nilayasan kami ng service kasi sobrang tangahali na kami e meron pa yung ibang service tas yung mga driver naman bawal kasi may pinuntahann ang mga magulang namin sa Saryaya,Quezon tas ako pwede naman na akong magdrive kaya sa madaling salita siya kasi yung tanghali na gumising. Dinaanan ko kasi siya kanina para sabay kami papasok atsaka espesyal ang araw na to sa aming dalawa kaya 6:15 ako umalis samin e magkalapit lang naman yung bahay namin eh tas sya pala harok pa. Yung nga hagal kong mga kapatid inawan na rin ako, nag papa- crush pa ang mga yon eh. Yun yun eh.

"....Kaya ayun po nalate kami"

At sa wakas natapos rin siya

"O sige na umupo na kayo but you better catch up to my lesson cause probably you're in the star section"

Ayun lang pala ang sasabihin, nangalay nga ako sa pagtayo ko e, tsk! Pero okay lang para tumangakad ako kahit konti pa, hehe.

" Okay po ma'am"
"K po"

Sabay pa naming sagot ngunit magkaiba ang ekspresyon, siya ang happy e ako ewan ko lang. Kasi naman! Kaumagahan e minalas na agad.

"Go, seat down now.""

At naghiwalay na kami ng landas ng halimaw na yon, yon rin ang naging hudyat ng pagsisimulang muli ni ma'am nang pagtuturo. Pumunta na ako sa upuan ko sa pinakalikod, matangkad kasi ako e yung halimaw ang liit.

Grade 9 lang kasi kami e pero ako ang height ko 5'7 tapos sya naman 5'3 lang... Ito namang higanteng katabi ko na bulong ng bulong 5'11 na sya malapit na mag 6 flat yung height nya, nakakaingit.

"Hoy! Nakikinig ka ba?"

Wow ha,  sya na nga pinupuri yung height sa isip ko sya pa galit. Pero okay lang bulong lang naman eh.

It Can't Where stories live. Discover now