The S6

15 0 0
                                    

"When we strive to become better that we are, everything around us becomes better too."

- Paulo Coelho

S5

Medyo madilim na. Hanggang ngayon may nararamdaman parin akong kaba. Pababa na ako ng sasakyan para bisitahin yung ate ko. Pagkapasok ko sa mausoleum ni ate nakaramdam ako ng goosebumps. Binuksan ko nalang yung ilaw.

"Ate naman dinadalaw na nga kita tinatakot mo pa ako." para akong shunga dito. "Ate ito paborito mong menudo oh. Sabayan na kita. Si Lola ang nagluto nyan. Konti nga lang kinain ko don kayna Father para di ka magtampo." Pero okay lang si ate naman ang kausap ko eh.

Pinatong ko muna yung bulaklak sa harap tapos nagsindi ng kandila bago ko binuksan yung mga pagkain.

Polli Reign A. Bonifacio
July 14, 2002
February 28, 2007

"Happy 16th Birthday ate! Ay belated na pala!" kumanta pa ako ng happy birthday hanggang sa bumagsak na yung luha ko.

"Ate ang tagal na rin pala. Parang dati tinuturuan mo pa akong mag kulay tapos ngayon andito ako tas ikaw nasa taas. Paano ba kita marireach,  ate?"

Namatay si ate dahil sa cancer, bone marrow cancer. She was just 5 and she already experienced fighting for her own life.

"Ate alam mo ba ang hirap sa school kaya di ako masyado nakakabisita sayo kasi may galit ata yung mga teacher samin, haha."

Sumubo na ako baka kasi magtampo pa si ate.

"Pero ate nagsisiskap ako kasi di ba sabi mo ikaw ang maghahanap ng someone ko kapag nakatapos ako kahit wala ka na magmumulto ka ng prince charming ko."

Yes, naabutan ko si ate I was 3 years old that time. Isang 3 year old na batang humihiling na sana may sakit narin ako para parehas kami ni ate o kahit ako nalang.

"Ate diba sabi mo ikaw ang gigising sakin pag umaga para di ako malate pero kasi ate si Sunny ang bagal kumilos multuhin mo nga haha."

"Ate alam mo ba kanina thank you ng thank you sina Lolo Jun at Lola Estee sa akin pero sabi ko wag mag thank you kasi ate feeling ko hindi ko deserve eh. Feeling ko ate ikaw dapat ang thankyouhan kasi ate diba ikaw ang nagturo saking tumulong sa kapwang nangangailangan. Gusto ko sana silang itakas sa pamilya nila eh kaso ate diba masama rin yun?"

Bago mawala si ate sabi nya sakin tumulong ako sa nangangailangan kasi yun ang pangarap nya, lalong lalo na sa pagtulong sa mga bata, kasi gaya nya raw nahihirapan ang mga yun. Tumulo na naman ang luha ko.

"Ay naku ate nasabi ko na ba sayo na nagschedule ako ng araw na dadalawin ka daw ng mga taga bahay pagasa gusto ka daw nila makilala eh."

"Ate alam ko alam mo na to pero ate pinayagan na ako magdrive, MAG-ISA" inemphasis ko talaga yung magisa "Alam ko na ikaw ang nagbabantay sakin kanina wag kang tumangi."

Paubos na yung kinakain ko.

"Ate ang laki na ng business natin. Atsaka si mama ang galing na nyang surgeon kilala na nga sya sa Pilipinas eh."

Isa si ate sa dahilan kung bakit isa na si mama sa pinakamagaling na neurosurgeon kasi si ate nawala sya kasi hindi na kaya ng mga doctor gamutin yung cancer ni ate kaya si mama nagaral talaga ng mabuti at nagsikap para daw kakayanin na ng mga doctor gaya nya na magpagaling ng kahit anong sakit.

"Malapit na nga pala ulit ang season ate kaya baka paminsan minsan nalang ulit ako makadalaw. Sorry ha."

Follow your dreams daw eh sabi ni ate kaya pinursue ko lahat ng gusto ko at kaya kong gawin. Wala naman daw masamang mag try kaya ayun eto ako ngayon andaming responsibility. Nagulat ako ng biglang kumulog.

"Anubayan ate pinapauwi mo na ba ako? Di pa nga nababawasan yung pagkain mo eh."

Kumulog ulit ng malakas. As in.

"Joke lang ate. Di ka mabiro alam ko namang mamaya ka pa kakain eh pag wala na ako. Nakakatakot siguro kapag nabasan yung pagkain diba? Hahahaha."

Humangin naman ng malakas pero syempre rinig lang kulob kasi yung mausoleum ni ate eh. Tapos nakita ko nahulog yung kutsara.

"Hoy Polli Reign A. Bonifacio! Di na ako natutuwa ah. Sabi ko ate si Sunny hindi ako. Bakit ba pinapaalis mo na ako? Makaalis na nga. Panira ka ng drama ko eh."

Nagligpit na lang ako pero ewan parang nagiba yung atmosphere eh parang gumaan na ulit.

"Ate aalis na talaga ako ha pinapaalis mo na ako eh. Ingat ka palagi ate 16 ka na. Ba bye."

Nilock ko na yung pinto para kasing bahay tong mausoleum ni ate eh.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》

Nakasakay na ako sa kotse. Akala ko nga uulan eh pero ang ganda pa ng panahon medyo mahangin pa nga eh.

Palabas na ako sa gate ng parking ng sementeryo ng may biglang sumulpot na lalaki. Napabusina ako ng malakas at matagal sa gulat.

"THE FUDGE!"

Yung lalaki nadagil sa una ng kotse at napaupo sya. Lumabas agad ako ng kotse at tinulungan yung lalaki. Di ko maaninag ang mukha nya kasi nakayuko siya.

"Jusme naman! Sorry sorry! Tumayo ka halika dadalhin kitang ospital! Kaya mo bang tumayo? Kuya magsalita ka naman! Okay ka pa ba o ano na? Tara n----"

Di natapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo yung lalaki at hinawakan ang balikat ko. Muntik pa nga ako magtaob eh kung di lang ako kumapit sa braso nitong lalaki.

"Miss teka lang ayos lang ako. Wag ka mag panic. Atsaka ako ang biglang tumawid. Pero teka parang kilala kita eh."

Na stiff ko ng mapansin kong pamilyar ang boses nitong lalaking to. Sakto namang nagbukas yung ilaw sa may poste ng gate. Gosh! What to do? Pero di pa naman ako sure eh kung sya talaga yun eh. Sana hindi, please! Nakatungo parin ako.

"Miss?"

Pag katingala ko para akong shunga natulala lang ako at bigla na lang nahilog yung kamay kong nakahawak sa braso nya.

"F-f-feitumn A-authoria? W-wow, ikaw nga!"

Teka, kilala nya ako. Omaghad yung kalandian sa katawan ko parang nabuhay. Pero kasi parang ayaw magsink in sa utak ko eh. Teka lang ah.

"Ah Sorry ha."

Nakahawak na sya sa batok nya pero yung isang kamay nya nasa balikat parin. Cute.

"Ahhh?"

Parang nabuhay na yung kaluluwa ko ng bigla nyang nilagay sa harap ng mukha ko yung kamay nya at wi nave.

"I-i-ian?"

At ngumiti sya.

To be continued.....

《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》

Merry Christmas everyone!

Lab lots💙

So... Sino ba si Ian?

Abangan sa susunod na kabanata.

- Courage





Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Dec 30, 2018 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

It Can't Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum